-DOS-

2313 Words
_DOS_   “Welcome to the beach!” bulalas ni Sam nang makarating sila sa private resort na pag-aari ni Ashley.   Hindi niya ito pinansin at itinuon ang tingin sa paligid. Ang malawak na kulay asul na karagatan, ang malamig na hangin na dala ng karagatan, ang magagandang alon at ang puting buhangin.   “Wow!” bulalas niya. Wala siyang ibang masabi dahil sa ganda ng tanawing nakikita.   “Zevyl!” Napalingon siya sa tumitiling babae at napangiti siya nang makita ang tumatakbong kaibigan niya.   Agad siya nitong niyakap nang makalapit sa kanya. “Good you’re here! Akala ko hindi ka makakarating at hindi ka papayagan ni Lola Edith. Allergic pa naman iyon sa dagat!” sabi nito at hinalikan siya sa pisngi.   Ngumiti siya.   “Ipinaliwanag ko sa lang sa kanya ang lahat at ipinaintindi. Nag-iingat lang siya dahil kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay, Maddie. Hindi ko rin naman siya masisisi,” sagot niya.   Isa sa mga kaibigan niya si Maddie at hindi rin lang nagkakalayo ang edad nila. Nakilala niya ito nang magsimula na silang mag-kolehiyo, may mga pagkakapareho sila ng mga gusto kaya agad na nagkapalagayan ng loob. Halos apat na taon na rin silang magkaibigan at hindi na rin iba ang turing niya rito.   “Hello to you too, Maddie, nandito rin ako baka hindi mo alam.” Nang-aasar na wika ni Sam kay Maddie.   “Alam ko, kung nasaan si Zevyl ay alam kong nandoon ka. Hindi kayo puwedeng magkahiwalay, ’di ba?” Nanunuksong saad ni Maddie.   Nakita niyang pinamulahan ng mukha si Sam, talagang talo ito sa asaran kay Maddie. Napailing siya at dinunggol sa balikat si Maddie.   “Tigilan mo muna si Sam, at nagkukulay kamatis na ang pisngi,” dagdag pang-aasar niya sa kaibigang binata.   Nagtawanan silang dalawa ni Maddie nang mas lalong mamula ang mukha ni Sam.   “Girls, stop bullying him,” sabi naman ni Darren, ang boyfriend ni Maddie. “Don’t worry, Pare, I got your back.”   “Thanks, Darren.” Nagkakamot ng ulong saad ni Sam.   “Let me help you with your luggage, Zevyl,” sabi ni Darren at kinuha ang bagahe niya.   Nagpasalamat siya rito at nauna na ang dalawang binata sa loob ng bahay habang sila naman ni Maddie ay sinalubong ni Ashley, ang may-ari ng  ng private resort na tutuluyan nila sa loob ng isang buwan.   “Can’t believe you made it, Zevyl.” Nakangiting sabi nito sa kanya.   “Actually, muntik nang hindi matuloy. Nagkasagutan pa kami ng Lola ko nang magpaalam ako sa kanya, pero sa huli ay pinayagan naman niya ako. Iyon nga lang ay marami siyang inihabilin sa akin,” sabi niyang napakamot sa ulo habang nakatawa.   “Kapag natapos natin ang bakasyong ito ay sasamahan kitang umuwi at hahalikan si Granny sa pagpayag na makasama ka sa bakasyong ito. I’m sure hindi naman matutuloy ito kung hindi ka kasama dahil hindi rin tiyak sasama si Sam.” Nanunuksong dinunggol ni Maddie ang siko niya.   “Tell me, nanliligaw na ba sa ’yo si Sam?” tanong nito sa kanya.   “Huh? Of course not! Magkaibigan lang talaga kaming dalawa, nothing more.” Napapalatak na sagot niya. Bakit ba halos lahat nang nakakakilala sa kanilang dalawa ni Sam ay iniisip na magnobyo sila o ’di naman kaya ay nililigawan siya ng binata.   “Mamatay?” Nakataas ang kilay na tanong ulit ni Maddie sa kanya.   Malalim siyang nagbuntong-hininga. “We’re just friends—best of friends to be exact.”   “Pero tinanong mo na ba siya kung hanggang kaibigan lang din ang tingin niya sa ’yo?”   Natigilan siya at naguluhan sa sinasabi ni Maddie. “Bakit ko naman siya tatanungin kung ano ang nararamdaman niya para sa akin? Like, duh!”   “Oo nga naman, Maddie. They’re just bestfriends, huwag mong bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila. Mamaya niyan ay magkailangan na ang dalawa at hindi na magpansinan,” segunda naman ni Ashley.   Nakaingos na humalukipkip si Maddie at bumaling sa kanya.   “May gusto sa’yo si Sam pero hindi mo nahahalata? Gosh! I can’t believe it! Anyway, so much for that, alam kong balang araw makikita mo rin ang liwanag.” Nakangising sabi nito at inakbayan siya.   Natatawang napailing na lang siya at hinayaan itong akayin siya papasok sa loob ng bahay.   Halos malaglag ang panga niya nang makita ang kabuuan ng bahay. Napaka-cozy niyon at halatang mayaman ang may-ari, nagkikintaban ang mga muwebles at hindi basta-basta ang mga malalaking kabibe at iba’t-ibang sea shells na naka-display at palamuti sa buong kabahayan.   “Ang ganda naman dito!” bulalas na wika niya habang pinagsasawa ang mga mata sa paligid.   “And there’s plenty of food too!” Tuwang-tuwang wika ni Maddie. “Mukhang pinaghandaan ni Ashley ang pagpunta natin at talagang nag-imbak ng pagkain!”   “Matagal na rin kasi akong hindi nakakapagbakasyon dito. Nang sabihin sa akin ni Sam na hindi pa nakakarating si Zevyl sa isang beach ay naisipan kong magpaalam sa mga parents ko na gamtin ang resort na ito.” Pagku-kuwento ni Ashely.   “Aw, that’s so sweet of you,” sabi niya rito.   Nakarinig sila ng mga yabag na pababa .   “The rooms are awesome, Zevyl, you want to check your room?” tanong sa kanya ni Sam.   Umiling siya. “Mamaya na lang siguro, gusto ko munang mag-stay dito sa sala.”   “Are you guys hungry? Nag-order ako ng pizza and burgers,” sabi ni Darren sa kanila.   “Yes babe! Puwede bang pakuha na lang ng pagkain?” malambing na pakiusap ni Maddie sa nobyo nito.   “Sure, babe.” Kinindatan ni Darren ang nobya nito at para namang inipit na pusa si Maddie sa sobrang kilig.   Sabay silang napairap ni Ashley pero may ngiti sa labi, sumama si Sam kay Darren at tinulungan itong maghanda ng pagkain kaya naiwan silang tatlo doon.   “So, how long did you own this place?” tanong ni Maddie kay Ashley.   “Bata pa lang ako ay pag-aari na namin ang resort na ito, minsan na rin akong nakapagdala ng mga classmates ko dito noong nasa High School pa ako,” sagot ni Ashley na prenteng umupo sa pang-isahang sofa.   “Kasama ba sa mga classmate na sinasabi mo ang first love mo? Did you kiss here? Ang sabi kasi nila, kissing someone under the full moonlight at the beach was magical. Naranasan mo na iyon?” Nangingislap ang mga matang tanong ni Maddie kay Ashley.   “I-It wasn’t that s-special.” Nakangiwing sagot ni Ashley.   “So, it wasn’t true?” Nanlalaking tanong ni Maddie.   Natawa siya sa reaksyon ni Maddie, gusto niya sana itong asarin dahil ang hilig nito sa mga ganoong bagay.   “It is, what I mean is my f-first kiss,” nahihiyang sagot ni Ashley.   Nagpatuloy ang kuwentuhan nila habang kumakain. Napagkasunduan nilang mag-bonfire mamayang gabi sa gilid ng dalamapasigan. For her it was a dream come true! Kung dati ay sa isip niya lang lagi iyon at pinapangarap na maranasan ngayon ay abot-kamay na niya ang lahat.   Pagsapit ng gabi ay nagtipon-tipon sila sa labas at ang mga kasama nilang lalaki ang nag-ipon ng mga panggatong at nagmanipula ng apoy ngunit parang hindi iyon sapat pa kay Maddie at ibinuhos ang buong gas sa bonfire.   “Maddie, may balak ka bang sunugin ang buong resort?!” Natataratang wika ni Ashley nang makita ang malaking apoy sa harap nila.   “Relax, Ash. Mas malawak ang karagatan kaysa sa apoy na iyan.” Natatawang singhal ni Maddie kay Ashley.   “You could’ve hurt yourself, dummy,” singhal din ni  Ashley sa kaibigan niya.   ‘Don’t worry, I got her back.” Pagtatanggol naman ni Darren kay Maddie.   “Ugh! How can you survive her?” baling sa kanya ni Ashley.   Tumawa siya ng mahina. “You’ll get use to it, ganyan lang talaga siya kakulit pero kapag nakuha nasakyan mo na ang kakulitan niya ay tiyak na magkakasundo rin kayo.”   Ngumiti ito at nahuli niya itong nakatingin kay Sam, abala ang binata sa pag-iihaw ng barbecue. Ito kasi ang natalo sa laro nila kanina kaya dito naatang ang pag-iihaw.   “Do you like him?” Nakangiting tanong niya kay Ashley na agad namang nagbawi ng tingin at pinamulahan ng mukha.   “Am I that o-obvious?” Nahihiyang tanong nito sa kanya.   “Hindi naman, kung hindi kita nahuli ngayong nakatingin sa kanya ay hindi ko malalaman iyon,” sagot niya.   “H-Ha? A-ano kasi…” naghagilap ito nang sasabihin ngunit sa huli ay sumuko na lang at nagbuntong-hininga. “Hindi siya mahirap magustuhan and for the record? I am not the only one who likes him. There’s a bunch of girls in our campus who likes him.”   Napamulagat siya at napatingin dito, saka kay Sam.   “R-Really?” tanong niya.   Nilingon siya nitong nakakunot ang noo. “Hindi mo alam? Oh, right, he didn’t want you to know that, of course.”   Siya naman ang naguluuhan sa sinabi nito, parang may gusto itong ipahiwatig sa kanya ngunit hindi lang nito masabi sa kanya. Nagpaalam ito sa kanya kaya hindi na siya nakapagtanong pa, lumapit ito kay Sam, saka naman lumapit sa kanya si Maddie namay dalang marshmellow.   “Mukhang dibdiban ang naging pag-uusap niyong dalawa ni Ashley, ah. Tell me, did she confessed something?” tanong nito sa kanya sabay abot ng isang stick ng marshmallow.   Huminga siya ng malalim at tinanaw ang mga itong nagkakatuwaan.   “I asked her if she likes Sam, and she said yes. Nagulat ako nang sabihin niyang marami ang nagkakagusto kay Sam but he didn’t tell me anything about that,” sabi niya.   Tumawa ito ng mahina at dinunggol siya sa balikat. “Hindi ko alam kung nakakabuti pa rin sa ’yo ang pagiging NBSB mo, kung ako sa ’yo maghanap ka na ng lalaking magiging nobyo mo para mabuksan na iyang puso mo at mamulat sa mundo ng pag-ibig.”   Nakangiwi siyang tumingin dito. “What are you talking about. I am aware of that thing called love, sadyang hindi pa ako handa para sa isang relasyon,” sagot niya.   “Up to you, basta sinasabi ko lang sa ’yo hindi mo mapipigilan ang puso mo kapag nakahanap na iyan ng katapat.” Iyon lang ang sinabi nito at iniwan siya.   Naiwan siyang mag-isa doon at pinagmamasdan ang mga itong nagkakatuwaan, tinawag siya ni Sam para lumapit sa kanila ngunit ngnitian niya lang ito at hindi natinag sa kinauupuan. Nagkasya na lamang siyang pinagmamasdan ang mga ito.   Ilang sandali lang ay bigla siyang natigilan nang makarinig nang magandang himig galing sa karagatan. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at kadiliman lang ang sumalubong sa kanya. Balak na sana niyang sabihan ang mga kaibigan niya ngunit parang walang naririnig ang mga ito kaya naman binalewala niya iyon.   Ngunit sa pangalawang beses na narinig niya ang himigna iyon ay tumayo na siya sa kinauupuan at parang may mga sariling isip ang kanyang mga paa na naglakad palapit sa dalampasigan. Biglang may gumitaw na kulay asul na liwanag sa kanyang isipan at hindi niya matukoy kung ano iyon. Napapikit siya at sa pangalawang pagkakataon na tumingin siya sa malawak na karagatan ay may naaninag siyang gumagalaw sa dulo ng resort.   Mabilis niyang pinuntahan ang mga iyon ngunit natigilan siya nang makita niya ang kakaibang nilalang na mabilis na nagpalit ng anyo.   A mermaid?!  Wait, namamalikmata lang yata ako. Paano magiging sirena ang isang lalaki?! Tanga ka ba Zevyl?”   Ipinilig niya ang kanyang ulo at kinusot ang mga mata. Muntik pa siyang mapasigaw nang sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ang isang maskuladong katawan na walang kahit na anong saplot.   “H-Hey…” utal na bati niya rito.   Wala siyang nakuhang sagot mula rito, dahil madilim sa parteng iyon ay hindi niya maaninag nang maayos ang mukha niya, pero base na rin sa anino nito ay alam niyang lalaki ito. Naalarma siya nang makitang may nagsilitawan sa dalampasigan at bago pa man siya makahuma ay nahawakan na siya ng lalaki at mabilis silang nagtago sa isang malaking punong naroon.   Nakulong siya sa mga bisig nito habang ang binata naman ay tahimik na minamatyagan ang mga taong umahon mula sa tubig.   Did I get myself in trouble? Nahihintakutang tanong niya sa sarili. Ang akala ko ay walang ibang tao dito maliban sa kanilang lima?!   Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon at sa unang pagkakataon ay ramdam ni Zevyl ang malakas na pagkabog ng kanyang puso, maging ang t***k ng puso ng lalaking nasa harap niya ay dinig na dinig niya.   Anong nangyayari?   “They’re gone,” bulong nito.   Parang nanayo ang lahat ng balahibo ni Zevyl sa katawan nang marinig ang malalim at baritono nitong boses. Iyon ang kauna-unahang nakarinig siya ng ganoong kagandang boses ng isang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata at para siyang nahihipnotismong hindi niya maalis ang tingin sa kulay itim nitong mga mata. Muli niyang narinig ang magandang himig na nagdala sa kanya doon, ibig sabihin ay sa kanya galing iyon?   Ngunit anong ginagawa nito? At bakit niya naririnig ang boses nito gayong nasa malayo siya kanina?   “Close your eyes, and when you open your eyes again you’ll forget everything that happens tonight,” sabi nito sa malamyos na boses.   Nagkunot-noo siya, nawi-weird-uhan na siya sa kinikilos ng lalaki ngunit sa huli ay sinunod niya ito at ipinikit ang mga mata. Nang muli niya iyong imulat ay wala na ito sa paligid at hindi na niya ito makita. Napayakap siya sa kanyang sarili at kinilabutan.   Is there some hunk ghost here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD