OCHO (II)

1098 Words

**** “Namamalikmata ba ako?” sabi niyang ilang beses pang kinurap ang mga mata. “Hinaan mo ang boses mo,” mababa ang boses na singhal nito sa kanya. “Kilala ko ang lalaking iyan,” sbai niya at itinuro ang lalaking palinga-linga sa paligid. “Nagkita kayo sa lupa?” gulat na tanong nito na napatingin pa sa kanya. Tumango siya. “Dalawang beses kaming nagkita sa lupa at siya ang dahilan kung bakit ako nahulog sa—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil mabilis siya nitong hinila palayo sa pinto. “Ano’ng ibig mong sabihing siya ang dahilan kaya ka napunta dito?” pagalit na singhal nito sa kanya. Napangiwi siya nang humigpit ang hawak nito sa pulsuhan niya. “Gusto ko lang siyang tanungin dahil nang unang beses na magkita kami ay may sinabi siya sa akin na hindi ko maintindihan,” sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD