Tinitigan niya ang kan'yang sarili sa salamin. Hindi pa rin siya sanay sa buhok niya kahit ang sabi naman ng iba ay bagay raw naman sa kan'ya. Sinasabi rin naman niya sa sarili niya na ayos lang ang itsura niya pero sadyang nakakapanibago lang talaga.Sana bukas paggising niya ay mahaba na ulit ang buhok niya. Bigla siyang bumangon sa kama nang marinig ang malakas na tili ni Ma'am Jean . Lumabas siya sa kwarto at mabilis na lumapit kung 'asan ang babae. Nasa loob ito ng kwarto kasama si Sir Jade. Nakabukas ang pintuan kaya malaya silang sumisilip dahil baka kailangan ng tulong ang amo.Nasa tabi rin niya si Aling Daisy at Becca na naghihintay rin lang ng utos mula kay Sir Jade. " Siguro, hindi naman nakatulog si Ma'am Jean kaya sinumpong na naman!" wika ni Becca sa kan'ya. Kinurot naman

