Excited siya para sa araw na ito dahil mamayang gabi ang party ng mama ni Dave. Bukod sa hindi pa siya nakapunta sa mga ganitong engrandeng okasyon ay gusto niya na ring makasama ang nobyo. Paano kung mamaya ay may pa sorpresa si Dave? Paano kung mamaya ay tuluyan na siyang maging fiance nito? Malay 'di ba, baka busy ang nobyo dahil may malaking sorpresa ito sa kan'ya. Hindi niya maiwasang mag-overthink dahil sa tindi ng excitement niya. Simple lamang naman ang susuotin niya mamaya.' Yun naman talaga ang gusto ng nobyo niya, kasimplehan niya. " Yaya, I want to eat pancakes! Luto ka please!" lambing sa kan'ya ni Skyler. Tiningnan niya ang maamong mukha nito. Napakaganda ng mga mata ni Skyler, nakakalunod tingnan. Siguro, paglaki nito ay napakagwapong bata ito. Mabait at masunurin rin hi

