Sinundo siya mismo ng nobyo papunta sa five star kung saan idadaos ang kaarawan ng nanay ni Dave. " I love the way you look tonight babe." mahinang wika ng nobyo nang pumasok siya sa loob ng kotse nito. Si Dave na ang nagmamaneho , amoy bagong bago ang kotse ng nobyo. Nang lumingon siya ay 'di pa nga tinatanggal ang plastic sa mga upuan. " Salamat babe, napakagwapo mo rin ngayon gabi." Hinawakan nito ang isa sa mga palad niya at dinala iyon sa labi nito at marihing dinampian ng halik. " Mahal kita, babe."wika nito sa kan'ya. " Ako rin, t-tara na?" wika niya rito. Sa labas pa lamang ng naturang hotel ay kitang kita na kung gaano ito kamahal at karangya. May mga makukulay na ilaw na dito pa lamang niya unang nakita. May mga iba't ibang klase ng mga halaman na tila dinesenyo kasama ang

