PROLOGUE

1288 Words
DISCLAIMER This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. "Jo, move faster!" malakas na sigaw ko sa kaibigan habang nakabusangot ang mukha. Ngumuso siya. "Luna, wait lang okay?" sagot niya habang dala-dala ang backpack niya. I rolled my eyes at her. "Bilisan mo at baka maiwan tayo nila Atticus!" singhal ko sa kanya. Kahit kailan talaga mabagal kumilos ang kaibigan ko na 'to. Nakanguso lang siya nang makasakay kami sa SUV ng pamilya nila. "Sigurado ka ba rito, Luha?" kinakabahan na tanong niya habang nakasakay kami sa loob ng SUV nila. "mamaya pati ako mapagalitan nila Tita Snow dahil sa'yo." "Josette, easy ka lang okay? Hindi tayo mapapagalitan nila Mama dahil sabi ko kasama naman kita." "Eh, paano kung malaman nila na kaya tayo pupunta ng Baryo Maligaya na halos dalawang oras ang layo mula rito ay dahil kay Atticus na crush na crush mo!" sanlasa niya habang inaayos ang mahabang buhok. "pag nalaman nila, siguradong lagot na naman tayo! Pati ako madadamay tapos pagsasabihan na naman ako ni Kuya Ty!" ngumuso siya. "I am one hundred percent sure, Kuya Ty will be mad at me again dahil sumunod ko na naman ang gusto mo." Pinagmasdan ko ang reaksyon ng magaling kong kaibigan. Nakanguso pa rin siya na akala mo papaluin kami sa puwet ng magulang namin dahil sa ginagawa namin ngayon. "Huwag mo akong dinadaan diyan, Josette!" may himig ng pang-aasar na sambit ko sa kanya. "may crush ka lang sa Kuya Ty ko and you don't want to have a bad impression to him." Mula sa malungkot na mukha ay gulat siyang tumingin sa gawi ko. Namumula ang mukha niya habang nakaawang ng kaunti ang labi. "H-hoy! Hindi, 'no!" nauutal na tanggi niya bago nag-iwas ng tingin. Tumaas ang gilid ng labi ko. "Alam mo, Jo…" sumandal ako ng maayos sa tabi niya habang nakatingin sa kanya. "magsinungaling ka na sa ibang tao, 'wag lang sa'kin dahil kilalang-kilala na kita. Sabay tayong lumaki at alam mo 'yang tingin mo sa Kuya ko." "H-hindi totoo 'yan, L-Luna!" I tsked. "Sus! Pero kahit na ganoon, mas bagay naman kayo ng Kuya ko sa bruhildang Veronica na 'yon!" Nanlaki ang mga mata niya. "T-talaga! Mas bagay kami ni Kuya Ty?" I burst out laughing because of her expression. Nawala ang pagkasaya sa mukha niya bago ngumuso muli. Para siyang binagsakan ng langit at lupa sa hitsura niya. "Stop making fun of me, Luna!" singhal niya bago tinago ang mukha gamit ang mga palad. "Seriously, Jo!" napailing ako habang natatawa. "just admit that you have a crush to my brother!" "W-wala nga, eh!" Umikot lang mata ko sa kanya bago siya sinamangutan. Naging tahimik ang loob ng sasakyan nila hanggang sa makarating na kami ng Aragon Grandé Hotel sa Baryo Maligaya. Agad kaming lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng hotel. Naabutan namin sila Atticus sa lobby ng hotel, kasama ang mga kaibigan niya. Nang lumingon siya sa gawi namin ay agad siyang ngumiti. "Luna, you came!" masaya na sambit niya nang makalapit kami sa pwesto nila. Nahihiya akong ngumiti bago tumango. "Of course, it's your birthday!" "It's good to see you here," aniya, hindi nawawala ang ngiti sa labi. "salamat sa pagpunta." Kinikilig akong ngumiti. "Wala 'yon," tugon ko. "ikaw pa! Malakas ka sa'kin, eh!" Ginulo niya ang buhok ko. "That's why I like you." Nagtaas ako ng tingin sa sinabi niya. Namumula ang pisngi ko at natigilan sa sinabi niya. He just smiled at me devilishly bago ginawi ang mata sa mga kaibigan niya. Napahalukipkip ako. Parang nag-slow motion ang paligid ko dahil sa sinabi niya. He like me? For real? Matagal ko ng crush si Atticus. As I laid my eyes on him when I was in junior high school, nagka-crush na ako sa kanya. Siya ang kauna-unang lalaki na nagustuhan ko. Gwapo, matangkad, moreno, matalino, varsity player, may pagka-bad boy ang aura at heartthrob sa school namin. Nasa kanya na lahat ng gusto ko sa isang lalaki. At kahit na ngayong magka-college na 'ko'y siya pa rin ang gusto ko. Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya simula nang makilala ko siya. "Stop day dreaming, kid." My thought blew away when someone tapped my head. Medyo malakas 'yon kaya nag-angat ako ng tingin sa gumawa no'n at sumama ang timpla ng mukha ko nang makita si Elijah. I rolled ay eyes at him. "Shut your f*****g mouth, Montereal!" "And stop cursing too, kid," he said with humor. "Mind your own business, then!" He smirked at me. "Luna, may I remind you, para kang tanga kanina habang nakatingin kay Atticus na akala mo sinasamba mo siya." bahagya siyang tumawa. "as if he really meant what he said earlier." Nayukom ko ang kamao. "I said, shut your mouth, Elijah!" madiin na sambit ko. He scoffed as he walked towards me. Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng denim pants niya. "Don't talk to me like that, kid. Mas matanda ako sa'yo ng pitong taon. Maging magalang ka naman." "Galang!" I mumured. "hindi ka naman ka galang-galang!" He licked his lips as he stares at me. "Ang tapang mo talaga kaya ang sarap mong asarin." Sinamangutan ko lang bago hinawakan sa kamay si Jo. "Halika na nga, Jo at may epal dito!" sanlasa ko. "matanda na kasi kaya gan'yan!" "Luna!" suway ni Jo sa'kin. Lumingon ako sa kaibigan. "Oh, bakit? Totoo naman, ah!" saad ko bago muling nagtaas ng tingin kay Elijah. "matanda na siya kaya old fashion na siya." Nakatingin lang sa'kin ang lalaki at mapang-asar pang tinaas-baba ang kilay. Mas lalo lang akong mainis dahil sa facial expressions niya! He really knows how to pissed me off and I hate it! "Matalino at gwapo naman," bulong ng kaibigan ko. "See? Kahit kaibigan mo, naga-gwapuhan sa'kin," proud na sabi ni Elijah. "Gwapo-gwapo!" I mumbled. "halika na Jo para makapag-swimming na tayo!" hinila ko ang kaibigan papuntang elevator. "Hey, don't wear two piece! Hindi bagay sa'yo!" rinig kong malakas na sigaw ni Elijah. "Tse! Magsusuot ako!" sigaw ko pabalik. "Kahit magsuot ka ng two piece, hindi ka magugustuhan ni Atticus!" sigaw din niya pabalik na siyang nagpatigil sa'kin. Imbis na tumuloy papasok ng elevator ay huminto ako at nilingon siya. Mas lalong kumulo ang ulo ko dahil bumungad sa'kin ang ngisi niyang mapang-asar. "Anong sabi mo?!" madiin na sambit ko at hinakbang ang paa pabalik sa kanya. He smirked once again as he crossed his arms around his chest. "Don't wear two piece dahil wala namang makikita riyan sa katawan mo. You're flat chested and Atticus doesn't like flat chested." Umintig ang panga ko sa sinabi niya. "May dibdib ako!" bulaslas ko sa harapan niya. "Nope! Wala kang dibdib!" "Meron nga!" ulit ko. "maliit lang pero meron!" Humalakhak siya. "See? Maliit. Ikaw na nagsabi niyan." "I hate you!" mariin na sambit ko. He smirked at me. Again. "Oh, well! I like teasing you, Ms. Herrera," he said with full of humor. "hindi yata ako mabubuhay na hindi ka na aasar o naiinis ng isang araw." "I really, really hate you!" Sumeryo ang mukha niya at umiigting ang panga. Medyo natakot pa 'ko dahil baka ngayon patulan na niya kaso hindi 'yon nangyari. Instead, lumapit siya sa'kin. "Paano ba 'yan? I found you interesting, Luna Brielle Herrera," malalim ang boses niya nang sabihin niya 'yon. Napalunok ako. "W-what?" "Wala kang kawala sa'kin, Luna. Always remember that," aniya. "kahit na inis na inis ka sa'kin. Nandito lang ako." Parang naging jelly ace ang tuhod ko nang makaalis siya. Bumilis ang t***k ng puso ko kaya napahawak ako rito. What was that for?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD