CHAPTER 1

2664 Words
Hanggang sa makapasok kami ni Jo sa unit namin ay lito pa rin ako. Hindi ko alam bakit ganito ang epekto sa'kin ni Elijah ngayon. Noong una naman inis lang ako sa kanya dahil ang lakas niyang mang-asar sa'kin dahil alam ng lahat na may gusto ako kay Atticus. I was thinking he was doing this because I like his friend. And he knows how to pissed me off. Pero simula ngayon? Simula ng sabihin niya ang mga sinabi niya kanina sa'kin ay nag-iba ang nararamdaman ko. Galit, inis at pagkalito. Iyan ang nararamdaman ko! "Earth to Luna!" malakas na bulyaw sa'kin ni Jo tapos binato pa ako ng damit niya. "Bakit?" wala sa sariling sagot ko. She rolled her eyes at me. "I've been talking here and you're not listening!" Nakagat ko ang labi. "A-ano bang sinasabi mo?" "Kanina ka pa tulala. Dahil ba 'yan sa sinabi ni Kuya Elijah?" "Huh? Hindi, ah!" tanggi ko sabay iwas ng tingin. Of course! I don't want her to noticed na apektado ako sa sinabi ni Elijah! Jo has been my best friend since I can remember. Kung malaman niyang nabo-bother ako sa sinabi ni Elijah, malamang ay aasarin niya ako. She knows how much I hated Elijah! Simula ng dumating siya rito sa Isle Esme at nalaman na may gusto ako kay Atticus, palagi na lang ako nitong inaasar. As if he gets something for annoying me. Sumilay ang ngising aso sa labi niya. Napairap na lang ako sa naging reaksyon niya. "Sus! Effected ka sa sinabi niya kanina?" may ngisi na panunudyo niya sa akin. I rolled my eyes again. "No! Ever!" "Luna, is Kuya Elijah has a crush on you?" tanong niya pagkuwan. "kasi 'yong sinabi niya kanina, wala ka raw kawala sa kanya? What does he mean by that?" "Ewan ko," sagot ko sabay kibit ng balikat. "saka, pakialam ko kung may crush siya sa akin. Hindi ako interesado sa kanya." "Hindi ka na rin naman talo sa kanya. Gwapong future doctor no'n." I rolled my eyes for nth time. "He's too old for me. Ilang taon ba 'yon? Mga twenty-seven na yata 'yon. And he's boring!" Ngumuso siya. "Matanda pero gwapo. Parang heartthrob sa isang campus!" Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Mas gwapo sa Kuya Ty ko?" nanunuyong sambit ko. She smiles sweetly. "Of course, mas gwapo si Kuya Ty!" Ngumisi ako sa kanya. "See? Mas gwapo ang Kuya ko. Lalo na sa paningin mo." Natigilan naman siya. I just smirked at her and she just pouted her lips. I know her. She likes my brother, Kuya Ty. Hindi ko nga lang alam bakit hindi niya inaamin sa akin ang totoo kahit na halata naman. She would blush every time Kuya Ty was praising her. She would go crazy every time my brother smiles at her. She just hides it but I always see her. Sa araw-araw na lumipas na palagi siyang nakatambay sa bahay namin, ganoon palagi ang nangyayari. She rolled her eyes at me when she noticed my mischievous smile. Mas lalo rin humaba ang pagnguso niya. Paano nahuli ko talaga siya. "Luna, I don't like Kuya Ty, okay?" She defend herself. Napahalukipkip ako at umupo sa tabi niya. Isang kwarto at may dalawang kama ang inakupahan naming unit. This is one of the best in Aragon Grandé Hotel. Everything you need is already here. Their hotel is just really amazing. No reason why their hotel is the best. "I didn't say anything." I saw her still pouting her lips. Maya-maya ay nakita ko namang nakagat niya ang labi. "Kuya Ty has a girlfriend," she whispered out of sorts. Napatingin ako sa kanya na yumuko. She was sitting on the side of her bed. Mula rito ay dinungaw ko ang mukha niya. And I just sighed when I saw her face. Malungkot iyon. Parang binagsakan ng langit at lupa. Para bang pasan niya ang buong mundo sa sobrang lungkot ng mukha niya. "I don't like Veronica for my brother," mahina na sinabi ko habang nakatungo sa kanya. She suddenly turned her head towards me. Nakanguso pa rin siya. I just smile. My best friend looks like an angel when she does that. Lalo na ngayon, magulo ng kaunti ng buhok niyang nakalugay. Just like me, she has pale white skin. Her lips are shaped like a heart and it is really naturally red. Maliit ang mukha niya at bumugay sa hugis ng mga mata niya at kilay. You see, she looks like an angel who just came from above. "But Kuya Ty loves her," tugon niya pabalik. "Hindi magtatagal ang dalawang 'yon, Jo! Tingnan mo! Sa susunod break na ulit ang dalawang 'yon!" Her eyes suddenly winded. "Talaga?" Parang nabuhayan siya sa sinabi ko. Natawa na lang ako. I instantly put my head on her shoulder. Dumungaw siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya. Honestly speaking, If you are going to ask me if there's any girl that I like for my brother. I'd say her name. Hindi man niya aminin sa akin na may gusto siya sa nakakatandang kapatid ko, alam kong bata pa lang kami ay gusto na niya ang Kuya ko. I really like how she looks at me brother. I really like how she cares for him. And I really like how she likes my brother despite their age gap. Kuya Ty is seven years older than us. Yes, ngayon ay nasa legal age na kami. We're both nineteen years old now but it still doesn't change the fact that Kuya Ty is older than us. We're still teenagers. And Kuya Ty loves Veronica. "I like you for my brother," I said to her softly and a smile crept on her lips. She's secretly in love with my brother for a long time. Sa tingin ko nga ay bata pa lang kami ay talagang crush na crush na niya ang Kuya ko. She doesn't want to admit it, for a reason na hindi ko alam. I would be happy if really tells me that she likes my brother. Kasi siya si Jo. Kilala ko siya. At alam kong hindi niya sasaktan ang Kuya ko. "No! We shouldn't think something like this, Luna!" aniya maya-maya at marahas na iniling ang ulo. Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Tinanggal ko rin ang ulo sa balikat niya at tumingin sa kanya na naguguluhan. "What?" "Luna! Mali 'to!" "Anong mali?" "Hindi dapat natin iniisip na maghihiwalay ulit sila Kuya Ty at si Veronica! That's just so evil of us to think like that!" I furrowed at her. "So what? Wala akong pakialam kay Veronica! Kuya Ty deserves so much better than be with her!" "But Kuya Ty is in love with her!" She blurted out. Tumayo siya at umiling-iling. Napatingin na lang ako sa kaibigan na naging histerikal. Nag-indian sit ako sa kama niya habang siya'y nakanguso sa harapan ko. "Kung iisipin natin na maghihiwalay sila, masasaktan si Kuya Ty! Just like what happened last year! When they broke up for the 2nd time—" "That was their 3rd break up," I cut her off. Nanlaki ang mga mata niya na tumingin s akin. "See? Tatlong beses na silang nag-break! Ano na lang ang mararamdaman ni Kuya Ty kung maghiwalay ulit sila ngayon?! He would be so brokenhearted, Luna! And I can't deal with that!" My face softened as I watch my best friend being like this. Just because of the thought Kuya Ty and Veronica will break up again. Ganito niya kagusto ang Kuya ko na ayaw niyang maghiwalay sila Kuya Ty at girlfriend nito kahit na alam kong masakit para sa kanya. Ganito siya kabait. This is the reason why I really like her for my brother. Kaso alam ko rin ba masyado kaming bata, bata pa siya para sa Kuya ko. And she is just a baby sister to my brother. Napailing na lang ako sa naisip. I think that's the reason why my brothers don't like Atticus too. Magkasing edad lang sila ni Kuya Ty. Ayaw lang siguro nilang sabihin sa akin na ayaw nila ang binata para sa akin dahil ito ang unang lalaki na nagustuhan ko. I shook my head again as I thought of my brothers. Panigurado na lagot ako sa dalawang kapatid ko na 'yon ngayon lalo na kung malaman nila na pumunta ako rito para sa birthday party ni Atticus. My parents are strict. Especially my Papa and my two brothers. I understand them naman for being strict. Ako lang ang nag-iisang Anak na babae ng mga Herrera kaya noon pa man hindi na ako nagreklamo pa sa magiging strict ng pamilya ko. They just want to protect me. Tumayo na ako sa kama ng kaibigan ko. "Halika na nga. Nasa pool area sila Atticus. Let's join them and enjoy." Jo just nodded her head. "Okay. Mauna na ka nang magbihis." Tumango lang ako at diretso na sa bathroom para magpalit ng swimsuit ko. Naglagay lang ako ng sunscreen sa balat ko bago sinuot ang isang one-piece na swimsuit na kita ang gilid ng bewang ko at pati na rin sa likod. I even put my hair into a messy bun before stepping outside the bathroom. I wanted Jo for a minutes. Lumabas siya na suot din ang isang long sleeve upf one-piece na swimsuit. Nakalugay nama ang buhok niyang mahaba. I smiled at her. "Let's go now?" Tumayo ako at hinawakan naman niya ang kamay ko. We both get outside the unit and go straight to the pool area. Pagdating namin doon ay nandoon na ang mga kaibigan ni Atticus. I bit my lips as my eyes roamed around the area. And my eyes settled at the man. Nasa gilid siya ng pool habang kausap si Camila. They're both holding a cup with liquor inside. "Are you really going to confess tomorrow?" I heard Jo's voice asking me. Tumingin ako sa kanya bago tumango. "Oo. I've been planning about this for a long time now, right?" "I know, Luna… but…" she trailed off. Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit? Sa tingin mo ba pangit kung mag-confess ako sa mismong araw ng birthday niya?" Agad siyang umiling pero nakita ko ang pagdududa sa mukha niya. Kinabahan tuloy ako. I have liked Atticus for a long time and I can't hide these feelings anymore! I've already planned this. Tomorrow at his birthday, I wanna tell him about my feelings. Hindi ako sure kung tatangihan niya ako o hindi. Wala na iyon sa utak ko dahil ang gusto ko lang masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. I don't care if he rejects me but I know if he does that, I will probably get hurt. Sinong hindi masasaktan, eh na reject ka lang naman ng taong gusto mo? "Hindi naman sa gano'n, Luna. I'm just thinking that Atticus and Camila seems very close to each other these days," aniya na sabay tingin sa dalawa. Doon din napunta ang mga mata ko. I saw Atticus and Camila laughing. Atticus was leaning a bit to Camila while holding her waist. Napalunok ako at naramdaman ang paglamig ng tiyan ko. "Kung totoo ang sabi-sabi na sila ni Camila, masasaktan ka lang," my best friend added. Napahalukipkip ako sa sinabi niya. I didn't think about that because all I thought was my feelings for him! Hindi na sumagi sa isip ko ang mga bagay tulad ng kung girlfriend na siya! Atticus has been good to me and sometimes I do think that he likes me. Tulad ngayon, ako ang unang tao na sinabihan na rito gaganapin sa Baryo Maligaya ang birthday niya. And he even invited me first! He's very nice and sometimes he would go closer to me just like what he did to Camila right now! "I still want to try," buong determinado na sinabi ko. "Are you sure?" Tumango ako at bumuntonghininga. I still want to take a risk. These are my feelings and I've been keeping this to myself for a long time now! Kailangan kong malabas 'to! It's now or never! "Yes, Jo." Hindi na nagsalita pa ang kaibigan ko. Tuluyan kaming pumasok sa loob nang tumunog ang cellphone niya. Napatingin ako sa kanya. "Si Mommy," nakangiwi na sambit niya. "Just don't tell her that we're here." Tumango lang siya bago lumayo. Ako naman ay diretso na sana sa isang sun lounger nang makita ko si Elijah na papalapit sa akin. Nalukot agad ang mukha ko especially when I saw him raising his brows at me. Napairap na ako at nang makita na papunta siya sa akin ay agad akong naglakad palayo. Dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam para saan. "Didn't I tell you not to wear a swimsuit, didn't I?" his baritone voice made my eyes roll. I turned around and faced him. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Mas nairita ako dahil doon. "Maganda ang katawan ko! And we're here in the pool, Elijah! Alangan namang mag-long sleeve ako!" "That's a great idea, Luna. Dapat gano'n na lang ang sinuot mo." Umirap ako sa kanya. "Huwag mo nga akong itulad sa'yo! You're old fashioned!" He smirked and went closer. Napaatras tuloy ako at ang dumoble ang kaba sa dibdib ko. Damn it! I hate these feelings! When he completely towered me, halos mapatingala ako sa kanya. He's really tall. Mas matangkad siya kay Atticus panigurado. He stared at me with a smirk on his lips. I even saw how his eyes went down to my swimsuit. His adams apple move in hard way pagkatapos ay agad na umiling at muling tumingin sa mga mata ko. Napalunok ako sa paraan ng tingin niya. "W-what?" I tried not to tremble but I failed. His eyes softened. "Maraming lalaki rito, Luna. Karamihan pa ay puro mas matanda sa'yo." Tumaas ang kilay ko. "So?" He sighed and licked his lips. Doon tuloy napunta ang mga mata ko. And this is the first time I saw his face close up. Ayoko man aminin pero gwapo talaga siya. Thick eyebrows, hooded eyes, his nose is perfectly sculptured, and his lips are naturally pinkish. Manipis na mapula. Idagdag mo pa ang buhok niya na medyo magulo at basa. Napakurap-kurap ako sa naisip ko. My eyes winded because of my thoughts! I'm crazy! Umiling ako agad. Ngumisi naman siya. "Just be careful. You're not close to any of them. Nandito ka lang dahil kay Atticus." "Why do you look so concerned?" hindi ko mapigilang tanong. "Because you're a girl, Luna. And I cared." Napatitig ako sa kanya. "Huh?" He just smiled. "Be careful," marahan na sinabi niya bago dahan-dahan na binigyan ng distansya ang pagitan namin. He immediately walked away and I found myself staring at his back. Doon ko lang napansin na malaki ang pangangatawan niya. His broad shoulders and back are enough for me to confirm that he has a nice body. Napabuntonghininga ulit ako bago umiling sa mga iniisip ko. Pumunta ako sa isa sa mga sun lounger at naupo roon. "Grabe! Ang gwapo talaga ni Elijah, 'no?" Napatingin ako sa mga babae sa katabing sun lounger. I saw them giggling while staring at Elijah. "I heard the news that he's been accelerated and is going to be sent to the School of Medicine at UCL Medical School in London because of his outstanding performance." Nanlaki ang mata ng isang babae. "Really?" "Yes! He's the smartest Montereal. Ang sabi pa nga ng iba baka siya na ang maging pinakamagaling na surgeon sa pamilya nila kung maging isang ganap na siya na doctor." Napahalukipkip ako at tumingin din kay Elijah. He's talking to some of their friends. May hawak din siyang alak sa kamay niya habang nakaupo sa gilid ng pool. His body is wet too at kumikinang ang katawan niya dahil sa tubig. Nakagat ko ang labi habang nakatingin sa kanya. I don't know how many minutes I was staring at him but when his eyes caught mine, I immediately looked away. Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD