CHAPTER 1

1530 Words
CHANTAL POV Year, 1998 Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala na nagdadalaga na ako. I'm only fourteen years old pero ang dami nang humahanga sa akin. Hindi sa pagmamayabang halos lahat ng mga kaibigan ko. Palagi nilang sinasabi na kahawig ko si Joyce Jimenez, ang sikat na artistang tinaguriang pantasya ng bayan. Kaya Naman halos mamula ang mukha ko kapag pinupuri nila ako. "Ilang years na lang. Pwede ka nang mag-boyfriend," bulong ko sa aking sarili sabay kindat ko. Ako si Chantal Vergara, anak nina Ricardo Vergara at Elizabeth Vergara. Ang ama ko ay isang retired army at ngayon, siya ang gobernador dito sa probinsiya ng Quezon. Ang mommy ko naman ay isang sikat na designer. Dalawa lang kaming magkapatid. Si Ricky Vergara ang panganay kong kapatid. Malaki ang age gap namin ng kapatid ko. He was twelve years old already, nang ipanganganak ako ng aming ina. Nagmadali na akong mag-ayos ng aking sarili, nang marinig ko ang tawag ng aking ina sa akin. "Anak, bumaba ka na diyan! Baka ma-late ka sa school n'yo," tawag sa akin ni mommy. Nagmadali akong lumabas ng aking kwarto at mabilis na bumaba sa hagdanan. Kasi, hindi siya papayag na hindi ako kakain ng almusal bago pumasok. " Morning Mom, morning Dad." Tumingin ako sa napakagwapo kong kapatid. "Morning, kuya," bati ko sa kanila nang makarating ako sa hapag kainan namin. " Morning, anak, maupo ka na diyan at kumain," bati sa akin ng ama ko. Mabilis akong umupo at sumubo ng pagkain. "Sa susunod bumaba ka nang mas maaga. Para hindi ka nagmamadali sa pagkain. Dahan-dahan, Chantal! Baka mabulunan ka," seryosong saad ng aking ama. " Yes, Dad, aagapan ko na po, bumaba sa susunod," sagot ko sa kaniya. Habang tahimik kaming kumakain nang bigla akong magsalita. "Dad, I have school program po. Kapag hindi po kayo busy ni mommy. Baka pwede po kayong manood?" tanong ko sa aking ama. Ako ang napili ng teacher ko para gumanap na Laura sa dula-dulaan na Florante at Laura. Tumingin ito sa akin. "Oo naman, anak. Manonood kami ng mommy at kuya mo. Niyang school program na sinasabi mo. Kailan ba ito at ano ang lalabasan mo?" balik na tanong ng ama ko sa akin. "Dad, ako po ang pinakabida. Ako ang napili ng teacher at principal namin na gumanap bilang Laura," proud na sabi ko sa kanila. " Talaga anak?" ang ama ko. "Talaga anak?" ang ina ko. Sabay na tanong nilang tanong sa akin. "Opo, " maikling sagot ko. Masaya ako habang kumakain at nagkukwento tungkol lalabasan ko sa aming school program. "Nakakatuwa naman anak. Noon pinanood din namin ang kuya mo. At gumanap siyang Florante. And then now, ikaw naman ay magbibida. Bilang si Laura," masayang saad ng aking ina. Kaya napatingin ako sa kuya ko na tapos nang kumain. Tatayo na sana ito, nang biglang magsalita ang aming ama. "Ricky, pwede bang ikaw ang maghatid sa kapatid mo sa school? May pupuntahan lang kami ng mommy mo sa kabilang bayan. Dahil madaming reklamo ang natanggap ko mula sa mga taong bayan. Kaya gusto kong personal na kausapin ang kanilang Mayor," maotoridad na saad ng aming ama. "Yes, Dad! I will," maikling sagot ng kuya ko. Tumingin ito sa akin. "Hey! My little princess, can you eat fast. 'Coz I'm getting late to my work," baling sa akin ni kuya Ricky. " I'm done now, kuya! Can you please stop, calling me Little Princess! 'Coz I'm a big girl now!" asar na sabi ko sa kapatid ko. Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. "For me, your still my little princess, okay. No more complain, okay. Tara na," seryosong saad ng kuya ko. Tahimik akong sumunod sa kuya ko habang nakasimangot. Dahil naaasar talaga ako sa kaniya tuwing tinatawag niya 'kong little princess. "Kainis! Paano na lang kung may makarinig? Eh'di, pinagtawanan ako 'di ba?" bulong ko sa isip ko. "Bye, Mom, Dad," pagpapaalam ko sa magulang ko bago ako sumakay ng kotse. " Magyiingat kayo. Hijo, dahan-dahan sa pagmamaneho," bilin ng mommy ko sa aking kuya. "Yes, Mom," tugon ng kapatid ko at sinimulan na nitong i-start ang sasakyan. Tahimik naming binabaybay ang kalye papunta sa school ko nang may biglang tinawagan ang kuya ko sa phone niya. "Pare, on the way na kami ng sister ko. We draft her first sa school. Bago tayo pumunta meeting natin," sabi ng kuya ko sa kausap niya sa phone. Nag-isip ako kung sino ang kausap niya. How I wish na si Eric 'yon. Si Eric Mondragon, ang crush ko sa kaibigan ng kuya ko. Kasi for me, perpekto siya. Kaya nga may kinuha ako na litrato niya sa album ni kuya. Kasi siya lang nakumpleto sa araw ko. "Okay, pare. Malapit na kami sa house mo, bye," pagpapaalam ni kuya sa kausasap niya mula sa kabilang linya. Tahimik lang akong nakinig sa usapan nila. Hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong. "Kuya, sinong dadaanan natin? I'm getting late nah!" maarteng sabi ko sa kuya ko. Nakabusangot na ako dahil malapit na akong ma-late, pagkatapos may dadaanan pa siyang friends niya. Mabuti kung si Eric 'yon, kahit 'di ako pumasok. "Ang landi mo talaga, Chantal! Kahit 'di ka makapasok nang dahil sa lalaking 'yon," bulong ko sarili ko. Inihinto na ni kuya ang sasakyan. Nagulat ako sa lalaking nagbukas ng pintuan ng kotse. "My gosh! Si Eric nga! Grabe, ang gwapo-gwapo niya talaga. Ang mga mata niya tumatawa rin kapag tumatawa siya. Ang ilong niya perpekto sa tangos. Bagay na bagay sa kanya ang moreno niyang kulay. Ang labi niya, parang ang sarap halikan dahil sa pula," bulong ko sa aking sarili. Hindi ako makakibo nang utusan niya akong lumipat sa backseat. "Gosh, ang bango-bango niya," sabi ng isip ko. "Chantal, pwede bang dito ako maupo? Sa unahan? May pag-uusapan kasi kami ng kuya mo," utos sa akin ni Eric. Hindi pa rin ako kumikibo, dahil hindi ako makapaniwala na kasabay namin siya ni kuya ngayon. At naaamoy ko pa ang mabango niyang amoy. Natauhan lamang ako nang tapikin ako ng kuya ko sa aking braso. "Chantal, pwede lumipat ka na sa backseat. May importante lamang kaming pag-uusapan ni Eric." Ngumiti ito ng pilyo. "Lumilipad na naman ang utak mo," nakangising sabi sa akin ni kuya. Wala na ajong nagawa kung 'di ang sumunod na lang. Masaya pa rin ako. Kasi nakikita ko naman siya sa salamin. At tahimik akong nakinig sa usapan nina Kuya Ricky at Eric. "Oo, pare, kailangan nating pumunta sa Manila. Upang bumili ng materyales na gagamitin natin", seryosong saad ni Eric kay kuya. Pagkatapos niyang magsalita ay nakita ko siyang tumingin sa akin sa salamin at ngumiti ito sa akin. Nagganti ako nang ngiti sa kaniya. Pakiramdam ko parang may lumilipad na paro-paro sa aking tiyan na hindi maintindihan. "Ang ganda mo ngayon, Chantal, ah! May pinagpapagandahan ka siguro sa school n'yo," biglang sabi sa akin ni Eric. "Wala, hah!" maikli kong sagot habang umiwas ako ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko kasi para akong matutunaw sa malalagkit niyang tingin at ngiti sa akin. "Ikaw, ang gusto ko, wala nang iba," bulong ko sa aking sarili. "Chantal, siguraduhin mo lang, na wala kang boyfriend, huh! Dahil kung mayroon, lagot sa akin 'yon. Kasi your still my little princess. At hindi ka pa pwede makipag-boyfriend, sabi nina daddy," seryosong sabi sabakin ni Kuya Ricky. Nakakainis lang sinabi pa niya sa harapan ni Eric na little princess niya ako. Paano pa ako papansinin ni Eric 'di ba? Hindi nagtagal, narating na namin nina kuya, ang school ko. Pinagbuksan ako ni Eric ng pintuan para sa paglabas ko ng kotse. "Wala akong boyfriend, kuya! Takot na lang nila sa 'yo," masaya kong sabi kay kuya. "Kuya Ricky, pupunta ba kayo ng Manila ngayon? Pwede bang pasalubungan mo ako?" lambing ko kay Kuya Ricky. "Bukas pa kami pupunta ng Manila. Ang sabi ni mommy, isasama ka namin. Para bumili ka ng damit na gagamitin mo, sa birthday mo next week. Kaya magpaalam ka muna sa teacher mo. Na hindi ka makakapasok bukas. Kasi, you need to buy your clothes, for your party next week," seryosong saad ni kuya sa akin. Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Ang ibig sabihin makakasama ko si Eric nang matagal. "Talaga! Kuya Ricky, kasama ako?" sigaw ko sa aking kuya. Napailing ito. "Bakit, parang gulat na gulat ka?" tanong nito sa akin. "Hoping, na payagan ako ni mam. Kasi everyday kaming may practice nang Florante at Laura," pag-iiba ko. "Wow! Chantal, lalabas ka sa dula-dulaan ng school?" Bigla itong nag-isip. "Siguro, ikaw ang lalabas na Laura?" tanong sa akin ni Eric. Ngumiti ako. "Oo, ako ang gaganap na Laura," proud na tugon ko kay Eric. Nang bumaba ako ng sasakyan aksidente akong natapilok, dahilan upang magdikit ang aming katawan Ni Eric. Pinagpapawisan ako nang malagkit habang nakatitig ito sa akin at hawak nito ang aking beywang. "Chantal, mag-iingat ka. Kung hindi kita nasalo malamang masasaktan ka," seryosong sabi ni Eric sa baritonong boses niya. Ngumiti ako. "S—salamat, Kuya Eric," sabi ko, pagkatapos ay tinulungan ako nitong tumayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD