CHAPTER 2

1301 Words
ERIC POV Ako si Eric Mondragon, twenty six years old. Ang tinaguriang playboy ng bayan namin. Dahil sa angkin kong kagwapuhan, madaming babae na ang nahuhumaling sa akin at umiyak. At wala akong sineryoso sa kanilang lahat. Ang lahat ng mga naging babae na nagkadarapa sa akin ay ikinakama ko lamang upang maibsan ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Hindi ko maitatanggi kung bakit umiyak sila sa akin. Kasi lahat sila umasa na seseryosohin ko pagkatapos nilang ibigay sa akin ang katawan nila. "Pare, balita ko may umiyak na naman sa 'yo," biro sa akin ni Ricky habang tinutulungan kong makatayo si Chantal pero hindi ko siya pinansin. Isang babae lang ang nilalaman ng puso ko at lihim ko nang minamahal simula noong nineteenth years old ako. Walang iba kung 'di si Chantal. Ang nakakabatang kapatid ng bestfriend kong si Ricky, na siyang tunay na playboy at mapaglaro sa babae. Nakatitig ako kay Chantal habang hawak-hawak ko siya sa kaniyang beywang. "Sana ay tanggapin mo ako sa buhay mo," bulong ko sa aking sarili. Lahat ay gagawin ko para kay Chantal mahalin lamang niya ako at matanggap ng pamilya niya para sa kaniya, dahil malaki ang katandaan ko kay Chantal at alam nila ang kalokohan ko sa babae. "Bagay sa 'yo maging Laura, Chantal," sabi ko sa kaniya. Habang nakatitig sa babaeng tunay kong minamahal. "Damn," mura ko aking isip. Gusto ko siyang halikan sa mapupula niyang labi and how I wish na ako ang Florante niya. Napatawa na lang ako sa sagot niya sakin dahil tinawag niya akong kuya. Sa tuwing tinatawag niya akong kuya tinutukso ako ng mga kaibigan ko lalo na mi Ricky. Napapansin kasi nila ang lihim kong pagtingin para kay Chantal. Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam parang may gustong ipahiwatig sa akin ang mga mapupungay niyang mata, na nakatitig din sa akin. "Thank you, Kuya Eric," pagpapasalamat niya sa akin sa binigay kong pagpuri sa kanya at pagtulong. Ngumiti ito. "Sige, Kuya Ricky, Kuya Eric, papasok na 'ko. Siyanga pala, Kuya Ricky, till five-thirty ng hapon ako ngayon. Kasi magpa-practice kami ng play," masayang pagpapaalam niya sa amin. "Oh sige, just message me. Once you've done. Huwag na huwag ka magpapaligaw huh!" bilin ni Ricky sa kaniya kapatid. Pallagi niyang binibilinan ang kapatid dahil takot siya na mangyari sa kapatid niya ang ginagawa niya sa mga babae. "Sure, Kuya Ricky, bye." Sabay halik ni Chantal kay Ricky. Tumingin siya sa akin. "Bye, Kuya Eric," pagpapaalam niya at nagsimula na siyang maglakad papasok ng school. Sinundan ko siya ng tingin at nagdilim ang paningin ko. Dahil kitang-kita ng dalawang mata ko, nang may sumalubong sa kaniya na lalaki at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos ay masaya niyang sinabayan sa paglalakad. Parang kinurot ang puso ko dahil sa aking nasaksihan. Natauhan lamang ako nang magsalita si Ricky. "Hoy! Pare, sakay na. 'Yung kapatid ko, baka matunaw," natatawang sabi ni Ricky sa akin. Napailing na lamang ako at sumakay na sa kotse. Nang makapag-seatbelt na ako ay nagsimula nang paandarin ni Ricky ang sasakyan. Tahimik lang kami. Habang binabaybay ang daan papunta sa site na ginagawang bar namin nina Ricky. Nang biglang siyang magsalita. "Tapatin mo nga ako, Pare. May gusto ka ba sa kapatid ko?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko alam, kung anong isasagot ko sa kanya. At pinagpawisan na ako nang malapot sa aking noo. "s**t! Sobra na ba akong halata? Sa pagkagusto ko sa kapatid niya," bulong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung magagalit ba siya sa akin o hindi. Kapag sinabi ko ang totoong nararamdaman ko. Para kay Chantal. "Pare, tinatanong kita. Bakit 'di ka na makapagsalita diyan?" natatawang sabi niya sa akin, habang napapailing. "Bakit ka pinagpapawisan, Pareng Eric?" pagpapatuloy niya. "Ha! Eh' Ka—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil napakamot na lamang ako sa aking ulo habang nag-iisip. Kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tumawa siya nang pilyo. "Halatang-halata ka, pare. 'Di naman kita masisisi. Kung magkagusto ka sa little princess ko. Kasi mabait at maganda naman talaga ang kapatid ko," pround na sabi ni Ricky sa akin. "Ta_Talaga, pare? Okay lang sa 'yo?" Nauutal kong tanong sa aking kaibigan. "Oo, naman, pare. At matagal ko nang halata sa 'yo. But I'm warning you. Hindi pa siya p'wede ligawan. Hangga't hindi pa siya eighteen. At bago mo siya maligawan, kailangan mo munang magawa ang gusto ni dad, para sa kapatid ko," seryosong saad ng best friend ko. " Lahat gagawin ko, pare, pumayag lang sina Tito na maging nobya ko si Chantal, in future." seryosong sabi ko sa kaibigan ko. Totoong gagawin ko ang lahat. Magustuhan lang din ako ng babaeng minamahal ko. " Talaga lang, pare, ha?! Kahit pa— maging military? Gagawin mo?" tanong sa akin ni Ricky. "s**t!" mura ko sa aking sarili. Bakit kailangan pang maging military? Para lang maligawan ko ang babaeng matagal ko ng minamahal. Paghuhumiyaw ng aking isip. Tumingin ako kay Ricky na halatang gusto na akong tawanan. "Military, pare? seryoso ka?" muling tanong ko sa aking kaibigan. Natatawang itinigil ni Ricky ang sasakyan. Dito sa gasoline station. Dahil dito kami madalas nagpa-park ng sasakyan. Kapag binibisita namin ang itinatayo naming Bar na magkakaibigan. Npagkasunduan naming magkakaibigan na magtayo ng sariling bar. "Oo, pare, I'm serious. 'Yan ang gusto ni Dad, kasi gusto niya na may sumunod sa yapak niya, sa pagiging militar. And you know, na hindi ko mgagawa Ang sumunod sa yapak niya," seryosong saad niya. Tinitigan niya ako. "Ano? Kaya mo bang gawin 'yon, pare?" muling tanong niya sa 'kin. Sumagap muna ako ng hangin. Bago ko sagutin ang tanong niya sa akin. "Lahat, gagawin ko, pare, para sa kapatid mo. Kahit pa ang pagiging militar. Papasukin ko. Although, alam mo rin, na ayaw ko ng propesyon na 'yon. Dahil delikado kapag nasa laban," seryosong sagot ko. "Okay, pare, good luck na lang sa 'yo. Iba ka talaga. But I'm warning you, huwag mong papaiyakin ang kapatid ko. At ako, ang puputol diyan sa kaligayahan mo," seryosong sabi sa akin ni Ricky, na may kasamang pagbabanta. Hindi ko nman siya masisi. Dahil magkasama kami sa lahat ng kalokohan, pagdating sa babae. "Promise, pare, hindi ko siya sasaktan. Dahil matagal na kong tinamaan sa kapatid mo," seryosong pangako ko sa kanya. Habang nakataas ang aking kanang kamay, na parang nanunumpa. Tinamaan talaga ako sa mas bata sakin. At sa kapatid pa ng bestfriend ko. "Totoo nga pala ang kasabihang, kapag tinamaan ka. Gagawin mo ang lahat. Makamit mo lamang ang matamis niyang, oo," bulong ko sa aking sarili. Tiningnan ako ni Ricky na halatang sinusuri ang mga mata ko. Kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Muli siyang nagsalita. "Oo na, pare, naniniwala na ko sa 'yo. Kapatid ko lang pala ang katapat mo," natatawang sabi niya. Napapailing na lang ako sa kanyang sinabi. "Wala, pare, eh! Tinamaan na ako sa kanya. Noon pa, tingnan ko lang kapag nakita mo na ang katapat mo. Kung 'di ka rin, maging katulad ko," katwiran ko sa kanya. "Tara na, pare, magkape na muna tayo," pag-aaya ko sa aking kaibigan. "Okay, pare," pagsang-ayon niya at sabay na kaming bumaba ng kotse. Nagulat na lamang ako nang may babaeng nag-iingay at galit na galit sa aking kaibigan. "Miss, hindi ko sinasadya." Ngumiti siya nang pilyo. "Kapag 'di ka tumigil diyan. Hahalikan talaga kita," pilyong sabi ng kaibigan ko. Napamulat ako nang biglang dumapo ang kamay ng babae sa pisngi ni Ricky. Dahil isang malakas na sampal ang binigay ng babae kay Ricky. Nang akmang hahalikan siya ng kaibigan ko. "Bastos ka! Maniac! Ikaw na ang nakasakit, ikaw pa ang mayabang." pagkasabi ng babae, ay agad na itong umalis at naiwang tulala ang aking kaibigan. Natatawa na lamang akong pagmasdan si Ricky. Dahil mukhang nakita na niya ang katapat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD