CHAPTER 3

1545 Words
CHANTAL POV Sobrang saya ng aking umaga. Dahil sa dinami-rami ng kaibigan ni Kuya Ricky, si Eric pa talaga ang nakasama namin. Sa paghatid niya sa 'kin dito sa school. Habang naglalakad sinalubong ako ng kaibigan kong bakla. At nakita ko din na nakatingin siya sa kotse ng kapatid ko. Kasi, alam kong ultimate crush niya ang kuya ko. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. "Bez, bakit ang sama makatingin ng friend ng kuya mo? Siya 'yong crush mo 'di ba?" Paninigurado niya sa akin at pagkatapos ay itinuro si Eric. Lumingon ako, para malaman kung nagsasabi siya ng totoo sa akin. At nakita ko ngang masama ang tingin ni Eric sa best friend kong si Jonathan. Isa siyang binabae, sa madaling salita isang bakla. At dahil napakagwapo niya at hindi halata sa kanya ang pagiging bakla niya'y madalas kaming mapagkamalan na mag-boyfriend. Hindi rin siya 'yong tipong malanding bakla katulad ng iba na lantad ang pagiging binabae. Kumpara sa ibang gustong manligaw sa akin dito sa campus. Walang binatbat sa kagwapuhan ni Jonathan ang mga kalalakihan na gustong manligaw sa akin. Tumingin ako sa aking kaibigan. "Oh' my gosh, Bez! Hindi ko alam! Kung bakit ang sama nang tingin niya sa 'yo. Maiintindihan ko pa kung si Kuya Ricky ang titingin sa 'yo nang masama," malanding paliwanag ko sa aking bestfriend. "Oh my gosh!" Pabaklalng reaksiyon ni Jonathan. "Bez I think. May gusto siya sa 'yo. Kasi ang mga mata niya ang nagsasabing nasasaktan siya," paliwanag niya sa akin. Jonathan know's everything about me. Siya lang din ang nakakaalam nang lihim kong pagtingin sa bestfriend ng kuya ko. Alam niya rin na si Eric Mondragon lang ang gusto kong makasama, till the rest of my life. Pero mukang malabong mangyari 'yon. Kasi minsan naririnig ko silang magkakaibigan tungkol sa pagiging playboy ni Eric, and of course my own brother. At lahat silang magkakaibigan, pati sina Kuya Michael, Kuya Herwin and kuya Jay ay mga kilalang playboy dito sa bayan ng Tayabas. Which is lahat naman sila ay pinagkalooban ng perpektong mukha at katawan. At lahat sila'y baby girl ang turing sa 'kin. Kasi ako raw ang baby ng tropa nila. At lahat sila ang dapat harapin ng mga manliligaw sa 'kin. Kaya imposible ang sinasabi ng best friend ko sa akin na may gusto sa akin si Eric. Muli akong lumingon sa kinaroroonan nina kuya, at nakita kong nagsimula ng paandarin ni kuya ang sinasakyan na gamit nila. "Imposible 'yang sinasabi mo sa akin, bez. Younger sister lang ang tingin sa 'kin ni Eric. At bestfriend siya ng kuya ko, okay!" malungkot na sabi ko sa kanya. Ngunit bigla kong naalala ang pagtitig niya sa akin kanina lang. "Pero. . . bez, alam mo, kanina lang sa sasakyan, kung titigan niya 'ko, para akong matutunaw. I don't understand." Umiling ako at muling nagsalita. "Why he look at me like that?" pagpapatuloy ko pa. Tumikhim muna si Jonathan bago magsalita. "Alam mo, bez. . . ang bibig p'wedeng magsinungaling. Pero ang mata, hindi." Sabay tapik niya sa mga balikat ko. "At tandaan mo, kapag ang pag-ibig pumasok sa puso nino man. Gagawin ang lahat, makuha lang ang kanyang minamahal," pagpapatuloy pa niya. Patuloy kaming naglalakad patungo sa classroom namin. Nang maalala ko ang mga mata ni Eric, nang tinititigan niya ko sa sasakyan kanina. "Ayokong umasa, bez, dahil ayokong masaktan," malungkot kong tugon kay Jonathan. Habang naghihintay kami sa teacher namin ay may bigla akong naalala kung saan nagsimula ang paghanga kokay Eric. FLASHBACK " Asan ang kuya mo, Tabs? " tanong sa akin ni Eric habang nakangiti.. "Ando'n sa loob! Kita mo nang naglalaro ako, iniistorbo mo ko! Istorbo ka talaga kahit kailan, Kuya Eric! Kapag ako natalo ng mga kalaro ko lagot ka sa 'kin!" galit kong tugon sa bestfriend ng kuya ko. " Eh, ikaw lang ang p'wede kong pagtanungan, kung nasaan ang kuya mo. Huwag ka nang magalit, Tabs. Kasi kapag nagagalit ka, pumapangit ka," patawang sabi sa 'kin ni Eric. " Bakit ba tinatawag mo akong Tabs?! Eh, hindi naman Tabs ang pangalan ko, ah!" galit na sabi ko kay Kuya Eric. Tawa nang tawa si Eric. Kasi gustong-gusto niyang nakikitang naaasar ako . "May nakakatawa ba, Kuya Eric?! singhal ko sa kaibigan ng kapatid ko. Tumingin sa akin si Eric. "Eh, kasi po. . . Ang cute-cute ng pisngi mo." Ngumiti si Eric. "Kaya nga Tabs ang tawag ko sa 'yo, short for Taba," pang-aasar ni Eric sa akin. Sumimangot ako at galit kong sinugod si Eric upang kagatin, pero nadapa ako dahilan kung bakit nagkaroon ako ng sugat sa aking tuhod. "Aray! Ouch! Ang sakit!" daing ko habang umiiyak. Tumingin ako kay Eric. "Isusumbong kita kay mommy at daddy ko!" galit na sabi ko kay Eric. "Sorry, Chantal, huwag ka na magalit sa akin. Halika, gamutin na natin 'yang sugat mo," malungkot na sabi ni Eric at dali-dali niya akong kinalong papasok sa loob ng aming mansion upang gamutin ang sugat ko. Tumingin ako kay Eric. "Oh, sige bati na tayo. Pero mangako ka sa 'kin na hindi mo na 'ko tatawaging Tabs," sagot ko kay Eric. Ngumiti si Eric. "Pangako, from now on ,I will call you baby girl, okay," mabilis na tugon ni Eric. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Si Kuya Ricky nasa banyo naliligo pa." Sabay turo ko sa kwarto ng kuya ko. "Bati na tayo, ha!" sabi ni Eric habang nakatingin sa akin. "Alam mo, baby girl, mas bagay sa 'yo kapag lagi kang nakangiti. Mas gumaganda ka. Alam mo kung magkasing-age lang tayo, liligawan talaga kita," seryosong sabi ni Eric sa akin na ikinatawa ko. "I will basted you, naman! Kasi lagi mo akong inaasar!" nakangising sabi ko kay Eric. Napailing si Eric. "Gano'n? Eh, nag-sorry na ko 'di ba?'' reklamo ni Eric. Natatawa ako habang nakatingin sa mukha ni Eric na nakasimangot. 'Ang ganda pala mg mga mata ni Eric. Kaso ang tanda naman niya sa akin, para maging crush ko,' bulong ko sa aking sarili. Ito ang araw na naging crush ko si Eric dahil natuwa ako sa mga mata niya. END OF FLASHBACK Bigla akong natauhan nang pumasok na rito sa room namin ang teacher namin at biglang nagsalita. "Ms. Vergara," tawag sa kin ng teacher ko. "Yes, ma'am," mabilis kong tugon. "Mayro'n ka na bang costume para sa play, Kasi, we need to practice na suot n'yo ang mga costume n'yo," seryosong pahayag ng teacher ko. Umiling ako. "Wala pa po, ma'am. But I will asks my Kuya Ricky to buy my costumes tomorrow. That's why, ma'am, I need to absent tomorrow. Kasi po ang sabi ni mommy, need ko sumama sa Manila tomorrow, to buy my clothes para sa birthday ko po." mabilis kong sagotsa aking teacher at nagpaalam na rin ako na hindi papasok bukas. Tumango ang teacher ko. "Okay, no problem. But can I ask you a favor, Ms. Vergara?" tugon sa akin ng aming guro. " It's okay, ma'am. Ano po ba 'yon ma'am?" ganting tanong ko sa aking eacher. "It's okay? If magpabili na din sa 'yo 'yung iba mong classmate na wala pa ring costume? Jonathan can go with you, para siya ang pumili ng tela na kakailanganin nila sa costume," mahabang pahayag ni ma'am. "It's okay po, ma'am. So Jonathan will go with me tomorrow," sabi ko kay ma'am. "Okay, thank you, Miss Vergara. You can go back now to your seat," utos sa akin ng aking guro na maibilis kong tinugon. "Bez, kasama talaga ako bukas?!" gulat na pahayag ni Jonathan sa akin nang makalapit ako sa kanya. Ngumiti ako. "Opo, kasama po kita. Kasasabi lang ni ma'am 'di ba?" "Yes! Makakasama ko na rin nang matagal ang Kuya Ricky mo!'' malanding sabi ni Jonathan. May crush si Jonathan sa kuya ko. Kaya nga kapag may project kami together, gustong-gusto nito na sa bahay namin gagawin. Para makita niya ang kapatid ko. Napailing na lang ako sa sinabi ni Jonathan. Habang ng kaklase kami ay naiisip ko si Eric. Napakagwapo talaga naman niya at para siyang pinaghalong Cesar Montano at Robin Padilla. At parang ang sarap niyang halikan, at ang katawan niya, masarap sigurong yakapin. "Sana mahalin mo din ako Eric" bulong ko sa aking sarili. Hindi nagtagal ay natapos na kami sa klase namin. Dahil malapit na ang school program ay diretso practice na kami. Naiinis lang ako sa partner kong Florante, ang yabang -yabang na akala mo'y napakagwapo. Eh, wala naman sa kalingkingan ni Eric. Lumapit sa akin si Vince. "Chantal, may sasabihin sana ako sa 'yo!" diretso nitong sabi sa akin. "Ano yon?" walang buhay kong tugon. Ngumiti ito. "Chantal, hindi na ako magpapaligaw-ligaw pa. Balak sana kitang ligawan. Kaya sana, payagan mo akong ihatid kita mamaya," mahabang saad ni Vince. Umiling ako. "Sorry, Vince, pero hindi kita type! Iba na lang ang ligawan mo, pwede?!" mataray kong sabi. Nakita Kong nagdilim ang anyo nito. Kaya lumapit na ako sa tabi ng kaibigan kong si Jonathan, at sinabi ko dito ang pang basted na ginawa ko kay Vince. "Naku, bez! Sa susunod hindi na ako magtataka! Kung dumami ang may galit sa 'yo," maarteng pahayag ni Jonathan. Ngumiti ako. "Wala akong pakialam. Basta ang alam ko. . . si Eric lang ang gusto ko, okay!" masayang sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD