CHAPTER 4

2002 Words
CHANTAL'S POV Sa sobrang excited ko hindi ako nakatulog kagabi. At maagap din akong nagising ngayon. Nagsuot din ako ng paseksing damit dahil alam kong kasama namin si Eric mamaya. Kaya nag-short lang ako at hanging blouse na labas na ang pusod ko. ‘Kapag hindi mo pa naman ako mapansin, Eric! Ewan ko na lang sa ‘yo!’ bulong ko sa aking sarili. Nang makontento na ako sa suot kong damit ay nagdesisyon na akong bumaba, dahil ang sabi ni Kuya Ricky ay kailangan before six in the morning ay makaalis na kami upang hindi kami ma-traffic sa South Super Hi-way. ‘Putek!’ mura ko sa aking sarili nang makita ko ang oras. Kaya pala madilim pa sa labas ay three o’clock pa lang ng madaling araw. ‘Ano ka ba naman, Chantal? Sa sobrang excited mo. . .nakalimutan mo ng tumingin sa orasan!’ bulong ng isip ko. Hindi ko na lang pinansin ang oras. Dahil nakaramdam na rin ako ng uhaw ay nagesisyon na rin ako na bumaba at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Nagulat ako nang may bumunggo sa akin. "Magna—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong halikan nang bumunggo sa akin, dahilan upang manigas ako sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan kong iminulat ko ang aking mga mata upang makita kung sino ang mapangahas na humalik sa akin. At nagulat ako nang makita ko si Eric na siyang mapangahas na biglang humalik sa akin. Bigla akong nakaramdam ng paro-paro sa aking tiyan. Dahil ito ang unang may humalik sa akin at si Eric pa. Nalulunod na ako sa sarap ng halik ni Eric. Yumakap ako kay Eric at ipinikit ko ang aking mga mata at tinugon ko ang mga halik ni Eric sa akin. ‘f**k, Chantal! Ang landi-landi mo. Baka ibigay mo rin 'yang bataan mo,’ bulong ng isip ko. Hindi ko pinansin ang binubulong ng isip ko, basta ang alam ko’y mahal ko si Eric at gusto ko ang paghalik na ginagawa niya ngayon sa akin. Kaya pumapayag na rin akong magpahalik sa kanya. Dahil malaking tao si Eric ay naging madali sa kanya ang kalungin ako at isandal sa dingding. Naging malikot ang mga kamay nito. Napakislot ako nang hawakan nito ang aking malulusog na dibdib. Nagpakawala ako nang munting ungol nang laruin niya ang kuntil ng malulusog kong dibdib. At maya-maya ay naramdaman kong naglakbay ang labi ni Eric pababa sa aking leeg. ‘Patay ka na, Chantal, mukang makakatikim ka na ng luto ng Diyos!’ muling bulong ng isip ko dahilan upang matauhan ako. Mas lalo akong natauhan nang maramdaman kong ipasok niya sa loob ng aking short ang kanyang isang kamay. Itinulak ko siya at nagsalita ako. "Huwag, Kuya Eric!" pagsaway ko kay Eric na agad niyang sinunod at niyakap ako. "Chantal, I'm sorry, hindi ko napigilan ang aking sarili," hingi nito nang paumanhin sa akin. "Bakit mo ba ako hinalikan?" seryosong tanong ko kay Eric. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. "Chantal, mahal kita," seryosong tugon ni Eric sa akin dahilan upang lumandag ang aking puso sa saya. Tumulo ang mga luha ko dahil sa kaligayahan na nararamdaman ko ngayo. Pinahid niya ang aking mga luha gamit ang mga daliri niya. "Bakit ka umiiyak, Chantal? Ayokong nakikita kang umiiyak," muling sabi ni Eric sa akin. Ngumiti ako. "Totoo? Mahal mo ako?" paninigurado ko kay Eric na halata ko naman na nagsasabi ng totoo. Huminga muna siya bago muling nagsalita. "Oo! Mahal kita, Chantal, at matagal na kitang minamahal," pagtatapat ni Eric sa akin. Ngumiti ito at muli siyang nagsalita. "Alam ko, Chantal, imposibleng magustuhan mo ako. Dahil mas matanda ako sa ‘yo," malungkot niyang pahayag. Niyakap ko siya. "Mahal din kita, Eric," pagtatapat ko sa kanya. Kumalas siya nang pagkakayakap sa akin at kitang-kita ko ang mga ngiti sa kanyang labi. "Ta—talaga, Chantal? Ma—mahal mo rin ako?" paninigurado niya habang nauutal na magsalita. Ngumiti ako. "Oo, Eric, matagal na kitang mahal," pagtatapat ko sa kanya na hindi niya mapaniwalaan. Muli akong niyakap ni Eric. "Pangako, Chantal, hindi kita lolokohin at sasaktan. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habambuhay," sabi niya sa akin. "Mahal na mahal kita, Eric,” sabi ko habang matagal kaming magkayakap. "Mahal na mahal din kita, Chantal." At hinalikan niya akong muli sa aking mga labi. Halik na matagal ko nang pinapangarap na matanggap mula sa lalaking mahal ko. Matagal kaming naghahalikan ni Eric nang may marinig kaming tumatawag. "Chantal!" tawag sa akin mula sa labas ng aming gate. ‘f**k!’ mura ko sa aking sarili. Ito talagang kaibigan ko wrong timing palagi kung dumating sa loob-loob ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Eric. "Sandali lang! Andiyan ang kaibigan ko,” sabi ko kay Eric. Nakita kong kumunot ang noo ni Eric at tinitigan nang masama si Jonathan na naghihintay sa labas ng gate. "Sino 'yon?! Bakit andito siya?! Nanliligaw ba sa ‘yo ‘yon?!" sunod-sunod na tanong sa akin ni Eric na halatang may galit sa kanyang boses. Napatawa ako nang dahil sa mga tanong niya. Parang nagseselos siya sa kaibigan kong bakla. Hinaplos ko siya sa kanyang pisngi. "Huwag kang magselos! Kaibigan ko siya, andito si Jonathan ngayon, kasi sasama siya sa atin. Bibili siya ng pang-costume namin para sa Florante at Laura." At inilapit ko sa kanyang mukha ang aking mukha. "Hindi siya nanliligaw sa akin, dahil hindi kami talo,” pagtatapat ko sa kanya na labis niyang ikinatuwa. Ngumiti si Eric. “Bakla pala ‘yon!" natatawa nitong sabi. "Oo, bakla siya! Kaya wala kang dapat ikaselos," sabi ko at nagdesisyon na akong pagbuksan si Jonathan ng gate. Nagulat si Jonathan nang pagbuksan ko siya at nakita niyang kasama ko si Eric na nakatayo sa aking likuran. "Bez, bakit ang aga mo yata?" sita ko dito nang mapagbuksan ko ito ng gate dito sa likod ng bahay namin. Sa halip na sagutin niya ang aking tanong ay pilya siyang tumingin kay Eric. "Bez mukang may inililihim ka sa akin, ah!" malanding sabi nito habang nakatitig sa boyfriend ko. Nagkatinginan kami ni Eric. Kahit ako’y hindi makapaniwala na instant boyfriend ko na si Eric ngayon. Kaya hindi ko alam kung boyfriend ko na nga ba siya o hindi pa. Ngumiti si Eric. "Chantal, hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo?" Hinawakan niya ang aking kamay. "Mapagkakatiwalaan naman siguro ang kaibigan mo," seryosong sabi ni Eric habang nakangiti sa akin. ‘s**t! Nanaginip ba ako? Boyfriend ko na ba talaga ang lalaking matagal ko ng crush?!’ bulong ko sa aking sarili. Muling nagsalita si Eric. "Chantal, boyfriend mo na ako at kailangan makilala ko rin ang mga kaibigan mo," sabi niya habang nakatitig sa akin. "Oh my gosh, Bez!" patiling sigaw ni Jonathan. Kung hindi pa ito tumili ay hindi ako matatauhan. Minulatan ko si Jonathan ng aking mga mata. "Bez, pwede ba?! Huwag kang maingay! Baka marinig tayo ng daddy at kuya ko! Panigurado malilintikan ako sa mga ‘yon!" singhal ko sa aking kaibigan. Tumingin ako kay Eric. "Siyanga pala, si Eric boyfriend ko." Tumingin ako sa aking boyfriend. "Eric, si Jonathan nga pala, best friend ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Kinamayan ni Eric si Jonathan. "Hi, nice to meet you," matikas nitong sabi. Nakipagkamay si Jonathan. "Hi, Papa Eric, I'm Jonathan, ang tanging nakakaalam nang lihim na pagtingin sa ‘yo ni Chantal," sabi ni Jonathan habang nakatitig kay Eric. Tumingin sa akin si Jonathan at ngumiti. "Bilib na ako sa ‘yo girl! Lakas nang pang-akit mo!" Sabay kindat nito sa akin na tinawanan ko lang. Mas napatawa na ako nang maalala ko kung bakit naging boyfriend ko kaagad si Eric. "Ehem!" Tikhim ni Eric dahilan upang tumigil ako pagtawa. Niyakap ako nito mula sa aking likuran at humilig sa aking balikat. "Totoo ba ang sinabi niya? Na may lihim kang pagtingin sa akin?” tanong ni Eric sa akin gamit ang baritonong boses niya.. "Oo, matagal na. Kaya nga hindi na ako tumutol nang makita kong ikaw ang humahalik sa akin kanina." Huminga muna ako "Teka, kagabi ka pa ba dito?" tanong ko kay Eric. Ramdam kong huminga muna ito bago nagsalita. "Oo kagabi pa ako dito, pati sina Pareng Michael dito na rin natulog," mabilis niyang tugon sa aking tanong. "Talaga! Bakit hindi kita nakita?" tanong ko. "Eh, kasi baby ko. Tulog ka na ng dumating kami," paliwanag ni Eric sa akin. Tama ba ang narinig ko, tinawag niya akong Baby ko. Kinikilig ako grabe! Napatingin ako sa kaibigan ko na naghihintay pala na papasukin ko dito sa loob ng mansion. "Bez, huwag mo sabihin sa akin na hanggang sa umalis tayo? Eh, wala kang balak na papasukin ako?!" maarteng sabi ni Jonathan. Ngumiti ako. "Bez, pasensya na nakalimutan ko. Halika ka na sa loob," pag-aya ko kay Jonathan at sumunod naman siya sa akin at nagtungo na rin kami sa veranda ng mansion namin. Masaya kaming nagkukuwentuhan nina Eric nang may tumawag sa akin. "Chantal" tawag sa akin ni Kuya Ricky. Ang nakakatanda kong kapatid na bestfriend ni Eric. Tumingin sa akin si Eric ang sabi kasi niya sa akin ay siya ang magsasabi sa kapatid ko "Kuya Ricky, andito ako sa Veranda!" sigaw ko. Hindi nagtagal ay nakalapit na ito sa amin. Ngumiti ako dahil kung sa pagwapuhan lang naman ay ilalaban ko ang kapatid ko. "Naks! Kuya Ricky, ang gwapo natin ah!" bati ko sa kanya. Ngumiti siya nang pilit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napailing ito at nagsalita. "Chantal, ‘yan talaga ang isusuot mo?!" tanong nito sa akin na may kasamang inis. Napaisip ako kung anong mali sa suot ko. "Bakit, kuya? Pangit ba ang suot ko?" seryoso kong tanong. Napangisi ito. "Chantal, tumingin ka nga sa salamin! Konting tuwad mo na lang, kita na ‘yang kuyukot mo! Dahil sa sobrang ikli ng short mo!" paliwanag niya sa akin na may halong i.nis Bigla kong naalala na naka pekpek-short lang ako kaya napikon ako sa aking kapatid. Ngumisi ako. "Kuya, naman! Sobrang. . .OA. . . mo naman! Saan ka nakakita ng pekpek short na hanggang tuhod?!" paliwanag ko habang nakasimangot. Napailing na lang ito. "Chantal, kapag ikaw nilamig mamaya sa sasakyan! Huwag mo akong sisihin!" banta niya sa akin, at tumingin naman ito kay Eric. "Dude, nasaan na sina Pareng Michael? Alis na tayo," tanong ng kapatid ko kay Eric. "Dude, malamang nasa kwarto pa ang mga ‘yon," tugon ni Eric dito habang sa akin nakatingin dahil hindi maipinta ang aking mukha. "Sige, Dude, punta na kayo sa sasakyan. Tatawagin ko lang sila," utos ni Kuya Ricky kay Eric, at muling tumingin ito sa akin. "Ayusin mo ‘yang mukha mo, Chantal, kung ayaw mong nakatikim sa akin! Pumunta ka na sa sasakyan!" galit na utos nito sa akin at bumalik na ito sa loob upang puntahan sa guestroom ang iba pa niyang kaibigan. Sumimangot ako at padabog akong pumunta sa sasakyan dahil nainis talaga ako sa aking kapatid. "Tama na, baby ko, huwag mo na lang pansinin ang kuya mo. Badtrip lang ‘yon kahapon pa, gawa ng isang babae," pag-aalo sa akin ni Eric. Tumingin ako kay Eric at ngumiti. "Bakit pati ako idadamay niya?!" daing ko kay Eric na may kasamang inis. Ngumiti ito ."Sige ka! Papangit ka kapag lagi kang nakasimangot," biro ni Eric sa akin kaya ngumiti ako kay Eric. "Ayan, ganyan nga. Para laging maganda ang baby ko," masayang puri nito sa akin. Hindi nagtagal ay dumating na sina Kuya Ricky, sa unahan umupo si Eric at magkatabi naman kami nina Jonathan at Kuya Michael. Samantalang nasa likuran naman sina Kuya Herwin at Kuya Jay. Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming magbiyahe patungong Manila. Tahimik lang ako habang tinatahak namin ang daan palabas ng aming subdivision. At hindi ko pinapansin ang kapatid ko dahil inis talaga ako sa kanya. Alam na alam naman niya na hilig ko talaga magsuot ng pekpek short. Pero bakit ngayon kung pagbawalan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD