Nang makarating si Alexandra sa mansyon kaagad naman siyang sinalubong ng mga katulong upang tulungan siya sa kaniyang mga pinamili. Dahil sa naging kilos ng mga katulong hindi maiwasan ni Alexandra na mapangiti, lalo na't pakiramdam niya ay kabilang na talaga siya sa pamilya nina Cameron. Mabilis namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ni Alexandra na may bisita pala ang ina ni Cameron na siyang dahilan upang magtaka siya sa naging reaksyon ni Mrs. Clarke. Gusto man niyang magtanong kung sino ang bisita ng ina ni Cameron, pinili na lamang ni Alexandra na manahimik bago siya ngumiti kay Mrs. Clarke. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Alexandra ang kakaibang tingin sa kaniya ng bisita ng ina ni Cameron na siyang dahilan upang mapakunot ang kaniyang noo sa labis na pagtataka.

