Tanging tunog lamang ng mga kubyertos at mahihinang tawa ni Damien ang siyang bumabalot sa hapagkainan nina Cameron. Bagamat masarap ang mga pagkain na nakahain sa lamesa hindi maintindihan ni Alexandra ang kaniyang sarili kung bakit tila nawawalan siya ng gana sa pagkain. Sa panay tingin sa kaniya ng bisita ng ina ni Cameron, hindi maitatanggi ni Alexandra sa kaniyang sarili na naaasiwa siya sa tingin sa kaniya ng babae. Kung kaya't kahit gaano pa kasarap ang nakahandang pagkain sa harapan niya, nawawalan lamang ng gana si Alexandra na kumain dahil sa patuloy na pagtitig sa kaniya ng babae, lalo na't hindi niya alam kung ano nga ba ang problema sa kaniya ng bisita ng ina ni Cameron. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Cameron ang pagkaasiwa na bumakas sa mukha ni Alexandra na siyang dah

