Papalubog na ang sikat ng araw nang dahan-dahang nagmulat ng mata si Alexandra. Ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ni Alexandra nang mapansin nito si Cameron na mahimbing na natutulog sa gilid nito. Bagamat may tuwa na nararamdaman si Alexandra, hindi maipagkakaila ng dalaga na masama pa rin ang loob nito kay Cameron, lalo na’t hindi pa rin nito nakalilimutan ang masasakit na salita na binitawan dito ng binata. Kung kaya’t sa halip na mangibabaw ang tuwa na nararamdaman ni Alexandra pinili na lamang itong kalimutan ng dalaga bago dahan-dahang bumangon sa pagkakahiga nito. Kaagad namang napansin ni Alexandra na iba na ang suot nito habang may benda naman ang paa nito dulot ng pagtakas nito ng wala man lang suot na sapatos o tsinelas man lang. Napukaw na lamang ang malalim na iniisip ni

