Isang linggo na ang nakalilipas buhat ng makulong sa kwarto niya si Alexandra na akala mo’y isang preso at tanging katulong lamang ang nag-aasikaso sa kaniya. Lingid sa kaalaman ng kaniyang ina minamaltrato ng ilang katulong si Alexandra bagay na siyang ikinainis ng dalaga lalo na’t wala man lang siyang magawa upang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Isama mo pa rito na hindi gumaling-galing ang ilang galos sa katawan niya, lalo na’t palagi na lamang siyang inaabuso ng ilan sa mga katulong nila sa mansyon. Kung kaya’t sa halip na kainin ang ibinibigay ng mga itong pagkain sa kaniya tinanggihan lamang ito ni Alexandra, lalo na’t para banag nawalan na ng gana ang dalaga na mabuhay pa dahil sa nangyayari sa kaniyang buhay. Dahil hindi na makatiis pa si Alexandra nagdesisyon ang dalaga na tumaka

