Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nahahanap ni Cameron si Alexandra bagay na siyang ipinagtaka ng binata. Sa hindi malamang dahilan hindi maintindihan ni Cameron ang kaniyang sarili kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan sa isiping hindi na niya muli pang makikita si Alexandra. Isama mo pa rito na kahit anong gawin ni Cameron ay hindi niya mahanap si Alexandra na para bang may pumipigil sa paghahanap niya na matagpuan ang dalaga. Kung kaya’t hindi mapigilan ni Cameron na madismaya sa kaniyang sarili sapagkat kasalanan niya kung bakit umalis sa mansyon nila si Alexandra. Bukod dito, hindi rin makalimutan ni Cameron kung paano niya pagsalitaan ng masama si Alexandra na siyang labis niyang pinagsisisihan. Hanggang sa bigla na lamang naalala ni Cameron na matampuhin nga pala

