Isang malamig na hangin ang siyang humaplos sa braso ni Alexandra buhat nang magkaroon siya ng malay dahil sa nangyari sa kaniya noong umalis siya sa mansyon nina Cameron. Ganoon na lamang ang pagtataka ni Alexandra nang mapagtanto niya na nasa isa siyang kwarto na tanging isang maliit na ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag sa lugar. Isama mo pa rito na may isang bintana lamang sa kwarto kung nasaan siya bagay na ipinagtaka ng dalaga. Ang mas lalo pang ipinagtaka ni Alexandra ay nang mapagtanto niya na nakatali ang kamay at paa niya sa bawat gilid ng kamang kinahihigaan niya. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng takot si Alexandra, lalo na’t hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa kwartong hindi ganoong pamilyar sa kaniya. Bukod dito, ang natatandaan lamang niya ay bi

