Malapit ng sumapit ang alas-tres ng hapon pero abala pa rin si Alexandra sa pamimili niya ng pagkain nila sa mansyon. Dahil nakapamili na rin si Alexandra ng mga bagong damit ng anak niya, nagpasiya siya na mamili na ng mga pagkain na wala na sila sa mansyon para makauwi na rin siya at makapagpahinga. Bukod dito, nag-aalala na rin si Alexandra na baka hinahanap na siya ng kaniyang anak, lalo na't matagal din siyang wala sa mansyon. Kung kaya't walang sinayang na oras si Alexandra at nagmadali sa kaniyang pamimili habang nababakas sa magandang mukha niya ang pagiging seryoso. Sa hindi malamang dahilan, hindi maintindihan ni Alexandra ang kaniyang sarili kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding kaba. Kung kaya't hindi maiwasan ni Alexandra na mag-alala sa maaaring mangyari,

