Matapos kumain ng pananghalian niya si Cameron hindi niya maiwasan na mapangiti dahil sa sarap ng luto ni Alexandra. Bagamat simpleng adobo na maraming patatas ang iniluto sa kaniya ni Alexandra, para kay Cameron walang tatalo na kahit na anong pagkain dito, lalo na’t alam niyang pinaghirapan ito ng dalaga na lutuin para sa kaniya. Isama mo pa rito na ipinaggawa rin siya ni Alexandra ng chicken sandwich para sa kaniyang meryenda bagay na mas lalong ikinatuwa ni Cameron. Kung kaya’t sinimot niyang lahat at walang itinira na kahit isa bilang pasasalamat niya kay Alexandra na matiim pa rin na nakatitig sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Cameron na mapakunot ang noo, lalo na’t ang alam niya ay magiging abala rin si Alexandra sa negosyo nito, kaya naman hindi niya maiwasan na magulat sa biglang

