Malapit ng sumapit ang tanghalian ngunit abala pa rin si Cameron sa kaniyang pagtatrabaho sa loob ng opisina niya. Kung dati ay nagpapakalulong siya sa trabaho ngayon naman ay nakangiti siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya upang magsimula ng kumain ng kaniyang pananghalian, lalo na't ipinagluto pa siya ni Alexandra ng pagkain niya. Kaya naman hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Cameron dahil sa saya na kaniyang nararamdaman dahil sa bagay na ginawa sa kaniya ni Alexandra. Bagamat gusto ni Cameron na sabay silang kumain ni Alexandra alam niyang hindi maaari, sapagkat abala rin ang dalaga sa negosyo nito. Habang ang anak naman nilang si Damien ay nasa mga magulang niya upang bantayan ang bata. Sa magandang nangyari sa buhay niya wala ng iba pang mahihiling si Cameron, lalo na't pakiramda

