Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nina Cameron at Alexandra, habang matiim nilang pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa. Hindi naman maintindihan ni Alexandra ang sarili nito kung bakit para bang sa isang iglap lamang ay nawala ang hiya na nararamdaman ng dalaga kay Cameron na may matamis pa rin na ngiti ang nakapaskil sa labi ng binata. Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa labi ni Cameron nang mapagmasdan niya ang buong katawan ni Alexandra na matagal na niyang inaasam-asam na makita. Sa matagal na pagkakahiwalay nila sa isa’t isa kahit minsan ay hindi man lang sinubukan ni Cameron na tumikim ng ibang babae, sapagkat ayaw na niyang magkasala pa kay Alexandra. Isama mo pa rito na ayaw na niyang masaktan pa ang dalaga, lalo na’t natatakot siyang muli na namang maiwan na mag-isa,

