Masayang nag-uusap sina Cameron at Alexandra kasama ang ilan pang kamag-anak ng binata nang bigla na lamang dumating sina Vale at Camilla na may ngiti sa labi ng dalawa. Hindi naman maiwasan ni Alexandra na makaramdam ng tuwa sapagkat muli niyang makakasama ang kaniyang kaibigan. Kaya naman hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga bago niya salubungin ng yakap si Camilla. Kaagad namang napansin ni Alexandra na para bang mas lalo pang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Alexandra na maging masaya para sa kaibigan niya, lalo na’t nakikita niya ang kakaibang kislap sa mata ni Camilla. Matapos ang pagyayakapan nilang dalawa kaagad namang tinanong ni Alexandra si Camilla kung kumusta na nga ba ang kalagayan ng kaibigan niya, lalo na't matagal di

