Nang maiwang mag-isa si Kristoff hindi maiwasan ng binata na makaramdam ng inis, sapagkat hindi niya akalain na nakahanap na agad ng bago si Alexandra. Bagamat hindi naman talaga niya minahal ang dalaga hindi pa rin maiwasan ni Kristoff na mainis nang malaman niyang may ibang lalaki na ang nagmamay-ari kay Alexandra. Bukod dito, nasasabik pa rin si Kristoff na matikman ang katawan ni Alexandra kahit na mayroon na siyang bagong kasintahan. Sa isang iglap lamang bigla na lamang sumilay ang nakatatakot na ngisi sa labi ni Kristoff dahil sa naisip niyang plano. Kung kaya't mas lalo lamang nanabik ang binata na matikman ang matagal na niyang pinapantasya na katawan ni Alexandra. Kahit nga mismong labi ng dalaga ay hindi pa niya natitikman noong magkasintahan pa silang dalawa. Napukaw lamang ang

