Isang nakatatakot at malapad na ngisi ang sumilay sa labi ni Zachna nang makalabas siya ng kulungan sa tulong ni Spencer. Bagamat wala siyang gusto kay Spencer walang magawa si Zachna kundi magpanggap na natutuwa na muling makita ang binata, kahit na ang totoo ay sukang-suka siya na makita ito. Isama mo pa rito na alam din ni Zachna kung gaano kapatay na patay sa kaniya si Spencer kaya naman hindi siya nangangamba na muling bumalik sa kulungan. Sa halip nangako pa kay Zachna si Spencer na tutulungan siya nito sa gagawin niyang paghihiganti kay Alexandra, ang babaeng sumira sa magandang plano niya kay Cameron. Kaya naman hindi mapigilan ni Zachna ang kaniyang sarili na hindi mainis kapag naaalala niya si Alexandra. Kung kaya't hindi na siya makapaghintay pa makapaghiganti kay Alexandra, lal

