Papasikat na ang araw nang makarating sa Hidden Falls si Cameron na nakanganga pa rin habang pinagmamasdan ang magandang hubog ng katawan ni Alexandra. Dahil sa nakikita niya hindi maiwasan ni Cameron na mapakagat ng kaniyang labi, lalo na't hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na sabik na sabik na siyang matikman ang matamis na labi ni Alexandra. Ganoon na lamang ang pag-iling ni Cameron nang maalala ng binata na galit nga pala sa kaniya si Alexandra dahil lamang sa naging usapan nila tungkol kay Zachna. Ang totoo, hindi naman siya nag-aalala para kay Zachna, ang labis lamang na pangamba ni Cameron ay ang makalabas ng kulungan ang kababata niya at maisipan na maghiganti kay Alexandra. Kaya naman hindi maiwasan ni Cameron na mag-alala para sa kaligtasan ni Alexandra, lalo na't ayaw ni

