Sumapit na muli ang umaga ngunit hindi pa rin kinakausap ni Alexandra si Cameron, lalo na't hindi maitatanggi ng dalaga sa kaniyang sarili na nainis siya nang malaman niyang iniisip pa rin ng binata si Zachna. Kaya naman hindi maiwasan ni Alexandra na sumama ang loob kay Cameron, lalo na't pakiramdam ng dalaga ay may kaunting awa pa rin na nararamdaman ang binata sa kababata nitong hilaw. Kapag naiisip ni Alexandra ang bagay na 'yon, hindi niya maiwasan na kumulo ang dugo sapagkat hindi lagay ang loob niya na makulong lamang si Zachna. Kung tatanungin siya para bang gusto rin iparanas ni Alexandra kay Zachna ang mapait na sinapit niya sa kamay nina Joei at Lucas, kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapigilan na manggigil sa kababata ni Cameron. Sa halip na sirain pa ang araw ni

