Matapos kumain nina Cameron at Alexandra nagpasiya muna silang dalawa na magpahangin sa balkonahe sa kwarto ng binata, lalo na't alam nila na hindi nila maaaring ituloy ang ginagawa nila kanina dahil sa busog na busog pa sila. Isama mo pa rito, alam din ni Cameron na hindi niya pwedeng biglain si Alexandra lalo na't pagod pa ang dalaga sa naging biyahe nila pabalik ng Hacienda. Sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang ni Cameron ang kaniyang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan si Alexandra na siyang-siya sa pagtanaw sa magandang tanawin na natatanaw ng dalaga sa balkonahe ng kwarto niya. Sa isang iglap lamang naramdaman na lamang ni Cameron na bumibilis na naman ang t***k ng kaniyang puso habang pinagmamasdan niya ang nakangiting dalaga sa kaniyang harapan. Alam ni Cameron na pa

