Katatapos lamang kumain ng pananghalian niya si Alexandra at kasalukuyang nagpapahangin sa balkonahe ng kwarto niya, nang mapansin ng dalaga na masayang kumakaway sa kaniya si Cameron. Dahil sa pagngiti sa kaniya ni Cameron, awtomatikong sumilay naman ang matamis na ngiti sa labi ni Alexandra, habang nakatitig pa rin sa binata. Ang mas lalo pang nakapagpangiti sa dalaga ay nang makita niyang may bitbit na pumpon ng rosas si Cameron, habang sa kaliwang kamay naman ng binata ay hawak-hawak nito ang manggang sa pakiwari ng dalaga ay kapipitas lamang nito. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam ng tuwa ang dalaga sa puso niya, lalo na't pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa kung ituring ni Cameron, kaya naman hinihiling ni Alexandra na sana ay palagi na lamang silang masaya. Ngunit, alam ng dal

