Ikaanim pa lamang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ni Alexandra, sapagkat napagdesisyunan nilang magtungo sa Hidden Falls kasama sina Camilla at Vale. Dahil pahinga sina Camilla at Vale sa trabaho ng mga ito, nagpasiya ang dalawa na manatili muna sa Hacienda ni Cameron ng isang linggo, kung kaya't walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ni Alexandra, lalo na't magkakasama sila ng kaniyang kaibigan kahit ilang araw man lang. Wala namang sinayang na oras si Alexandra at kaagad na pinili ang damit na pampalit niya mamaya pagkatapos nilang maligo sa Hidden Falls. Ang labis pang ikinasabik ni Alexandra ay overnight sila roon sapagkat si Cameron na ang nagmamay-ari ng Hidden Falls, kaya naman panatag na ang loob ng dalaga na wala ng mga mountain bandits na mapapadpad sa lugar. Hindi pa

