Nagising na lamang si Alexandra dahil sa sinag ng araw na siyang tumatama sa kaniyang mukha. Nang tingnan ni Alexandra ang oras, ganoon na lamang ang pag-iling ng dalaga ng makita niyang ikawalo na pala ng umaga. Akmang babangon na sana si Alexandra nang bigla na lamang siyang impit na napaungol dahil sa sobrang sakit ng katawan niya. Sa sakit ng pangangatawan niya pakiramdam ni Alexandra ay daig pa niya ang binugbog ng sampung katao, lalo na't hindi niya maigalaw nang maayos ang katawan niya. Bukod dito, pakiramdam din ni Alexandra ay namamanhid ang hiyas niya dahil ilang beses nilang pinaligaya ang isa't isa. Ganoon na lamang din ang pagtataka ni Alexandra nang makita niyang wala na sa tabi niya si Cameron, kung kaya't walang sinayang na oras ang dalaga at kaagad na bumangon sa pagkakahi

