Mag-iikapito na ng gabi ng magulantang na lamang si Zack dahil sa kaniyang nasaksihan. Hindi kalayuan sa gawi niya ay may isang babaeng walang malay habang nababalot ng galos ang buo nitong katawan. Kung kaya't mabilis na nabitawan ni Zack ang hawak niyang panggatong at mabilis na nagtungo sa gawi ng walang malay na dalaga. Kaagad namang napahinga nang maluwag ang binata ng malaman niyang humihinga pa ang babae. Kaya naman walang pagdadalawang-isip ang binata na binuhat nang maingat ang dalaga at kaagad na dinala sa bahay nila. Ilang minuto pa ang nilakad niya bago makarating sa bahay nila ang binatang nababalot ng pawis buhat ng pagmamadali niya. Mabilis namang nanlaki ang mata ng mga kapatid at magulang niya ng makita ng mga ito ang babae na buhat-buhat ni Zack. Si Zack naman ay kaagad n

