Sa pagdating ng mga pulis sa mansyon ni Cameron tila may isang anghel na bumaba sa lupa, dahil sa bigla na lamang silang natahimik. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng kaba si Cameron, lalo na't hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang may pulis na sumulpot sa mansyon niya. Kung kaya't hindi maiwasan ni Cameron na mapabuntong-hininga nang malalim sa isipin na may panibago na namang problema ang dadating sa buhay niya. Sa halip na magtungo sa kwarto ni Kitty, nagpasiya si Cameron na paupuin na lang muna ang dalaga sapagkat alam niyang importante ang ipinunta ng mga pulis sa mansyon niya. Bagamat wala siyang ideya, pinili pa rin niyang kausapin ang mga ito, sapagkat pakiramdam ng binata ay may nagtutulak sa kaniya na pakinggan ang mga pulis na nasa harapan niya. Kaya

