Ilang araw na ang nakalilipas buhat ng manirahan si Alexandra sa munting tahanan nina Zack. Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Alexandra at buong puso siyang pinatuloy ng pamilya nina Zack sa tahanan ng mga ito. Bukod dito, laking pasasalamat na rin ni Alexandra at unti-unti na rin na naghihilom ang kaniyang sugat buhat ng natamo niyang aksidente. May inis mang nararamdaman si Alexandra dahil sa pabayang drayber na may kagagawan ng aksidente niya, kinalimutan na lamang ito ng dalaga, lalo na't malabo na niyang makita ang taong iyon. Kaya naman pinili na lamang ni Alexandra na magpagaling upang sa ganoon ay masuklian na niya ang kabutihan ng pamilya ni Zack. Maliit man ang tahanan ng mga ito at walang masasarap na pagkain, hindi maitatanggi ni Alexandra na may inggit siyang nararamdaman ka

