Perfectly yours
Chapter 1.
Zam's PoV
Alas singko palang ng umaga ay parang binagsakan na ng langit at lupa ang itsura ko.
Pero kelangan kong matapos lahat ng gawain bago magising sila tiyo ramon at ang pamilya nya.kelangan kong tumulong sa kanila dahil sila ang kumupkop sa akin simula ng pumanaw ang aking mga magulang.
Nakakapagod man ngunit kelangan kong gawin ito ng mabilisan dahil kailangan ko pang pumasok sa paaralan.
simula ng mawala ang mga magulang ko . sila na ang kumupkop at nag aruga sa akin.
kung maituturing nga ba na aruga ito.
dahil halos ituring nila akong katulong.
mapalad nalamang ako na nakakapag aral ako .
titiisin ko nalamang muna at ilang buwan nalang naman ay matatapos na ako sa aking kurso na architecture.
napahugot ako ng malalim na pag hinga nag makaramdam ng pagod.
naiiyak akong isipin kung buhay lang sana ang aking mga magulang. hindi ko dadanasin ang ganitong buhay.
malinaw pa sa aking isip ng mga panahon na nabubuhay pa sila .
maayos ang buhay namin . mahal na mahal ako ng mga magulang ko . katulad ng pag mamahal ko sa kanila.
minsan nga naiisip ko nalang na sana nawala nalang din ako.
Ngunit kailangan kong ituloy ang buhay.
Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang galit na tawag ng aking tiyo ramon .
at dali-daling napa takbo sa loob ng bahay.
Zam halika ngang bata ka.
ipaghain mo kami at mag aalmusal na kami. sigaw nito habang naka pamaywang pa.
ni hindi manlang ako pinag ka abalahang tanungin kung nag-agahan na ba ako o ano paman. wala lang sa kanila kung anu ba ako sa bahay na ito.
"opo sige po ." at ihahanda ko na po ang lamesa. nag mamadali kong kilos.
palagi kong hinihiling na sana isang araw ee mag bago ang trato nila sa akin.
na maramdaman ko na may mga taong nag mamahal sa akin at may karamay ako sa lahat ng hirap na darating .
Ngunit hanggang ngayon ay bigo ako.
bigo ako na makatanggap ng kahit kaunting amor mula sa kanila.
hindi ko namalayan na tapos ko na palang ayusin ang hapag kaya nagmamadali akong tawagin si tiya aida at mga anak nito na mga pinsan ko na sila xian at jamica.
tyang handa na po ang agahan.
tawag ko sa kanya ,na narinig din naman ng mga pinasan ko .
sa dalawang ito mas magaan ang loob ko kay xian kaysa kay jamica.
si jamica kasi ay may taglay na kagaspangan ng ugali.samantalang si xian ay kabaligtaran ng ugali ng buong pamilya niya.
ang tiyuhin ko ay lasenggero at sugarol.
samantalang ang asawa nito ay walang katumbas ang taglay na kasamaan ng ugali.
nakita kong pababa na ang tiya aida.
oh zam anung oras na . bakit ngayon lang ang agahan . wala ka talagang silbing bata ka.
singhal nito sa akin na ikinayuko ko.
ngunit sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang pababang si jamica at xian .
si xian ay kakikitaan mo ng awa sa akin .
samantalang ang kapatid nito ay ubod ng tamis na naka ngiti pa habang ako ay pinapagalitan ng kanyang ina.
minsan gusto ko nalang umalis at takasan ang lahat ng ito ngunit ang aking iniisip ay kung saan naman ako pupunta ?
pano ang buhay ko kung sakaling aalis ako ?
sa sobrang iisipabilis lumipas ang oras . natapos silang mag agahan.
ako na rin ang nag ligpit at nag hugas ng kanilang pinag kainan.
at ng matapos ay saka ako nag handa sa aking pag pasok sa eskuwelahan.
sa edad ko na tweenty five ay ngayon palang ako makakatapos ng pag aaral dahil tumitigil ako para maka ipon .
upang may ipang tustus sa aking gastusin sa paaralan .
sumasideline akong singer sa isang sikat na bar.
sa school naman ay nag titinda ko ng yema at pastilyas sa aking mga kaklase.
lahat ng pwedeng pagkakitaan ay pinapasok ko basta legal at malinis na paraan.
pa pasok na ko sa gate ng paaralan ng makita ko ang kaklase ko at mga matalik na kaibigan na sina jace at kim.
hindi ko alam sa dalawa na to kung maituturing pa ba na mag kaibigan.
masyado kasi silang malapit sa isat-isa.
Ng makita nila ako .
kinawayan ko sila na may kasabay na pag tawag.
hey Lovebirds !!!
tawag ko sa knila.
at sabay sila napatingin sa akin na may malawak na ngiti sa kanilang mga labi.
grabehan sa lovebirds huh. ginawa mo kaming mga ibon nyan Zam.
angal ni kim na di naalis ang malawak na pag kakangiti sa akin .
oo nga naman.
Napapakamot sa batok na segunda ni jace.
hoy kayong dalawa nga umamin kayo sa akin .
pinan lakihan ko pa sila ng mata.
anong aaminin namin sayo aber??
naka pamaywang na na sagot agad ni kim .habang hindi maka tingin ng diretso sa akin si jace.
kayo na ba ?????
tanong ko sa kanila.
di ko mapigilang matawa sa itsura ni jace.laglag ang panga habang naka tingin sa akin.hindi siguro nito inaasahan na ganun ang klase ng pag tatanong ko.
mas una kung nakilala si jace na kaparehas ko ng edad dahi puro bulakbol at basag ang ulo ngunit tumino ng kami na ang kasama.habang si kim naman ay mas bata sa amin ng tatlong taon.
masaya ako na naka tagpo ako ng kaibigan sa katauhan nilang dalawa.
nababawasan ang alalahanin ko sa buhay pag kasama ko sila.
habang nag lalakad kaming tatlo di ko mapigilan ang asarin sila na sy namang kinapula ng pisngi ni kim habang si jace at di na malaman ang gagawin.
hindi ko sila ma intindihan kung bakit inililihom pa nila ito sa akin.
hanggang sa makarating kami sa room ay di ko sila tinigilan.
zam pwede ba wag ka nang makulit.
asar na sabi ni kim.
oo nga mag kaibigan lang naman talaga kami ni kim ee.nilalagyan mo lang talaga ng malisya.
sabay tawa pa ni jace
oh sige . hindi ko kaulyo pipilitin na umamin.irerespeto ko muna ang desisyon nyo sa ngayon.
sabi ko habang naka tulis pa ang nguso ko.na ikinatawa nilang dalawa.
hindi pa sana ako titigil mag emote king hindi pa dumating ang aming proffesor.
natahimik ang lahat at nag simulang makinig
mabilis na lumipas ang oras ang buong mag hapon ko ay naging abala sa pag aaral.
kelangan kong ma maintain ang matataas na grado.
napaka hirap na nag aaral at nag tatrabaho bukod pa ung pag sisilbi sa mga kasama ko sa bahay.
ngunit lahat yin any titiisin ko para sa sarili kong pangarap.
ang maka tapos ng pag aaral.
nang mag uwian na ay ganap ng alas 6 ng hapon.
may raket din ako ngayo sa bar na kinakantahan ko.
habang nag aantay ng masasakyan.
napa sulyap ako sa langit.
mukhang uulan pa ata.
wala sa sariling nasambit ko.
mag isa lamang akong nag aabang ng sasakyan papunta sa bar.
ng biglaan ngang bumuhos ang napaka lakas na ulan.
agad din namang may dumaan na jip.
sumakay ako dito at bumaba sa kanto malapit sa bar.
halos dalawangpong minuto din ang byahe pa tungo dito..
nakaka asar naman .
kung bakit ngayon pa umulan!!
Yamot na sabi ko sa sarili.
habang papasok sa bar.
at dahil kilala ko ng mga bouncer dito diretso akong naka pasok kahit pa naka uniform ako.
magandang gabi po kuya bert at kuya garry.
bati ko sa kanila na may kasamang ngiti ng maka pasok ako .
likas na sa akin ang maging masayahin kahit pa tila pasan ko na ang buong daigdig.
magandang gabi din Zam.
Naka ngiting sabay nilang pag bati sa akin.
ah zam .mag bihis ka na at ikaw na nang kasunod niyang si nathan .
paalala ni kuya garry.
masasabi ko na napaka swerte ko parin sa kabila ng lahat ng pinag dadaanan ko sa buhay dahi hindi parin ako pinapabayaan ng diyos.
ah . sige po kuya garry at kuya bert .mauna na po muna ako sa inyo.
paalam ko sa kanila.
pag pasok ko palang sa bar ay makikita mo na ang mga taong nag iinuman .
karamihan sa kanila ay mga may sinabing tao sa lipunan.
marami rin ang mga estudyante sa paligid.
halo-halong alak at amoy ng usok ng sigarilyo ang nasa paligid.kahit na alas otso palang gabi ee talaga namang napaka raming tao dito.
dumiretso ako sa comfort room.
habang nasa daan ay napansin ni nathan ang pag dating ko .si nathan ang tipo nga lalaki na lilingunin ng kahit sinong babae.gwapo,moreno,matangos ang ilong,matangkad na kung susukatin ee sa height ko na 5'6 ay halos hanggang balikat lamang nya ako.hindi ko lang alam kung bakit kahit gaano ito ka gwapo sa paningin ko .wala parin siyang epekto sa akin tulad ni jace na hanggang kaibigan lang ang din ang tingin ko sa kanya.nang makita nya ko dali- dali itong kumaway at binuka ang bibig at nag usal ng salitang pabulong.
kung hindi ako nag kakamali ay nag "hi" sya sa akin.
na ginantihan ko naman ng simpleng pag kaway lamang at dumiretso na sa comfort room.
habang nasa hallway.
naka rinig ako ng mahihinang ingay o ungol na nag mumula sa parteng madilim ng comfort room.
kinakabahan akong nag patuloy mag lakad .
at ganun nalang ang pagka gulat ko ng bumungad sa akin ang isang babae at lalaki na halos mag tal*k na sa harap ng comfort room.
nanginginig ako napa tikhim.
eeehhhemmmmm!!!
sinadya kong lakasan at tagumpay naman na napansin nila ko .
tila napapahiyang napa tingin sa akin ang babae.habang ang lalaki ay may di mawaring ngiti sa kanyang mga labi .habang naka tingin sa akin.
sa asar ko..ay pinag salitaan ko sila.
excuse me..
you're blocking the way.
tahimik na napatingin sa akin ang lalaki.
we're really sorry miss..
we're living .im sorry again.
nahihiyang hinging paumanhin ng babae.
dapat lang. halos gawin nyo nang motel tong comfort room ee.
Taas noong saad ko .
natawa namang napa tingin sa akin yung lalaki.habang papalayo sila .
at nang maka alis sila saka pa lamang ako pumasok sa loob.
i change my clothes.
i choosed to wear my brown croptop that literally fit in me.
it emphasize my big chest..
tapos ay tinernuhan ko ito ng highwaist rugged jeans..
na talaga naman nag pakita ng hubog ng katawan ko.
i am much comfortable wearing this kind of clothes .kesa mga dress..
ng matiyak na maayos na ang damit ko .. i applied some lipstick and blush on.
yun lang .
hindi naman kasi ako sanay na mag make up talaga .
pwera nalang pag ganitong may raket.
para naman mukhang presentable ako sa mga makaka harap ko.
Sinipat ko pang muli ang sarili ko.Ng pakiramdam ko ay satisfied na ko sa nakikita ko . saka lang ako nag pasya g lumabas .
at sakto naman na pababa na si nathan ng stage.at ako naman ang tinatawag na .
Nag kasalubong kami ni nathan.
lumapit sya sa akin at humalik sa aking pisngi.wala namang kaso sa akin yun dahil sanay na man na ako sa kanya.
nang magkalapit kami.
agad nanuot sa aking sistema ang pabangong ginamit niya..
matapang iyon ngunit may hatid na ibang kiliti sa ilong ang pabango niya .
lalaking-lalaki ito sa amoy niya.
sandali kaming dumistansya sa isat-isa.
Goodluck !
Galingan mo huh!
sabi pa neto at ngumiti ng matamis sa akin.
Sige.salamat.
sabi ko habang paakyat sa stage.
narinig ko ang palakpakan ng mga tao roon.
dahil siguro kilala na ako ng iba kaya sila nag palakpakan .
Good evening po.
pasensya na po at bihira na po ako maka punta dito.malapit na po kasi ang galraduation namin .so i need to study hard po.para maka graduate po ..
sinabayan ko ng tawa.
nag tawanan din naman sila.
hindi lingid sa kaalaman ng iba na nag aaral ako habang kumakanta sa lugar na ito.marami ang humanga sa sipag at diterminasyon na nakikita nila sa akin.
habang nag aantay . lumapit sa akin ang waiter at may inabot na papel.
tiningnan ko ito.
isang requested song ang laman noon.
na alam at kabisado ko naman kantahin.
itinuro pa ng waiter sa akin kung kanino galing ang request na iyon.
napa titig ako sa taong nasa second floor ng bar na ito.
he has a pairs of deep set eyes.
na kung maka tingin akala mo nababasa nito ang laman ng isip mo.
matatangos na ilong .
na kahit madilim.
makikita mo ang kaputian nito.
thin and red lips.
na akala mo ay napaka sarap halikan.
Susme !!!
ano ba tong nasa isip ko.napaka halay mo gurl !!!
saway ko sa sarili ko.
sabay ko nginitian ang lalaking iyon .
na sa kasamaang palad ee akala mo pinag lihi sa sama ng loob at di manlang marunong ngumiti.
kaya binaling ko nalang sa banda ang atensyon ko .
pinakita ko ito sa bandang tumutugtog doon.at sinimulan na ang pag kanta.
LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS.
Who'd have thought this is how the pieces fit
You and I shouldn't even try making sense of it
I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but I don't know what they are
Napa tingin ako sa lalaking nakita ko na titig na titig din sa akin.
So blame it on my heart, oh
Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
Oh, how you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways
kinakabahan ako sa bawat lyrics na binibitawan ko.
first time ko ma intimidate sa isang tao.
Heaven knows love is just a chance we take
We make plans but then love demands a leap of faith
So hold me close and never ever let me go
Even though we think we know which way the river flows
That's not the way love goes
onti nalang self matatapos na.
sabi ng isip ko.
Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
Oh, how you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways, oh
kinakabahan ako dahil ng muling gumawi ang tingin ko sa taas ay nandoon at naka tingin parin sya.
Hindi ko na kayang tagalan .
sabi ko pa sa isip ko .
at nag bawi ulot ako ng tingin.
hanggang sa matapos na nga ang kanta.
Like the ticking of clock, two hearts that beat as one
But I'll never understand the way it's done, oh
Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
Oh, how you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways
Love moves in mysterious ways, oh yeah
palakpakan sa galak ang lahat..
may iba pang ngang sumisigaw.
nice voice.-sabi ng isa.
ang galing mo talaga Zam -
sigaw ni nathan.
at marami pang papuri..
hanggang sa naka ilang kanta pa ko.
ngunit hindi ko na sya muling nakita
nasan na kaya yun -
sabi ng isip ko.
parang nakaramdam ako ng lungkot ng hindi ko sya makita.
ano kayang pangalan nya .
oh bakit crush mo ?
inlove ka na sa kanya?
-tanong ng makulit kong isipan na pilit kong iwinaksi.
bago umuwi dumaan muna ko sa manager ng club at kinuha ang bayad ko para sa gabing iyon.
nagulat pa ako sa nakita .
ah .mam joy.
parang sobra po ata ito.
tanong ko pa.
mabilis syang humarap sa akin galing sa banyo ng opisina nito.makikita mo na napaka ganda ni mam joy,sexy at maputi.ang buhok nito ay kulot na parang buhok ng santo ..
hindi zam .tip yan sayo ni sir kanina na nag request ng kanta sayo.
diretsong sabi ni mam joy.
ganun po ba parang ang laki naman po.
saad ko pa sa kanya.
naku zam .barya lang yan kay sir kate.
paliwanag nito.
ano po. sir ??
tapos kate ang pangalan.??
pag tataka kong tanong.
Kate Isiah Maxwell-
yan ang pangalan nya.
we used to call him sir kate here.
naka ngiting paliwanag pa nya.
ah sige po .salamat po ulit.
uuwi na po ako mam joy.
naka ngiting paalam ko habang nag iisip parin .
nang maka uwi .
lasing na tiyuhin ko ang bumungad sa akin.pag pasok ko ng pinto isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin na halos ika bingi ko.
halos matumba ko sa lakas at matinding pag ka hilo ang aking agad na naramdaman.
saan ka galing walangya ka.
bakit ngayon ka lang .
agad nyang tanong habang hawak ang braso ko.
sa lakas ng sigaw nya .
nagising na din ang mga anak nya at asawa nya.
tito .pasensya na po.
may tianapos lang po kami ng mga kaklase ko.
paliwanag ko dito na hindi sinasabi kung saan talaga ako galing.
anung tinapos nyo aber sa dis oras ng gabi.
sigurado ko na nag landi lang iyang pamangkin mo ramon.- sigaw ni tiya aida.
umamin ka ..
saan ka galing.!?
kung hindi tatamaan ka sa akin.
galit na sigaw nito.
pero buo na ang desisyon ni zam na hindi mag sabi kahit pa mahirapan sya .
isang malakas na sampal ulit ang kanyang natamo.
halos malasahan nya ang dugo sa gilid ng kanyang bibig .
nang matingnan ko ang itsura ni tiya aida at jamica ay daig pa nila ang nanalo sa lotto sa lapad ng kanilang ngiti,habangsl si xian ay halos maiyak na sa awa sa akin.
nang bitiwan siya ng kanyang tiyuhin ay halos sumubsob siya sa sahig kung hindi lang nya naagapan ang tuluyan pang ka tumba.
buti nga !!napapala mong maarte ka.
sabi ni jamica.ngunit ito'y hindi nalang nya pinansin at deretsong umakyat sa kanyang silid at doon walang sawa umiyak siya ng umiyak.
hanggang sa maka tulog siya ng masama ang loob at umiiyak.
hangang sa sumapit ang umaga at anu pa bang aasahan mo kundi walang katapusang trabaho ang nag aantay sa kanya dahil wala naman siyang pasok at araw ng sabado .
kasalukuyan siyang nag lalaba ng mga damit nila at hanggang ngayon ay ramdam nya parin ang pananakit ng kanyang mga pisngi dahil sa pag sampal sa kanya ng kanyang tiyuhin .
nang masipat niya ito sa salamin ay nakitaan nya pa ito ng ilang marka sa tabi ng kanyang labi
nakaka panghina na andito sya at dinadanas ang ganitong kalagayan. Ngunit kailangan nyang mag tiis.
uapang patuloy na mabuhay .
habang abala sa kanyang ginagawa hindi nya napansin ang pag lapit ni jamica sa kanya...
oh Zam labahan mo nga ang mga ito.
sabay hagis ng mga maruruming damit sa kanya. ang iba ay tumama sa mukha nya at ang iba ay nag laglagan pa sa sahig .
napa tingin siya sa pinsan habang pinupulot ang ibang damit.
sige . ako na ang bahala dito.
sagot niya habang marahang pinupulot ang mga damit.
ingatan mo ang mga yan. mahal ang mga damit ko na yan.
paalala pa nito.at tumalikod na pabalik ng bahay.
pinag patuloy nya ang kanyang pag lalaba ng biglang may mag salita sa likod nya.dumating ito ng hindi nya namamalayan.
bakit kasi pumapayag ka na ginaganyan ka nila ate ?
may pag aalalang tanong ni xian sa akin.
malungkot ko siyang tinitigan habang patuloy ang pag kusot ko sa mga damit.
wala namang kaso sa akin yun xian.
naka ngiti kong turan sa kanya.
pero naaabuso ka na ate.
mali ang ginagawa nila sayo.
ang naluluha nitong sabi sa akin.
siguro'y dala ng pag ka habag sa akin.
wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa kanila. kayo nalang ang meron ako.
napayuko ako habang sinasabi ko ito kanya..
magkaron ka naman ate ng awa sa sarili mo.
habang umuupo ito at tumabi sa akin upang labahan ang kanyang mga damit.
sa kanilang apat. si xian ay hindi iniaasa sa akin ang mga bagay na kaya nya namang gawin.sa kanya ko nararamdaman na may tao pa pala na nag papahalaga sa akin. napaka bait na bata nito.
napapa luha akong ngumiti nalamang sa kanya. at pinilit ibahin ang daloy ng aming usapan.
ate . malapit na ang graduation nyo diba ? anung plano mo pag tapos nito?
tanong niya sa akin habang naka ngiti.
siguro doon nalang din ako mag aaply sa pag oojt-han namin. maraming magandang benipisyo doon, malaki pa ang sahod. makakatulong na ako sa gastusin dito.
mahaba kong paliwanag sa kanya.
tsk! kahit di ka na nga mag bigay. sobra na ung halos gawin kang katulong sa sarili mong pamamahay.
Naka simangot nyang sagot sa akin.mag mula kasi ng mawala ang mga magulang ko.dito na sila sa bahay nanirahan.galing sila noon ng probinsya.
since wala naman na akong makakasama.napag pasyahan nalang namin na dto na sila manirahan.at doon na nga nag simula ang lahat.
kahit na .kailangan ko parin talaga mag trabaho dahil kelangan ko rin maka ipon.dahil hindi naman habang panahon ee kasama ko kayo diba.
sabi ko pa na ikina tango niya.
sabay you have a point naman ate.
i admire you for being masipag at mapag mahal.
maarteng turan nito.pero sanay na ako.
ganyan lang talaga sya mag salita pero napaka bait nitong bata .
marami pa kaming napag usapan.
minsan sa akin ito dumadaing tungkol sa mga nanliligaw sa kanya,sa crush nya,grades at iba pa.
masasabi ko na naka hanap ako ng comfort zone sa tabi ni xian.
dahil sya lang ang tumuturing at tumatrato ng maayos sa akin.
Mabilis na lumipas ang araw.
noon excited ako na grumaduate.
pero nong araw na ng garduation,pinanalangin ko na sana bumalik ang araw.grumaduate ako na wlang kasama.malungkot pero iyon ang katotohanan.mag isa ako sa lahat.pero nag papasalamat ako at isang senaryo nanaman ng buhay ko ang aking napag tagumpayan.
pag katapos ng graduation dumiretso na ako sa bar na pinag tatrabahuhan ko .
5 years ko narin silang kasama.
laking gulat ko ng pag pasok ko ng bar ay masayang pag bati ang aking naabutan.
CONGRATULATIONS ZAMIERAH AMBER ALARCON.
nakalagay sa malaking banner sa stage kung saan ako lagi kumakanta.
napatingin ako sa lalaking naka tayo sa gitna non..
it was nathan,he smile towards me.
masaya siya na na achieved ko ung dream ko.
congrats eirah!!!
masayang bati ni nathan habang nasa microphone.
na sinabayan din ng ibang nakaka kilala sa akin.
hindi ko mapigilang mag landas ang luha ko .sa sobrang kasiyahan.
i didn't expect it.
masaya ako at nag pasalamat ng taos sa aking puso.
nang biglang nag salita si nathan.
eirah .rest day ka muna ngayon huh.kami na muna ang bahala sa slot mo.
just enjoy your self muna .
naka ngiti niyang sabi sa akin na hindi parin bumababa sa stage.
hanggang s anag simula na nga itong kumanta.
Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
-lakong gulat ko ng bumaba ito ng stage at lumapit sa akin at binigyan ako ng bouquet at isa pang mic.
at ipinakanta sa akin ang babaeng part.
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay lahat lahat
-hanggang sa sabay naming kantahin ang churos
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi (malalim na ang gabi)
Pero ayoko sanang mag madali (wag kang magmadali)
Kay tamis kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay lahat lahat
patuloy ko parin.
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw (paalam na sa 'ting)
May dulo pala ang langit (huling sayaw)
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw.
nag palakpakan ang lahat.
tuwang tuwa sila na akala mo naka nood ng live concert.
thank you.
naka ngiti kong sabi kay nathan.
tumingin naman siya sa akin na parang may gustong sabihin.pero nag aalangan.
at nag pasya nalang din na wag nang sabihin.
habang napa dako ang mata ko sa taas na bahagi ng club.
parang nag taasan lahat ng balahibo ko sa nakita ko.titig na titig siya sa akin.
ung tipo ng titig na parang tumatagos sa kaluluwa. nakaka pangilabot.pero agad kong winaksi sa isip ko iyon kasabay ng pag yuko ko.kahit tila na ko maiihi sa kinatatayuan ko.
nag lakas ako ng loob na muli siyang titigan.nandoon parin ang tingin niya ni hindi ko mawari kung galit o anu ba iyon.hindi ko maipaliwanag.
pinilit kong mag pasilay ng isang ngiti para gumaan ang lahat.pero laking gulat ko ng lalo lang siyang nagingatapang tingnan at kumunot pa ng bahagya ang noo nito.sa takot mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya.upang maiwasan ang mga titig nya na hindi ko matagalan.
ilang minuto ang lumipas.laking luwag sa aking dibdib ng mapag tanto na wala na ito doon nang ilibot ko ang aking paningin.
nag pasalamat ako sa mga taong bumati sa akin.
dahil malalim na rin ang gabi.
pinasya ko na umuwi na.
nang makarating ako sabahay.
ang tiyo ramon agad ang nasalubong ko.
galit itong naka titig sa akin.
natalo nanaman siguro ito sa sugal.
kinabahan kaagad ako ng makita ko siya .
saan ka nanaman galing na babae ka?
galit nitong tanong.
ah jan lang po tito.
sagot ko habang naka yuko .
napadako ito sa tangan kong bouquet.
aba't kaninong lalaki ka nanaman nakipag landian ??
hinatak nito ang braso ko na nag dulot ng ibayong sakit.
sinisigurado ko na bukas mag papasa nanaman ito.
Tito wala po. maniwala po kayo sa akin.
umiiyak ako habang pilit iwinawaksi ang kamay nya na naka hawak sa akin.
walng tao noon sa bahay dahil nag bakasyon ang asawa nito at dalawang anak nila. kaya walang tutulong sa akin kung sakali.
tamana po . nasasaktan ako tito.
sumamo ko sa kanya habang hila parin ako papasok.
saktong naka pasok na kami ng makita ko na may bisita pala ito.
oh pare .tamana yan. baka mag marka .sigurado ko na magagalit si boss.
naka ngiting turan ng bisita nito.
ang ganda nga pala talaga ng pamangkin mo pare. hindi na talo si boss sa 20 million na makukuha mo.
Sabi pa nito na ikinalaki ng mata ko.
ang tagal kong prinoseso ang lahat sa utak ko .
sinabi ko naman sayo pare.
saka wala pang nagiging nobyo yan pare.sinisigurado ko sa inyo.
paliwanag nito na naka ngiti ng nakaka demonyo.
nanlamig ang buo kong katawan ng mapag tanto kung ano ang pinag uusapan nila.lahat ng kasiyahan na aking naramdaman kanina ay nag lahong parang bula.
ibebenta ako ng tiyuhin ko.
napaka walang puso nito .
pano nya naatim na gawin ito sa akin.
tito .maawa po kayo .wag nyo pong gawin sa akin ito.
umiiyak ako habang lumuluhod sa harap niya.
ngunit parang sinaniban na ng demonyo ang aking tiyuhin.hinawakan nya ako sa braso at marahas na itinayo.
sumama ka sa kanila.bayad ka na.hindi na kita kailangan dito.
gigil na sigaw nito.
parang awa nyo na po.
gagawin ko po ang lahat . wag nyo lang po ako ibigay sa kanila.
pag mamaka awa ko parin.
ngunit buo n ang loob nito.
sige na pare . dalahin nyo na ang babae na yan.
utos nito sa mga mukhang goons na bisita niya.
nag wawala ako habang nilalabas nila ng bahay kaya naka agaw ako ng pansin sa mga kapitbahay.
tulong ! tulungan nyo ko.
sigaw ko pa
nag bulungan ang iba. ang iba ay akmang lalapit ngunit bumalik din ..
sige. maki alam kayo.
o papasabugin ko ang mga ulo nyo.
sigaw ng lalaking nasa likuran ko.
nakita ko ang takot at pag aalinlangan sa mga mata nila. habang ang walang hiya kong tiyuhin ay naka tingin at may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
walang puso. napaka sama mo.
galit kong sigaw sa kanya.
sumama ka nalang ng matiwasay para di ka masaktan zam. masisiyahan ka naman kay senyor ee.
balik nitong sigaw sa akin.
na kung hindi ako nag kakamali ay senyor ang binanggit niya.
ibig sabihin matanda ang pinag bentahan nya sa akin.
parang gustong bumaliktad ng sikmura ko sa nalaman ko.
gusto kung tumakbo.
tumakbo palayo sa masasamang taong ito. kaya ang sumunod na pang yayari ay pinilit kong lakasan ang loob ko.
ubod lakas kung inapakan ang paa ng isang may hawak sa akin at ang isa naman ay ginagat ko ang kamay.
ahhhhh!!! ang sakit.
sigaw nilang dalawa.
kinuha ko ang pag kakataon na iyon para maka takas.
tumakbo ako ng tumakbo.habang lumilingon ako sa likod.
at sa pag takbo ko hindi ko na namalayan na may isang sasakyan pala na paparating.
ahhhhhh ! malakas kong sigaw .
napahawak pa ako sa aking mukha.
kasabay ng pag kaskas bg gulong ng sasakyan at pag tumba kong paupo sa sementadong kalsada.
anmimutla ako at nanghihina s asobrang takot.mabuti nalang at maagap ang driver nito kaya hindi ako nasagasaan.
nakita ko pang bumaba ng sasakyan ang driver nito at lumapit sa akin..
zam ! zam !
may pag aalalang tawag nito sa akin .
namay kasamang pag tapik sa aking mukha.
kahit nanlalabo ang paningin.nakilala ko kung sino ito.ang lalaking may nakakatakot na titig..
ang lalaking gumugulo sa aking isip at sistema.
tulungan mo ko.
ilayo mo ako dito.may humahabol sa akin.
umiiyak kong sabi sa kanya.saka nya ko binuhat at isinakay sa kanyang sasakyan.nakaramdam ako ng kapayapaan ng kargahin niya bago ako tuluyang nawalan ng malay. naman hindi naman na nag tangkang lumapit ang mga humahabol sa akin sa takot nila sa lalaking tumulong sa akin.
laking pasasalamat ko at hindi parin ako pinabayaan ng panginoon na mapahamak.