bc

Stuck In The Friendzone

book_age16+
427
FOLLOW
1.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

"Para kang 3-in-1 coffee sa buhay ko. May lover na ako, may best friend pa. May bonus pang overprotective bodyguard."

Snicker was labelled as the resident bad boy in their school. Bukod sa madalas siyang makipagbasag-ulo, anak din siya ng isang kilalang kriminal. Everyone saw him as a monster, except for Resen, his best friend. Resen was a good person. Dahil sa dalaga, naramdaman uli ni Snicker na tao siya. Naging mabuti ang pagtrato nito sa kanya at hindi siya iniwan sa kabila ng kanyang nakaraan. He was in love with her. Pero maraming dahilan kung bakit hindi sila puwede. Una, mayroon na itong boyfriend-si Winston, ang kabaligtaran niya sa lahat ng aspeto. Mayaman ang karibal niya, matino, at respetado ang mga magulang.

Alam ni Snicker na sina Resen at Winston ang nararapat sa isa't isa. Kaya nang maghiwalay ang dalawa, gumawa siya ng paraan para magkabalikan ang mga ito. Pero habang ginagawa niya iyon, lalo silang naging malapit ni Resen sa isa't isa. He fell more in love with his best friend. Pero hindi siya puwedeng umeksena dahil noon, siya pa mismo ang tumanggi kay Resen...

chap-preview
Free preview
Chapter One
HINDI makapaniwala si Resen sa naririnig. Hindi yata niya matanggap na nakikipaghiwalay sa kanya ngayon si Winston, ang boyfriend niya sa dumaang isang taon. Actually, that was not true. Hindi na siya masyadong nagugulat ngayon sa mga lame excuses na ibinibigay sa kanya ni Winston. Sa palagay nga niya ay mas marami pa ang break-up moments nila ng binata kaysa sa celebration nila ng monthsary sa buong durasyon ng relasyon nila. Ang ipinagtataka lang siguro niya, sa pagkakataong iyon ay wala siyang matandaan na nangyari para magdesisyon uli itong si Winston na makipaghiwalay sa kanya. Oh, except for that time that she slapped him for touching her boobs while he was kissing her in the cinema. "Right," tumatanga-tangong sabi ni Resen na pumutol sa mahaba at walang emosyong litanya ni Winston. "Are you breaking up with me because after a year of being in a relationship, I still refuse to be touched intimately?" Namula ang guwapong mukha ni Winston. Kung sa pagkapahiya o galit, hindi niya sigurado. Pero mukhang nainsulto ito. "Do you think I'm a shallow person, Resen?" Sometimes, yes. Kinagat ni Resen ang dila para mapigilan ang sariling sumagot. Alam naman niya kung gaano kahalaga kay Winston ang imahe ng pagkatao nito kaya kapag nalaman nitong iniisip niya na minsan ay mababaw ito kung minsan, sigurado siyang hindi na niya maaayos ang relasyon nila. Kahit pa madalas ay puro away na lang sila ng binata, ayaw naman niyang magtapos iyon nang hindi maganda. Winston was her first serious boyfriend. Sure, she had flings when she was still in high school. But the moment she danced with him during her eighteenth birthday, she knew he was the right guy for her. Si Winston Dimaguiba ay anak ng mag-asawa na parehong respetadong news anchor ng bansa na hinahangaan na niya simula pagkabata, na naging inspirasyon niya para i-take up ang kursong Broadcasting. Iyon din ang kurso ng binata, pero mas ahead ito sa kanya ng isang taon. Graduating student na ito samantalang siya naman ay nasa ikatlong taon pa lang at kukuha pa lang ng internship sa paparating na summer. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit iniisip niyang perfect match sila ni Winston. Pareho sila ng daan na tinatahak at nagmula pa ito sa pamilyang hinahangaan ng marami. Lalo na ng mga Broadcasting students na gaya niya. Aside from that, he was also handsome, charming, smart, and in layman's term, he was matino. Consistent dean's lister ang binata, student leader, at ngayon nga ay candidate pa ito for suma c*m laude. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, masasabi niyang mababaw si Winston. Na para bang wala na itong ibang layer maliban sa pagiging over-achiever nito. Kung minsan pa nga, naiisip niyang nabubuhay lang ang binata para gumawa ng mga bagay na ikaka-proud ng mga magulang nito. Wala namang masama ro'n. Kaya lang, madalas ay napapansin niyang na-pe-pressure na ang binata, dahilan naman para maging bugnutin ito. "So you really think I'm superficial," parang dismayadong kongklusyon ni Winston sa ilang minutong pananahimik niya. Maingat na binaba ni Resen ang tasa ng kape sa mesa. Hindi niya maitanggi iyon kaya iniba na lang niya ang takbo ng diskusyon. "Then, why are you breaking up with me... again?" Bumuntong-hininga si Winston at tinanggal ang suot na salamin sa mata. Pinunasan nito iyon gamit ang panyo nito. "Hindi ka nakikinig, Res. Kanina ko pa sinasabi sa'yo na bukod sa busy ako sa pag-aayos ng thesis ko, a-attend pa ko ng two-week convention para sa mga piling Broadcasting students na gaya ko mula sa iba't ibang universities and colleges sa Pilipinas." Ipinaikot ni Resen ang mga mata. Alam niya ang tungkol sa convention na 'yon dahil natanggap din naman ang application niya. Ang problema lang niya, hindi niya afford ang mawala sa klase ng gano'n katagal dahil papalapit na ang finals niya. Isa pa, kailangan pa niyang ayusin ang pag-a-apply niya sa mga TV network para sa nalalapit niyang summer internship. Hindi gaya ni Winston na maluwag na ang schedule. Pasado na ito sa thesis nito na inaayos na lang ang pagpapa-bookbind niyon bago ipasa. Sa madaling salita, naghihintay na lang ang binata sa araw ng graduation nito kaya puwede itong um-attend sa convention na 'yon. "Mawawalan ako ng oras sa'yo, lalo na't nag-a-apply na rin ako ng trabaho ngayon," pormal na sabi ni Winston nang isuot na uli nito ang salamin sa mata. "So I'm sorry, Resen, but we're really over this time." *** HABANG nakahiga sa kama niya si Resen at nakatulala sa kisame, paulit-ulit niyang pine-play ang mga excuse ni Winston sa isip niya. Hindi siya naniniwalang nakipaghiwalay ito sa kanya dahil lang busy ito. Mas busy ito noong ginagawa pa nito ang thesis nito pero hindi naman ito nakipag-break sa kanya no'n. Imposible rin na mahirapan ito sa paghahanap ng trabaho dahil sa pinakamalaking TV network ng Pilipinas nagtatrabaho ang mga magulang nito bilang mga news anchor. At ang convention na 'yon? Napaka-boring niyon para pagtuunan ng binata ng buong atensiyon nito. Hindi niya puwedeng hindi pansinin ang woman's intuition niya. Alam niyang may problema. Sigurado siyang may kinalaman do'n ang pagtanggi niya sa kagustuhan ni Winston na may mangyari na sa kanila. She vowed to protect her chastity until she graduated from college. Even if it was Winston, she would not give up her virginity just because she wanted him to stay with her. She was not that desperate, and she had so much self-respect for that. Pero alam niya kung paano mag-isip ang mga lalaki. Sigurado siyang ilalabas ni Winston sa ibang babae ang s****l frustration nito sa kanya. At iyon ang ikinatatakot niya. Hindi kakayanin ng pride niya kung ipagpapalit siya nito sa ibang babae na papayag makipag-s*x sa binata. Nakonsensiya naman siya sa mga iniisip niya. Tama nga si Winston sa hinala niya. And maybe I'm being unfair to him by thinking of him as a shallow person, sabi niya sa isipan. Isa pa, nagiging superficial na rin siya dahil sa panghuhusga niyang 'yon. Baka naman may iba pang dahilan si Winston. Posible namang may nahanap na itong ibang babae na hindi lang basta carnal desires nito ang pinapairal. Maybe he was in love with somebody else already. Aaminin niyang napabayaan niya ang sarili niya no'ng last Christmas vacation. Nasira ang diet niya at lumobo siya ng kaunti. Hindi kaya hindi nagustuhan ni Winston 'yon? Okay, she was being superficial now. Pero siguradong sasang-ayon sa kanya ang lahat ng babae kapag sinabi niyang sensitive topic ang weight nila. Napabangon bigla si Resen at dinampot ang mobile phone niya sa night table. Tinawagan niya ang nag-iisang tao na alam niyang ititigil ang kung anumang ginagawa nito para lang kausapin siya. "Snicker, am I ugly?" "When you're crying, yes," sagot ni Snicker sa baritonong boses nito. Puwedeng-puwede talaga itong maging DJ dahil sa bedroom voice nito. Siguradong marami itong magiging listener. "Tumaba ba ko? And don't you dare lie to me!" "Well, hindi na ko magsisinungaling. Oo, tumaba ka. Nakita mo na ba sa salamin kung gaano lumobo ang mukha mo?" Napasinghap si Resen dahil sa pagiging brutally honest ni Snicker. Well, she asked for it. She should have known better than ask her best friend to not lie to her. "Ni hindi ka man lang nag-abalang i-sugar coat ang sagot mo!" "What do you want me to say, baby girl? That, oh, you didn't really gain weight. Your clothes just probably shrunk because of some magic the elves performed while we were busy pigging out at every celebration we attended last Christmas vacation?" Umungol si Resen sa reklamo. "Snicker, I don't need your sarcasm right now. Kailangan ko ang best friend ko." Narinig niya ang binata na bumuga ng hangin sa kabilang linya. "Huhulaan ko. Nakipaghiwalay na naman si Winston sa'yo?" Humikbi na si Resen. Kanina pa niya pinipigilan ang pag-iyak. Pero kapag kausap niya si Snicker, hindi niya maiwasang hanapin ang comfort nito. "I don't want our relationship to end like this, Snicker. Hindi ko pa kasi maintindihan kung anong mali sa'kin para paulit-ulit niya kong hiwalayan. I'm doing my best to be a good girlfriend. What's wrong with me anyway? Do you think he has already someone else in his heart?" "Give me a minute, baby girl," Snicker said, then ended the call. *** BINULSA agad ni Snicker ang phone niya matapos niyang putulin ang tawag ni Resen, saka siya pumihit paharap para bigyan ng sapak sa mukha ang lalaking nagtangkang atakihin siya habang nakatalikod siya at abala sa pakikipag-usap sa best friend niya. "You f*****g coward," angil niya, sabay sipa sa dibdib ng kaaway na ikinatumba nito sa sahig. Lumingon sa paligid si Snicker. Tatlo pa sa mga kaaway nilang gang ang nakatayo. Pero lahat naman ng mga kasamahan niya ay maayos pa ang lagay at hindi napuruhan kaya hindi siya nag-alala. Lalo na't buhay na buhay pa ang dugo ng kaibigan niyang si Lawrence na pinakanasisiyahan kapag ganitong may kinasasangkutan silang away laban sa ibang grupo. Hindi na niya eksakto matandaan ang nangyari. Ang alam lang niya, napikon si Lawrence sakay Brian, ang leader ng kabilang grupo dahil naabutan nila ang lalaki na binabastos ang batang waitress sa kinakainan nila kanina. Pagkatapos, natagpuan na lang niya ang sarili na pinapaharurot ang big bike niya para sundan si Lawrence na sinundan naman ang nakainitan nitong gang. Balak sana niyang pigilan ang away, pero napikon siya nang tinamaan siya ng suntok nang tangkain niyang pumagitna kay Lawrence at ni Brian. Before he knew it, their groups were already in a brawl with each other in an abandoned warehouse. How classic, sarkastikong sabi niya sa isipan. "Ano, mambabastos ka pa ng babae?!" galit na tanong ni Lawrence habang pinapaulanan ng suntok si Brian. Ngumisi si Brian, kita ang duguang mga ngipin. Mukhang kayabangan ang dumadaloy sa ugat ng gago kaya nakalimutan na ang salitang takot. "Is it my fault that that slut's shorts emphasized her ass as if she was asking me to touch it?" Nagpanting ang mga tainga ni Snicker sa narinig. Surely, the young waitress was not asking to be harassed. Kung tama ang pagkakaalala niya, disente ang haba ng suot nitong shorts at magalang din makipag-usap sa mga customer. Isa pa, hindi siya naniniwala na may babaeng humihiling na mabastos kahit ano pa ang suot ng mga ito. Nagmartsa siya palapit kay Brian at hinablot ito mula kay Lawrence na binigyan siya ng kakaibang tingin. Himbis na sagutin ang kaibigan, hinagis lang niya sa pader ang lalaking hawak at pinaulanan ito ng suntok sa pader. "No. Girl. Deserves. To. Be. Harassed. No. Matter. What. She. Wears!" Snicker said angrily, punctuating every word with a strong punch on the bastard's face until he was bleeding again. Ka-batchmate niya si Brian no'ng high school. Nakakabuwisit lang na nagkataong sa isang unibersidad pa sila nagkolehiyo. Engineer ang course ng gagong 'to kaya kahit huminto siya ng dalawang taon sa pag-aaral ay nag-abot pa rin sila ng lalaki sa unibersidad. Noon pa man ay bastos at may pagkamanyak na si Brian kaya ni minsan ay hindi sila nagkasundo. Bago pa namalayan ni Snicker, inaawat na siya ni Lawrence. Halos yakapin na siya ng kaibigan mula sa likuran para lang pigilan ang pagwawala niya. Samantalang ang iba naman nilang kasamahan, nilayo na sa kanya si Brian na halos wala nang malay. "Kalma lang, bro," nakangising sabi ni Lawrence. "Magtatanda na 'yan. Siguradong hindi na 'yan mambabastos ng babae ngayong naturuan na natin ng leksyon." Kumawala si Snicker mula sa pagkakahawak ni Lawrence. "Gah, don't ever hug me from behind again, Law. It makes my skin crawl." Eksaheradong suminghap naman si Lawrence at umarteng nasaktan sa sinabi niya. "Pagkatapos mong gamitin ang katawan ko ng ilang beses noon, itataboy mo na ko? May iba ka na 'no? Sabihin mo. Mas maganda ba siya kaysa sa'kin?" Mumurahin sana ni Snicker si Lawrence, pero natigilan siya nang muling magsalita si Brian na hindi yata alam kung paano tumahimik. "Akala mo kung sino kang malinis. Kilala kita, Snicker John Lagdameo," pagpapatuloy ni Brian sa galit pero nanghihinang boses. "r****t ang tatay mong nakakulong, 'di ba?" Nagdilim ang paningin ni Snicker. Siguradong mapapatay niya ang lalaki kung hindi lang siya muling pinigilan ni Lawrence sa pagsugod. Sa pagkakataong iyon, dalawa pa sa mga kasamahan niya ang pumigil sa kanya kaya hindi na siya nakaalis sa kinatatayuan niya. Para ilabas ang galit niya, nagpaulan na lang siya ng mura. "I'll get back at you, Lagdameo!" sigaw naman ni Brian. "Kapag nalaman ng pamilya ko ang ginawa mo sa'kin, pagbabayaran mo 'to!" "You want a piece of me?" nakangising sagot naman ni Snicker. "Fine! Be my guest!" At muli, nagpaulan siya ng katakot-takot na mura na kahit ang mga kaibigan niyang inaalmusal ang mga mura niya ay napangiwi pa rin. "Snicker, your phone is ringing!" sigaw naman ni Lawrence na epektibong pumutol sa pagmumura at pagwawala ni Snicker. Nang makita ni Snicker ang pangalan ni Resen sa caller ID, biglang natahimik ang nagwawala niyang kalooban. "I need to take this call," sabi niya, saka lumabas ng gusali. Habang naglalakad palabas ay sinuot niya ang sunglasses niya para itago ang pasa sa gilid ng kanang mata niya. Pagkatapos ay sumakay siya sa kotse ni Lawrence para itago naman kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Nang masiguro niyang wala nang mapapansing kakaiba si Resen, saka niya sinagot ang video call ng dalaga. Napangiti si Snicker nang mapuno ng magandang mukha ni Resen ang malaking screen ng phone niya. "Hey, baby girl." "Hey, big guy." Sumimangot si Resen habang tila sinisilip kung nasaan siya base siguro sa background. "Nasa kotse ka ni Lawrence, ha. Magkasama na naman kayo?" "Dadaan naman ako sa bahay niyo bago ako umuwi kaya huwag ka nang magselos," biro niya. Pero seryoso siyang dadaanan niya si Resen sa bahay nito mamaya dahil sigurado siyang kailangan na naman nito ng ice cream habang nag-ra-rant tungkol kay Winston. Ipinaikot lang ni Resen ang mga mata. "Snicker, sa tingin mo ba, may iba nang babae sa buhay ni Winston kaya nagagawa niya kong bale-walain ng ganito?" Bumuntong-hininga si Snicker. Gustung-gusto niyang sabihin kay Resen na hindi ito dapat nagtitiyaga sa Winston na 'yon na masama naman ang trato dito. Na dapat lang na iwan na nito ang gagong 'yon at maghanap na lang ng lalaking mas karapat-dapat sa pagmamahal nito. Lalaki na gaya niya. Pero alam niyang hindi iyon ang gustong marinig ni Resen mula sa kanya. Hindi pa handa ang dalaga sa nararamdaman niya at sa totoo lang, alam niyang wala siyang pag-asa dito dahil sa nakaraan ng pamilya niya. Hindi sila bagay. Hindi siya bagay sa babaeng mahal niya. "Kung ipagpapalit ka ni Winston sa ibang babae, siya na ang magiging pinakatangang lalaki sa buong mundo," sabi ni Snicker nang walang mintis dahil ilang beses na niya 'yong sinabi kay Resen. "You're the closest thing to perfection any guy could ask for, baby girl." Lumungkot lang lalo ang mukha ni Resen. "If that's true, bakit ayaw na sa'kin ni Winston?" Because that idiotic boyfriend of yours is a first-rank moron. I bet he doesn't even know how lucky he is to have you as his girlfriend for him to treat you so bad. Pero dahil alam ni Snicker na masasaktan si Resen kapag ininsulto niya si Winston sa harap nito, nagsinungaling na lang niya. "Baka may gumugulo lang kay Winston ngayon. Sabi mo nga, may convention siyang pupuntahan. Maybe he's preparing for it." Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Bumuga siya ng hangin. "I'll talk to him and see what I can do to fix your problem." Bahagyang umaliwalas ang mukha ni Resen. Nagkaro'n ng kislap sa mga mata nito. "Gagawin mo 'yon for me?" Tumango si Snicker. "Yes, baby girl. Kaya ngumiti ka na uli, okay?" Ngumiti nga si Resen. It was the smile that never failed to tame the monster inside him. "Thank you, Snicker. I'll call you again tomorrow." "Alright." "Love you, big guy," she said and blew him a kiss before she ended the video call without waiting for his response. I love you, too, baby. And he meant it in a romantic way. "Alam mo bang pinapako mo ang sarili mo sa friendzone dahil sa ginagawa mong 'yan?" iiling-iling na tanong ni Lawrence na nakadungaw mula sa nakabukas na bintana ng driver side, saka ito pumasok at umupo sa tabi niya. "It's none of your business, Law." "I'm your guy best friend so your pathetic love life is my business," giit naman ni Lawrence. "Don't you find it unfair that Winston treats Resen so bad and you, on the other hand, is so good to her. Pero si Winston pa rin ang nakikita niya at hindi ikaw?" Hinubad ni Snicker ang sunglasses nito at hinagis iyon sa compartment ng kotse. "Winston deserves her more. He came from a good family. I don't." "Snicker–" "Tanggap ko na 'yon, Law," sansala ni Snicker sa sinasabi ng kaibigan. "Dahil sa kasalanan ng tatay ko, wala na kong inaasahang mangyayaring magandang bagay sa'kin. Nagpapasalamat na nga lang ako na tinanggap pa ni Resen ang tulad ko sa buhay niya bilang kaibigan." Napabuntong-hininga si Lawrence habang iiling-iling. Tinapik nito ang balikat niya. "You're a good person, Snicker. Kahit ano pa ang nagawa ng ama mo, hindi ka dapat madamay. You also deserve finer things in life." Nagkibit-balikat lang si Snicker. Nakakandado na ang mga emosyon niya pagdating sa ama niya at sa nakaraan nila. "Resen is more than enough for me--- I cannot ask for more."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
667.7K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook