NAPANSIN ni Resen na matamlay si Snicker ng araw na 'yon. Hindi niya masyadong naasikaso ang binata dahil nag-apply siya sa TV station para sa internship niya. Sinundo naman siya ni Snicker matapos ang interview niya, pero kapansin-pansin na tahimik ito na tila may malalim na iniisip. Hindi naman niya na pinilit na magkuwento ang binata dahil alam niya na kung handa na ito, ito mismo ang lalapit sa kanya. Hinatid siya ni Snicker sa bahay. Inaya niya itong magkape muna sa loob pero tumanggi ito at sinabing may gagawin daw itong mahalagang bagay. "Okay lang ba ang lahat, Snicker?" nag-aalalang tanong ni Resen. Hinawakan niya ang braso ni Snicker para lumingon ito sa kanya dahil kanina pa ito hindi tumitingin sa kanya. "May problema ba?" Ngumiti si Snicker pero wala iyong buhay. Umiling i

