“Ano? Hindi pa rin siya ngpaliwanag kung bakit bigla na lang siyang naglaho dati?” hindi makapaniwalang tanong ni Cath sa kanya. “…at take note, magkasama pa kayo magdamag n'yan hah. Pero waley pa rin, hindi pa rin nagpaliwanag. Ano ba yan.” Dismayado nitong komento sa kanya. “Anong magkasama? Hindi kami magkasama, okay. Magkaiba kami ng kuwarto.”Paglilinaw niya dito. “Okay, pero magkasama pa rin kayo sa iisang bahay hindi ba? Bakit di pa rin niya nasabi sa iyo ang dahilan kung bakit siya biglang naglaho dati?” Maging siya ay nagtaka rin pero wala sa hinagap niya na siya pa ang unang magtatanong dito sa kung ano mang letsteng dahilan mayroon ito. Baka mamaya isipin pa ni Lucas na naghahabol siya dito kaya tanong siya ng tanong. Wag na lang! Saka sabi naman niya sa sarili niya na wala

