Hindi sigurado ni Maxine ang daan nilang tinatahak pagkatapos nilang umalis sa Hotel Montalvo. Basta ang alam niya ay gusto na niyang mahiga at hindi pa rin nawawala ang pagkahilo niya dahil sa huling ininom niyang wine. Nang lingunin niya ang bintana ng kotse na kanilang sinasakyan ay puro mga mamalaking kabahayan ang nakikita niya. Ano kaya ang lugar na’to, subdivision? Ayaw naman niyang tanungin si Lucas simula kanina noong hatakin siya nito sa party. At kulang na lang ay ikulong siya nito sa higpit ng pagkakaakbay nito sa balikat niya. But then, pasalamat na rin siya dahil kung hindi siguro siya nito inalalayan ay malamang nag gulong-gulong na sya papalabas ng party na iyon. Naalog ang ulo niya ng biglang ihinto ni Lucas ang kotse nito sa tapat ng isang malaking gate dahilan iyon

