Chapter 1

1313 Words
“Are you out of your mind, Maxine?” sigaw na tanong ng kanyang daddy. Ang itinutukoy nito ay ang pakikipagkita niya kay Lucas na isa sa kanyang mga kaibigan. “What’s the matter with that? Magkaibigan lang kami daddy, okay.” “For now your just friends, what about tomorrow?” May bahid ng pang-uuyam ang tanong nito sa kanya. “And I don’t think it’s a good idea that you’re being nice to that jerk! He’s just a delivery boy in the morning and ventor of something in the evening,” hindi pa rin matapos-tapos ang panglalait nito kay Lucas na isa na yata sa pinaka mabait at mabuting tao na nakilala niya. “Can you just stop saying anything about Lucas? Lalo na kung hindi rin naman maganda ang mga sasabihin mo dad. He’s a good person. At wala kaming ginagawang masama,” pagpapaliwanag pa rin niya sa kanyang daddy na halatang sarado ang isip sa mga paliwanag niya. “Okay, palalagpasin ko ang mga kalokohan mo ngayon Maxine…but if you really insist to hang out with that boy, I’ll definitely scold you!” May pagbabanta ang boses ng daddy niya habang madilim pa rin ang mata nito na nakatunghay sa kanya. Iyon lang at iniwan na siya nito at nagtungo sa library ng kanilang bahay at sa tingin niya ay doon naman ito mamalagi maghapon. Napabuga na lang siya ng malakas ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya.Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kainit ang dugo nito kay Lucas samantalang wala naman itong ginagawa na masama sa kanya lalo na kapag magkasama sila, or maybe because of his status in life? Mahirap lang kasi si Lucas. Nag-aaral ito sa kolehiyo habang nagtratrabaho. Nakilala niya ito sa library habang naghahanap siya ng mga libro para sa research nila. Nagulat pa nga siya ng malaman niyang kakaklase niya ito sa isa sa mga minor subject nila dahil irregular ito. Third year college na ito samantalang siya ay freshman naman at kailangan nitong magtrabaho habang nag-aaral para masustentuhan ang pangangailangan nito. He was abandoned by his father and now, he was leaving with his mother in one of the apartments na malapit sa pinagtratrabahuhan nitong water station. Pero kahit ganoon ay wala siyang masasabi sa binate. Kahit hirap ito sa buhay ay ginagawa pa rin nito ang tama at iyon ay ang magpatuloy sa pag-aaral at tulungan ang ina nito sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. “Lucas Mallari…I’m so impress with your answer, great job!” Nagpalakpakan pa ang mga kakaklase nila pagkatapos magsalita ni Lucas at sagutin ng tama ang tanong ng kanilang professor na si Mrs. Gomez. Nakangiti itong tumingin sa mga kaklase nila at bago ito tuluyang umupo ay sumilay ito sa gawi niya at nahuli siya ni Lucas na nakatitig dito kaya medyo nahiya pa siyang nagbawi ng tingin. Nang matapos ang klase nila ay breaktime na ang kasunod kaya nagkayayaan silang mag miryenda muna sa canteen ng kanilang campus bago ang susunod na klase nila. “Maxine…” Halos hingal ang boses ni Lucas nang maabutan sila nito at tila kinakapos pa ito ng hininga ng tuluyan sila nitong maabutan. “Itatanong ko sana kung pwede akong sumabay mag miryenda sa inyo? Absent kasi si Tony kaya wala akong kasamang kumaen ngayon,” paliwanag nito sa kanya. Sa una ay hesitate pa siya na sumagot dahil naalala naman niya ang sabi ng daddy niya na dapat ay layuan na niya ito at huwag ng makipag-usap dito, kung hindi ay…. “Nga pala Maxine, pupunta muna kami sa library saglit ah. May imimeet lang kami dun,” mayamaya ay paalam ni Jessica sa kanya. At sa huli, ay sila na lang dalawa ni Lucas ang naglakad papunta sa canteen. “Mukhang tahimik ka ata Maxine, may problema ba?” Hindi na napigilan ni Lucas na tanungin siya dahil sobrang tahimik niya at naninibago ito sa mga kinikilos niya. “Ah, wala…may naisip lang ako bigla,” pagsisinungalin niya dito. Ipinaghila pa siya nito ng upuan nang makapili na sila ng mesa na kakainan. Katulad ng dati ay pumunta na ito sa counter at umorder ng pagkain nila. Pati ang pagbabayad sa kinakain nila ay ito na rin ang nagbabayad. Pinipilit niyang iabot ang pera na bayad niya dito pero palagi nitong hindi tinatanggap ang bayad niya. Mayroon naman daw itong nakatabing pera pangbayad sa miryenda nila kaya hindi na rin siya nagpupumilit pa. Bukod sa mabait ito ay may taglay din itong kaguwapuhan. Hindi naman ito maputi at hindi rin naman ganoong kaitim. Katamtaman lang o tamang sabihin na moreno ang kulay ng balat nito at may matangos itong ilong, mahabang pilikmata na bumagay sa medyo singkit nitong mata. Tiningnan pa siya nito habang umoorder sa counter at saka siya nito nginitian. At awtomatiko naman na sinuklian rin niya ang ngiti nito na sa tingin niya ay nakakadagdag sa kaguwapuhan nito. Halata rin sa katawan nito ang pagiging batak sa trabaho at malapad ang mga balikat nito sa normal na laki ng mga balikat ng mga kakilala niyang kasing edad nila. Matipuno ang tindig nito na hindi mo mapagkakamalan na hirap sa trabaho. Isa iyon sa hinahangaan niya sa lalakeng iyon, lahat na ata ng trabaho ay napasok na nito para lang makapag-aral at hindi mahinto. Maging ang ina nito ay suportado ang pakikibaka nito para lang makatapos ito ng pag-aaral. Kaya siguro lalo nitong pinagbubuti ang pag-aaral nito katulad kanina na halos lahat ng mga kaklase nila ay nagpapalakpakan sa tuwing tatayo ito at sasagot sa klase. At nagulat pa siya nang ibaba nito ang isang tray na may lamang dalawang sandwiches at softdrinks. “Kain na tayo,” yaya nito sa kanya. At habang kumakain sila ay siya namang dating ni Roland at agad ay nakita sila nito at tinungo ang lugar na kinaroroonan nila. “Maxine…Sabi ko na nga ba dito kita makikita, at kasama mo naman ang lalake na ito!” Sabay tingin kay Lucas na dumilim na ang mukha pagtapat pa lang ni Roland sa table nila. Matagal na niyang mangliligaw si Roland, highschool pa lang sila ay magkakaklase na sila at palagi niyang sinasabi dito na mabuti pang maging magkaibigan na lang sila at wala naman siyang nararamdam dito kung hindi puro kayabangan. Napakahambog nito! At di nga siya magtataka kung ito ang nagsusumbong sa daddy niya tungkol sa pakikipagkaibigan niya kay Lucas. “Roland, ano naman ang kailangan mo sa akin?” Iritado kong tanong ng hindi pa rin ito tumigil sa pagtitig ng masama kay Lucas. “Well, I’m just here to ask you if you can be my date next week?” brusko nitong tanong sa kanya. “Sorry pero hindi ako aattend sa party next week, iba na lang ang yayain mo.” Mabilis kong sagot na sinugunduhan naman nito. “Okay, kung ayaw mong pumayag ay kay Tito Alfred na lang ako magpapaalam. I’m sure papayag iyon na ako ang maging date mo,” tila may paninigurado nitong saad sa kanya. At bago ito tuluyang umalis ay inismiran naman nito si Lucas na ngayon ay nakasandal lang sa inuupuan nitong silya habang nakahalukipkip at animo hindi alintana ang mga titig ni Roland dito. “Lucas pasensya ka na kay Roland mayabang talaga ang isa na ’yon,” paghingi ko ng pasensya sa ginawa ni Roland sa kanilang dalawa kanina lang. Kainis talaga ang tukmol na iyon, at di yata siya pa ang humihingi ng dispensa kay Lucas dahil sa ugali nito! “Ayos lang,” agad naman bumalik ang kalmadong mukha ni Lucas pagkatapos. “Let’s go, mayroon pa kasi akong susunod na klase,” bigla ay naalala niya. Hinatid pa siya ni Lucas sa susunod niyang klase. At nagpaalam na itong aalis at sa kabilang building pa ang susunod na klase nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD