Chapter 2

2020 Words
Ilang araw na hindi nagpakita si Lucas sa kanya. Maski sa iba nitong klase ay hindi raw ito pumapasok. Hindi naman sa gusto niyang mag-isip ng masama pero hindi lang talaga maalis sa isip niya kung anong nangyari kay Lucas at hindi ito pumapasok sa university. Kaya laking gulat niya nang makita niya si Lucas na naka-upo sa isa sa mga bakal na upuan na malapit sa pathway at bahagya siya nitong tiningnan at pagdaka ay nginitian siya ng makasiguro na siya nga ang natitigan nito. “Ano ba ang nangyari sa'yo?” Agad ay tanong niya dito nang maipatong niya ang mga hawak na libro sa tabi nito. Hindi pa siya nakakaupo at tinanggal pa niya ang nakasukbit na bag sa likod. “Medyo nagkasakit lang kaya di nakapasok,” paliwanag nito sa kanya. Bakas pa sa mukha nito ang panglalalim ng mga mata dala nito, siguro ng pinagdaanan nitong sakit. “Wala ka kasing ginawa kung hindi ang magtrabaho…nagkakasakit ka tuloy,” singhal niya kay Lucas. Para siyang isang nanay na pinapangaralan ang anak. Oh, baka naman parang girlfriend na concern sa boyfriend, di kaya? Bahagya pang kumunot ang noo nito habang titig na titig sa kanya. “Bakit, masama ba ang sinabi ko?” Bigla ay kinabahan siya ng hindi pa rin humiwalay ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. “Wala naman, hindi ko lang expect na magkakaroon ka ng concern sa akin.” Napalingon siya sa gawi nito nang marinig niya ang tinuran nito. “Kaibigan kita Lucas, so…mag-aalala talaga ako sa iyo, hindi ba?” kunwari ay seryoso niyang paliwanag kay Lucas. Hanggang ngayon kasi ay nakatitig pa rin ito sa kanya, kaya medyo na conscious tuloy siyang salubungin ang mga mata nito. Talaga naman na nag-alala siya dito ng sobra. Hindi nga siya makapagconcentrate sa mga discussion nila at manaka-naka ay sumasagi sa isip niya ang tunay na dahilan kung bakit ito hindi nakakapasok. “May klase ka pa ba?” mayamaya ay tanong nito sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay halfday na lang sila ngayong araw dahil ang isang professor nila sa hapon na kailangan nilang pasukan ay in-charge sa training para sa nalalapit nitong laban sa international kaya nagbigay na lang ito ng take home activity na ipapasa next week. “Wala na, bakit?” At pagdaka ay tumango lang si Lucas. “Okay. Gusto sana kitang yayain na magmiryenda sa labas, kung hindi ka busy?” Napalingon siya sa puwesto ni Lucas at hindi niya agad na absorb ang sinabi nito. Gusto sana niyang sumama kay Lucas kaya lang ay naisip na naman niya ang kanyang Daddy. Paano kapag nakita sila ng kanyang Daddy na magkasama? Pag-iisipan na naman sila nito ng hindi tama kahit wala naman talaga silang ginagawang masama ni Lucas. Muli ay tiningnan niya ito, para yatang hindi niya kayang humindi sa paaanyaya nito. Tila malungkot ang mga mata nito na nakatitig pa rin sa kanya at tila hinihintay ang magiging sagot niya. Hay, bahala na si batman! Magtatago na lang ako kung kailangan. May pilyong ngiti ang sumilay sa labi niya sa isiping iyon. “Sige… ” “Talaga? Pumapayag kang sumama sa akin?” biglang umaliwalas ang mukha nito na kanina lang ay parang lulugo-lugo. Si Lucas na ang nagdala ng mga hiniram niyang libro sa library kahit na medyo mahina pa ito dahil sa kagagaling pa lang nito sa sakit. Isinukbit na niya ang kanyang bag sa likod. Pagkalabas nila ng gate ng school ay pumara na ito ng taxi. Nagulat siya dahil ang buong akala niya ay sa jeep sila sasakay. At pagkasakay nila sa taxi ay sinabi nito ang destinasyon nila. "Kuya, sa Luneta po tayo.” Habang naglalakad-lakad sila sa Luneta park ay may kinakain silang isang balot ng chips at tig- isang milktea na binili ni Lucas pagkababa nila sa lugar. Buti na lang at kulimlim ang panahon at naenjoy nila ang view habang naglalakad. Nang medyo malayo na rin ang nalalakad nila ay niyaya siya ni Lucas na maupo sa isang malinis na parte ng parke kung saan maari kang maupo at nalalatagan ito ng bermuda grass. “Paano nga pala ang mga subjects mo na hindi napasukan?” pag-iiba ko ng usapan. “Kakausapin ko na lang yung mga professor ko kung ano ang pwede kong gawin para makabawi sa mga hindi ko nakuhang activites.” Tumango na lang siya pagkatapos. Ilang segundo din ang namutawing katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Wala naman na kasi siyang maitanong kay Lucas. Paano ba naman ang gagawin niya? Kahit medyo kinakabahan ay tiningnan niya ang gawi kung saan nakaupo si Lucas. Malapit na malapit ito sa kanya, mga isang dankal siguro ang layo. Kaya naman malapitan niyang napagmasdam ang mukha nito na dati ay sa nakaw na tingin lang niya napagmamasdam. Medyo may lungkot ang awra nito ngayon, pero bakas pa rin ang kaguwapuhan nito kaya medyo naasiwa pa siyang titigan ito na hindi nagbabawi ng tingin at baka mahuli pa siya nitong nakatingin sa mukha nito, mahirap na. Sakto naman na pagtingin niya uli sa mukha nito ay siya namang pagbaling rin nito ng tingin sa gawi niya. She froze! Hindi niya alam kung saang banda ba siya dapat bumaling na hindi nagmumukhang obvious na nakatitig siya sa mukha nito. “Maxine…” untag ni Lucas sa kanya. Parang sinisilihan ang puwitan niya at hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Halos hindi niya naikurap ang mga mata niya ng unti-unti ay lumapit ang mukha ni Lucas para halikan ang mga labi niya. Bahagya pa siyang napaigtad ng maramdaman niya ang mga labi nitong nakadampi na ngayon sa kanyang mga labi. Ito ang unang lalake na nagtangkang humalik sa kanya kaya parang isang estrangherong pakiramdam ang nadama niya ng sa unang beses ay mahalikan siya. Banayad lamang ang ginawang halik na iyon ni Lucas sa kanya pero nagdulot ito ng libo-libong bultahe ng kuryente sa kanyang katawan. Hindi na niya nagawa pang kumalas sa halik nito dahil para siyang namahika o tamang sabihin nagulantang siya ng sobra-sobra! Nang mag-angat siya ng tingin muli ay nakita naman niyang titig na titig ito sa kanyang mukha. “Maxine…sorry,” hingi nito ng tawad sa kanya. Napayuko pa ito ng bahagya na tila nahiya sa kinilos at ginawa nito kanina lamang. Hindi siya agad nakapagsalita dahil hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon niya. Ano, magagalit ba siya at sasampalin ito sa harapan niya? Oh…matutuwa siya dahil sa unang beses ay natikman niya ang mahalikan at ito pa mismo ang nagparamdam sa kanya nito? “I---missed you so much.” Hindi na nakatiis si Maxine at napalingon na siyang muli sa gawi ni Lucas. Tama ba ang narinig niya mula rito, na namiss daw siya nito? Biglang namula ang mukha niya pagkarinig ng sinabi nito pero hindi pa rin siya magkalakas ng loob na tingnan ito ng diretso sa mata. At ng hindi pa rin niya ito lingunin ay nakita niyang dumampot ito ng isang bato at mabilis nitong inihagis sa madamong bahagi ng parke. “Maxine…sorry kung nabigla kita,” ito na ang bumasag ng katahimikan nila. “Lucas, ano kasi…” paano ba niya sasabihin ang totoo dito na pareho silang hindi masasaktan? Dati pa ay palihim na siyang nagdarasal na sana ay may nararamdaman rin ito sa kanya. Na hindi lang pure friendship ang kaya nitong ibigay sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Mabait, matalino at higit sa lahat guwapo pa! Kaya lang ay gumugulo pa rin sa isip niya ang huling pag-uusap nila ng kanyang Daddy. Paano kung totohanin nga ni Roland na ipagpaalam siya nito bilang maging date sa party at sabihin nito na patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Lucas? Kita niya sa mga mata ni Lucas na umaasa itong matutumbasang niya ang ipinagtapat nitong damdamin sa kanya. “N-na miss din kita Lucas.” Buong tapang niyang sagot kay Lucas, saka siya ngumiti ng banayad para maipakita rito na gusto rin niyang makasama ito. Bahagya itong napangiti pagkarinig nito sa sagot niya. Ilang saglit pa ay hinawakan nito ang isang kamay niya at muli ay tinitigan siya nito ng diretso sa mga mata. “Maxine…” Sambit nito sa pangalan niya. “Gusto ko sanang tanungin kung maaari kitang ligawan?” walang ano-ano ay tanong nito sa kanya. Bigla ang kabang naramdaman niya nang marinig niya ang huling sinabi ni Lucas. Marami nang nagtanong sa kanya kung pwede siyang maligawan, at ang lahat ng iyon ay walang epekto sa kanya. Pero ngayon na si Lucas ang nagtanong sa kanya at nasa harapan pa mismo niya ito ng mga oras na iyon, walang katumbas na saya ang nararamdaman niya. Para siyang nasa ulap! Ito pala ang pakiramdam kapag nasa tabi ka ng taong gusto mo at habang nagco-confess ito ng pag-ibig sayo. There’s a spark at first sight, sabi nga. Gustuhin man niyang magbunyi dahil sa pag-amin nito sa tunay nitong nararamdaman sa kanya ay hindi naman niya kaya. Palagi na lang na gumugulo sa isip niya ang sasabihin at maaaring gawin ng Daddy niya kapag nalaman nito ang namamagitan sa kanila ni Lucas. Pero kung palalampasin naman niya ang pagkakataon na ligawan siya nito, she can feel that she’ll miss the half of her life. Iyon ang ayaw niyang mangyari sa buhay niya. Kaya nakapag desisyon na siya. Kahit magalit ang Daddy niya, papayag pa rin siyang magpaligaw sa lalakeng sa tingin niya ay malinis ang hangarin sa kanya. “Sige, payag ako…” Sa wakas ay nasabi na rin niya ang mga salitang kanina pa niya pinipigilang lumabas sa kanyang bibig. Hindi tulad kanina na bahagyang ngiti lamang ang nasilayan niya sa guwapong mukha ni Lucas, ngayon ay sagad ito hanggang tainga! “Maxine…Salamat at pinagbigyan mo akong ligawan ka at makilala ka pa ng lubusan.” Hindi pa rin ito makapaniwala na pumayag na siya sa wakas na ligawan nito. Puno man ng takot ang puso niya sa maaaring mangyari sa pagpayag niyang ligawan ni Lucas ay ayos lang. Ang mahalaga ay masaya sila ngayon, at kasama niya ito sa mga sandaling iyon. “Lucas…” Tawag ko sa kanya ng mapansin ko ang bigla nitong pananahimik. “May problema ba,bakit bigla kang natahimik dyan?” takang tanong niya kay Lucas. “A-ah, wala Maxine, masaya lang ako at kasama kita ngayon. Hindi kasi ako maakapaniwala na pinayagan mo akong ligawan ka…” nakangiti nitong sagot sa kanya. Nginitian niya rin ito ng ubod ng tamis at saka nagsalita. “Pagbutihan mo pangliligaw at baka mabasted pa kita ng di oras, okay?” biro niya kay Lucas na ikinangiti nito. “Syempre naman Maxine. Gagawin ko ang lahat para mapasagot kita,” mabilis nitong sagot sa kanya. “Okay, aasahan ko ‘yan hah? Let’s go, medyo hapon na rin kasi baka matraffic pa tayo sa daan.” Inalalayan siya ni Lucas sa pagtayo. Si Lucas uli ang nagdala ng mga libro na hawak niya habang naglalakad sila palabas ng park at naghahanap ng masasakyang taxi. “Bukas nga pala Maxine, tanghali na ang pasok ko kaya sa tubigan muna ako didiretso.” Nilingon siya ni Lucas upang magpaalam sa kanya. Nagulat man ay napatango na lang siya. Talagang nagpapaalam pa ito ngayon sa kanya na hindi makakapasok sa school. Nagsisimula na ba itong manligaw ng lagay na’yon? “…at kung hindi ka busy ay susunduin sana kita, sabay tayong kumain ng tanghalian?” pagpapatuloy ni Lucas. Muli ay nagulat na naman siya sa sinabi ni Lucas. Alam naman niya na pinayagan niya itong manligaw sa kanya pero hindi lang kasi siya sanay kung paano ito makipag-usap sa kanya. Kung dati ay mahiyain ito at may pag-aalinlangan kapag kausap niya ito, ngayon ay bigla naman itong naging masigla at parang buo sa loob nito kapag kausap siya. “Okay, sige. Hihintayin na lang kita bukas before lunch," nakangiti niyang sagot kay Lucas na ikinatuwa nito. At nang huminto ang taxi sa tapat nila ay inalalayan siya nito muli sa pagsakay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD