Chapter 3

1927 Words
Kinabukasan ay masiglang pumasok sa university si Maxine. Para bang bagong recharge siya at punong-puno ng energy ng araw na iyon. Kulang na lang ata ay hilahin niya ang mga kamay ng orasan para lang magtanghali na. Gusto na niyang makita si Lucas. Ang guwapo nitong mukha, ang makisig nitong katawan, at ang presensiya nito na nagdudulot sa kanya ng kakaibang kilig at saya kapag kasama niya ito. Napansin din ng mga kaibigan niya ang kakaibang mood niya ng umagang iyon. “Max, ano ba ang kinain mo ngayon araw at ang saya mo?” tanong sa kanya ni Cath na unang nakapuna sa kakaiba niyang kilos. “Wala. Anong kakainin ko?” agad ay sagot niya dito.“Bakit pag masaya kailangan talaga may kakaibang kinain, ganun?” Inirapan lang siya ni Cath at halatang hindi binili ang sinabi niya. Mayamaya ay may dumating na ang last professor nila sa umaga. Umayos na sila sa pagkakaupo at isa pang mataray ang teacher nila ngayon. Pagkatapos ng klase nila ay sadya siyang ngpaiwan sa loob ng classroom at doon na lang niya hihintayin si Lucas. Hindi rin niya sinabi sa mga kaibigan niya ang pagkain niya ng lunch kasama si Lucas, panigurado kasi ay kakantiyawan siya ng mga ito. Saktong naman na sampung minuto pagkatapos ng klase nila ay dumating si Lucas. Nasilip niya ito mula sa salamin na bintana sa gilid niya habang papalapit ito. Nagtext kasi ito na dun siya pupuntahan kaya dirediretso na lang ito papunta sa classroom na kinaroroonan niya. Halatang bagong paligo pa ito at basa pa ang buhok nito na bahagyang nagpaiba ng tingin naman niya rito. Akala ba niya ay sa tubigan ito galing? Bakit parang fresh pa sa gulay at prutas ang katawan nito ngayon? Habang papalapit ito sa kanya ay nagsimula namang kumalabog ang dibdib niya na parang may malakas na tambol ang nasa loob nito. At mabilis nga itong nakapasok sa loob ng classroom at isang matamis na ngiti ang binungad nito sa kanya. “Hi,” mabilis nitong bati sa kanya. Sa sobrang kaba ay nakalimutan na niyang batiin ito at napatayo na lang siya ng mabilis sa upuan niya. “Sorry, late ako. Medyo marami kasing deliver ngayon.” Paghingi nito ng pasenya sa kanya. “Okay lang, medyo kakaalis pa lang naman ni Mrs.Sanchez.” Kinawag-kawag pa niya ang isa niyang kamay para maibsan ang kabang nararamdaman niya. Naamoy niya rin ang gamit ni Lucas na pabango. Hindi man siguro ito mamahalin pero nanunuot pa rin sa ilong niya ang kahali-halinang amoy nito na nagpadagdag sa kaguwapuhan nito sa tanghaling tapat! “Let’s go,” yaya nito sa kanya. Pinauna naman siya nito sa paglabas ng pinto at nang naglalakad na sila sa pathway ay magkapantay na ang bawat mga hakbang nila. Tinanong siya nito kung saan niya gustong kumain at dala naman daw niya ang motor nitong ginagamit sa pagpasok kaya makakalabas sila ng campus kung sakali. Pero tumanggi siya at sinabi niyang sa isang kainan na lang sila kumain malapit sa campus para hindi na sila lumayo. At humatong nga sila sa isang sizzling place na kainan malapit lang sa campus nila. Tumawid lang sila halos paglabas ng gate at nakarating na sila. Airconditioned naman ang lugar at mukhang maganda sa loob dahil sa design palang sa labas ay bongga na. Nauna ng bahagya sa paglalakad si Lucas at inalalayan nito ang pinto habang nakabukas hanggang nakapasok na sila ng tuyuan sa loob. Nabungaran agad niya ang mga kaibigan niyang sila Cath na nakaupo malapit sa cashier at nagkagulatan pa sila ng tingin ng magtama ang mga mata nila kasama ang iba pa niyang mga kaibigan. Lagot!Bakit ba dito pa niya nayaya si Lucas? Malamang na dito rin kumakain ang mga alaskador niyang mga kaibigan at na timing pa na nahuli silang dalawa ni Lucas na magkasama. “Oh,Maxine!Kaya pala hindi ka sumama sa amin kasi may kasama kang kakain ng lunch ngayon, ah.” Bungad agad sa kanya ni Jessica at nadinig ito nila Maricris na halatang pigil rin ang tawa. Ako na ang lumapit sa mga ito para sana sungalngalin ang mga bibig nito pero pinigilan ko na lang ang sarili ko lalo na at ramdam ko na kasunod ko lang si Lucas na naglalakad. Hindi ko na lang sila sinagot at sa halip ay pinandilatan ko na lang ng mata ang mga ito. Inakmaan ko pa silang babalibagin ng isang maliit na flower vase na nasa mesa. Napahinto na lang ako ng marinig ko ang tanong ni Lucas.“Dito na lang tayo maupo?” tanong sa kanya ni Lucas. Wala naman siyang balak na mag-inarti pa ng mga oras na iyon dahil gutom na rin siya at ito na ang napili nilang puwesto. Pasimple nalang siyang tumango at sinundan nalang niya ito ng tingin nang tunguhin nito ang puwesto ng mga ulam na pagpipilian. Sakto naman na lumapit sa kanya ang mga kaibigan niyang halatang tapos nang kumain at nakapag retouch na rin ng mga mukha ang mga ito. Ke pupula pa ng mga labi! “Ehemmmm! Baka naman may ichichismis ka sa amin mamaya, Maxine?” habol na tanong ni Cath sa kanya. Pinukulan ko lang siya ng tingin at pagdaka’y nagtawanan naman ang mga ito. “Oo na. Sige na bumalik na kayo ng classroom at abala kayo sa pagkain ko!” Pagtataboy ko sa mga ito. “Abala raw sa pagkain? Baka kamo abala sa date n’yong dalawa ni Lucas!” Si May naman ang nang buska sa kanya. “Heh! Kayo talaga.” Nang mapasin nilang papalapit na si Lucas dala ang isang tray na puno ng pagkaen ay nagpaalam na ang mga bruha kong kaibigan. “Oh,paano…mauna na kami Maxine…Lucas.” Paalam ni Cath sabay kindat pa sa akin. Tinanguan lang ni Lucas si Cath maging ang iba kong kaibigan at isa-isa na nitong ibinaba sa mesa ang laman ng tray. At nagsimula na silang kumain. Nabusog talaga siya sa mga inorder ni Lucas at hindi na siya nakatiis ay nagyaya na siyang lumabas sa kainan pagkatapos nitong bayaran ang kinain nila para matagtag ang tiyan nila. “Maxine…”Tawag ni Lucas sa kanya habang naglalakad sila pabalik ng campus. “Hmmmmm? Bakit?” tanong ko. “Totoo ba na si Roland na ang date mo sa acquaintace party, next week?” Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Lucas dahil inalala pa niya ang huling usapan nila ni Roland tungkol sa acquaintance party, next week. Ang sabi nito ay didiretso na raw ito sa Daddy niya para ipagpaalam siya. At kapag ganon ang nangyari ay wala na naman siyang magagawa kung hindi sundin ito. “Ah, yun ba?” Parang kunwari ay bigla akong napa-isip. “Hindi pa yung sure. Ako na ang magsasabi kay Daddy na tayo ang magkasama sa acquaintance party.” Kahit hindi pa niya alam kung papayagan siya ng Daddy niya. Hindi naman siya nagkamali ng muli ay masilayan niya ang masiglang ngiti sa guwapong mukha ni Lucas nang marinig nito ang sagot niya sa tanong nito. Hinatid pa siya nito sa mismong tapat ng pinto ng susunod niyang klase. At bago ito umalis ay tinanong siya nito muli kung puwede silang magsabay na umuwi. Hindi na siya nagpapasundo sa driver nila at taxi nalang ang gamit niya papasok at papauwi galing sa school. Muli ay pumayag siyang magsabay silang umuwi. Pagpasok niya sa classroom nila ay nabungaran niya ang mga magagaling niyang kaibigan na halatang hinihintay talaga ang pagdating niya. “Maxine, so…ano na ang score ninyo ni mister poging delivery boy mo? “ Excited na tanong ni Cath sa kanya na hindi na siya hinintay na makaupo pa. “Anong score ang pinagsasabi mo?” Inosente niyang sagot dito na nagpahagalpak ng tawa sa iba niyang mga kaibigan. “Oh come on Maxine, ano ito? Comedy bar lang ang peg natin ngayon ha!?” Halatang pigil rin ang tawa ni Cath ng sagutin niya ito. Alam naman kasi niya na aalaskahin naman siya ng mga ito, kaya nauna na siyang bumanat sa mga kaibigan niya. “Well, actually nangliligaw na siya sa akin.” Pagtatapat niya sa mga ito at sabay-sabay pang mga nag- angat ng tingin sa kanya ang iba niyang mga kaibigan mula sa busy na paggamit ng mga cellphone ng mga ito. “And….?” bitin na tanong ni Maricris sa kanya. “Anong and?” taka naman niyang tanong dito. “Haizt! Ano ka ba, Maxine! Are you born yesterday, hmmmp? Syempre sa una palang na nagsabi siya na mangliligaw siya sa’yo dapat alam mo na ang score niya. Para namang wala ka pang nabasted na mga mangliligaw d’yan sa tabi-tabi, ikaw talaga.” Tudyo nito sa kanya, sabay ismid sa kanya pgkatapos. Bakit nga ba hindi siya nag-aalinlangan na sumama ay Lucas sa tuwing yayain siya nito? Samantalang ang ibang nangligaw sa kanya, palapit palang sa kanya para magpaalam, ay ‘hindi’ agad ang sagot niya? Is this because of love? Pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya kay Lucas? But she’s just seventeen years old and actually turning eighteen. Was it possible that what she felt about Lucas everytime they were together is the ‘magical love’ na tinatawag? “Hey! Maxine… Do you really have feelings for him? Bakit hindi ka makasagot d’yan?” untag sa kanya ni Cath na nagpagising muli sa kanyang isipan. “I guess, we already know the answer guys. Kung sa ibang guy ‘yan naku kanina pa nagkakandailing sa pagsagot si Maxine, I bet. But look at her, undenayable and blushing!” Sabay pang mga nagtawanan ang mga ito sa harapan niya. Pero hindi naman siya na offend sa mga sinasabi ng mga ito, dahil kabisado na niya ang likaw ng bituka at mga bibig ng mga kaibigan niya. “Mabait naman si Lucas, matalino pa,” saad niya sa mga ito. “Mayron ba kaming sinabi na hindi? Sa’yo lang kami nag-aalala, Maxine.” Bigla ay sumersoyo ang boses ni Cath. “Alam mo naman ang Daddy mo hindi ba? He said different words which are disgusting in the part of Lucas. And that is because, ayaw niyang lumalapit ang katulad ni Lucas sa’yo.” Naalala niya bigla kung paanong ang mga kasamahan ni Roland ay inutusan ng Daddy niyang takutin si Lucas nang malaman nitong nakikipagkaibigan ito sa kanya. Bigla ang pag-usbong ng takot at kaba ay Maxine ng maisip niya na posibleng mangyari muli kay Lucas ang ganoong bagay kung sakaling sagutin niya ito. “Kung mahal mo naman talaga siya at may feelings kayo sa isa’t-isa, why not di’ba? Ipagtatanggol ka naman ni Lucas sa Daddy mo tiyak.” saad ni Mariciris. Alam naman niyang pinapalis lang ng mga kaibigan niya ang kaba at lungkot na biglang sumilay sa kanyang puso ng mga oras na iyon. “Oo nga. At the same time, nandito lang kami. We’ll help you, don’t you worry.”Paninigurado ni Cath sa kanya. Ngayon niya naisip kung gaano siya kasuwerte at sila ang naging mga kaibigan niya from the start na nag-aral siya ng high school hanggang college. Ang mga ito na ang mga nakasama niya simula’t sapul. Kahit naman palagi silang nag-aasaran pero sa huli, they treated each other just like sisters. At mahal niya ang mga ito, sobra! Sa huli, pinayuhan nalang siya ng mga ito na sabihin agad sa Daddy niya ang pangliligaw sa kanya ni Lucas para maging legal ang relasyon nila at wala siyang itatago, sila ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD