Katulad ng sinabi Roland ay nagpunta nga ito sa kanilang bahay para magpaalam at sabihing siya ang magiging date nito mamaya sa party.
“Daddy…ayoko!” Maktol niya sa ama ng sabihin nitong pinayagan nito si Roland na sunduin siya nito mamaya at sabay na silang pumunta sa university para sa party.
“Huwag ng makulit Maxine. Nakakahiya sa Papa ni Roland kapag nalaman nitong hindi ko pinayagan ang anak niya sa simpleng favor na hiningi nito sa atin.” Paliwanag ng Daddy niya na ikinalungkot niya.
Okay, lumabas din ang totoo. The mere reason kung bakit pumayag ito agad sa gusto ni Roland ay dahil sa Papa nito na malaki ang utang na loob ng Daddy niya. Ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi pikit matang sumunod na naman sa gusto ng Daddy niya dahil wala naman siyang choice in the first place.
Napabuntunghininga na lang siya at tinalikuran na niya ang kausap na ama. Nag dahilan na lang siya na may kailangan pa siyang gawin sa kuwarto.
At kita niya ang malungkot na mukha nito na para bang ramdam nito ang damdaming umiiral sa kanya ng mga oras na iyon.
Padabog niyang ibinagsak ang katawan sa malaki niyang kama. Kulang na lang ay tumalbog siya sa lakas ng impact. Pagdaka ay dinampot niya ang isang teddy bear na pink na palagi niyang niyayakap bago matulog at mahigpit itong hinagkan.
Paano na? Ano na ang sasabihin ko kay Lucas nito? Problemado talaga siya at hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag dito na si Roland ang kasabay niyang pupunta sa party mamaya.
Mula sa side table ng kanyang table ay dinampot niya ang kanyang cellphone at sinumulan agad niyang hanapin ang number ni Lucas sa contacts niya.
Nagdalawang isip pa siya kung tatawagan o itetext na lang niya ito? At sa huli ay nagpasya siyang tawagan ito.
Halos kumabog naman ang dibdib niya habang naririnig niyang nagriring ang number ni Lucas at patuloy pa rin siyang nag-iisip ng idadahilan niya dito. Pero nabigo siyang makausap ito at nakadalawa pa siyang tawag sa number nito pero ring lang ng ring ang cellphone nito.
Bahala na…pagdating na lang niya sa party mamaya saka niya ito kakausapin. At tinungo na lang niya ang kanyang wardrobe upang mamili ng isusuot na damit.
Nakailang balik-balik ang kanyang mga kamay sa kakahawi ng mga damit niya na nakasabit sa loob ng wardrobe niya. Bakit ganon? Wala man lang ata siyang mapili na maaring maisuot para sa party? s**t!
Nang muli niyang binalikan ang mga damit na pinagpipilian niya ng may nahagip na isang royal blue na medy dress ang kanyang mga mata. Sakto ang sukat nito sa kanyang taas kaya pakiramdaman niya ay ginawa ang damit na iyon para sa kanya. At nang isampay niya sa kanyang katawan ang damit ay nakita niyang bahagyang lilitaw ang kanyang balikat dahil sa tabas nito sa leeg.
Sinipat niya ang kanyang sarili sa isang whole body mirror na nasa tabi ng pinto ng kuwarto niya. Na satisfied naman siya sa itsura ng damit niya kaya ng matapos siyang maligo ay agad niya itong sinukat.
Ginamit niya ang blower upang tiyuin ang maganda at hanggang balikat niyang buhok. Siniguro niyang mabango at paliging maayos ang kanyang buhok. Ito ang pinakagusto niyang bahagi ng kanyang katawan at hindi niya ito pinapabayaan simula noong bata pa siya.
Pagkatapos niyang tuyuin ang buhok niya ay nag-apply naman siya ng manipis na make up upang bumagay naman sa damit na suot niya. Nakahanda na rin ang isusuot niyang isang sandals na kulay black. Hindi ito masyadong mataas dahil medyo matangkad naman siya at hindi rin siya komportable sa high heels.
Minsan pa ay pinasadahan niya ang sarili sa salamin. Nagdala rin siya ng isang black pouch upang lagayan ng kanyang cellphone, wallet at tissue. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto niya at sa baba na lang niya hihintayin si Roland.
Pagkababa niya ng hagdan ay naisipan niyang magpaalam din sa Daddy niya baka medyo gabihin siya ng uwi para lang alam nito.Tinungo niya ang kusina at nagbakasakali siyang nagtitimpla ito ng kape at palagi kasi itong nagkakape bago matulog.
Pero wala naman ito sa kusina. Wala rin ito sa sala. At ang pinaka huli niyang pinuntahan ay ang study room nito. Malaman ay may ginagawa itong importante.
Bahagya itong nakabukas kaya alam niyang nandoon ito at hindi na siya kumatok. Balak sana niya itong gulatin sa itsura niya ngayon lalo na at nag-ayos siya. Matagal na kasi nitong sinasabi sa kanya na magpakababae naman daw siya ng kilos at maging pino. She ‘ll be turning eighteen next month pero para pa rin daw siyang hindi dalaga kung kumilos.
Nagulat siya ng bago pa man niya mahawakan ang doorknob ng pinto ay marinig niya ang pagmamakaawa ng kanyang Daddy.
“Please, huwag naman. Magbabayad ako. Just give me another week para mabayaran ang utang ko. Hindi ko pwedeng ibigay ang gusto mo. My daughter’s life depends on it. Maawa ka.”
Sari-saring emosyon ang naramdaman niya habang pilit niyang inaabsorb ang mga narinig niya mula sa Daddy niya.
May takot, lungkot at pagtataka. Bakit kailangang magmakaawa ng Daddy niya sa kausap sa telepono? May nangyayari kaya sa negosyo nito na hindi niya alam? Nalugmok siya ng maisip ang sitwasyon ng kanyang ama.
Kahit madalas silang hindi nagkakasundo at nag-aaway ay mahal na mahal niya ito. Parang may lumukob na lungot sa puso niya sa isiping iyon.
At muli ay sinilip niya ang kanyang Daddy. Nakaupo na ito ngayon sa swivel chair na itim at nakasandal ang balikat nito habang ang isang kamay naman nito ay hinihiwas ang sentido nito na para bang sobrang sakit.
Doon ay may bumalong na mga luha sa mga mata niya. Gusto niyang yakapin ang Daddy niya at damayan. Pero kapag ginawa niya ito ay baka lalo lang itong mag-alala kapag nalaman niya ang totoo. At yun ang ayaw niyang mangyari.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng bigla ay may bumusina sa labas ng kanilang bahay. Malamang ay si Roland na ito. At mabilis niyang pinunasan ang mga naglandas na luha sa pisngi niya. Susubukan na lang niyang kausapin ang Daddy niya bukas para malaman niya ang tunay na lagay nito. Hindi naman siya maaaring hindi umattend ng party at malulungkot din panigurado ito kapag nalaman na hindi siya sumama kay Roland ngayong gabi. Pati si Lucas, magtataka kung hindi siya dumating sa party.