Bumungad sa amin ang maingay na palagid pagdating palang sa party. Maraming mga sasakyang nakaparada sa parking area ng university. Malamang sa mga estudyante iyon na may sariling mga sasakyan. Nilingon ako ni Roland pagkahinto ng kotse nito.
“Maxine, are you alright?” tanong nito sa kanya. Napansin din pala nito ang kakaiba niyang kilos simula ng sumakay siya kanina sa sasakyan nito.
Ang totoo ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nabungaran niyang itsura ng kanyang Daddy sa study room nito kanina. Maging ang mga sinabi nito sa kausap sa telepono ay tanda pa niya.
Hindi tuloy niya alam kung mag-eenjoy ba siya o papaano sa party? Basta ang alam niya ay dapat siyang umuwi agad at hindi na niya balak magpagabi para makausap niya ang kanyang Daddy.
“Oo naman…tara na!” yaya ko sa kanya.
Habang naglalakad kami sa pathway papunta sa venue ng party ay bigla kong naisip si Lucas. At mula sa pouch na dala ko ay sinilip ko ang aking cellphone para tingnan kung my text o tumawag.
At doon ko nabasa ang isang text ni Lucas.
Lucas: Nasaan ka na Maxine? Nandito na ako sa school.
At nagpaalam ako ay Roland na susunod na lang ako sa party at hihintayin ko lang sila Cathlyn para sabay na kaming pumasok sa loob.
And while waiting at the entrance, nakita ko ang paglapit ni Lucas sa amin. Madilim ang awra nito. Napansin ko agad ito kahit na medyo madilim sa labas.
“Lucas..,” tawag ko sa kanya.
Hindi siya agad sumagot ng tawagin ko ang pangalan niya, sa halip ay binato siya agad nito ng isang tanong.
"Bakit kayo magkasama ni Roland?” Dama ko ang galit sa hitsura at boses niya habang nakatitig ako sa kabuuan niya.
Nakasuot ito ng isang long sleeve na kulay maroon at itinupi hanggang siko. At tinernuhan ng maong pants at suot din nito ang palagi nitong suot na rubber shoes. Bagong gupit din ito at malinis ang mukha na halatang bagong shave.
Gosh! Bakit ba ang pogi nitong tao na’to? Naamoy din niya ang pabangong ginamit nito na palagi nitong ginagamit. It makes her insane. To the point that she forgot everything even his father’s image a while ago.
“A-ah, ano kasi…” Hindi agad siya nakasagot kaya lalo lang niyang nakitang kumunot ang noo nito. May naisip siyang paraan para maipaliwanag niya dito ang totoong dahilan kung bakit magkasama silang dumating ni Roland.
Hinila niya si Lucas sa braso papunta sa isang bakanteng upuan sa labas ng party. Hindi pa naman masyadong crowded sa lugar na iyon dahil maaga pa.
Nang tuluyan na silang nakarating sa lugar ay pinaupo ko siya sa upuang semento para makapag usap kami.
“Lucas…pasensya ka na. Wala na kasi akong nagawa, pinagpaalam ako ni Roland kay Daddy para maging date niya ngayon.” Paliwanag niya dito at hinawakan pa niya sa isang braso si Lucas para mas paniwalaan siya nito na iyon ang totoong dahilan kung bakit magkasama silang dumating ni Roland.
Alam naman niya na mabait si Lucas kaya maiintindihan siya nito tiyak at sa kanyang dahilan. At hindi naman siya nagkamali ng unti-unti ay nagliwanag ang mukha nito.
“Okay. Pero ako ang maghahatid sa iyo mamaya papauwi,” maawtoridad nitong saad sa kanya.
Nagulat man siya sa sinabi nito ay napatango na lang siya kay Lucas. Baka kasi magalit naman ito kapag tumanggi siya.
Napaka possessive! Hindi pa man kami mag boyfriend pero guwardiyado na agad siya. Napangiti na lang siya sa isiping iyon and suddenly she found herself staring at him.
"Ang guwapo mo ngayon ah.” Pag-iiba niya ng topic.
Halatang ito naman ang nagulat sa narinig mula sa kanya. At hindi naman siya nabigo at napangiti niya ito.
“Ikaw din ang ganda mo, Maxine…” walang gatol nitong sagot sa kanya habang titig na titig din ito sa kanya.
And there’s a sudden feeling of quiteness between them. Medyo na conscious pa siya ng unti-unti ay hawakan ni Lucas ang isa niyang kamay at dalhin sa mukha nito.
Duon tuluyan na siyang nanginig at bigla na lang siyang napatulala sa ginawa nito.
He's caressing my hand while kissing it using his lovable lips! Diretso pa rin ang mga mata nito na nakatunghay sa mukha niya at wala itong kakurap-kurap.
Hanggang sa maramdaman na lang niya na lumalapit ang distansya ng kanilang mga katawan. Kung kanina ay may isang dangkal pa ang layo nila sa isa’t-isa, ngayon ay tila nakasakay na sila sa isang jeep na nagsisisikan ang sakay. Halos wala ng espansyo sa pagitan nila ni Lucas. Bahagya pa siyang nagulat ng dumantay ang isa nitong tuhod sa kanyang hita.
And from that moment, huminto ang lahat sa kanila. Sa isang iglap ay masuyo na nitong naidampi ang mga labi nito sa kanyang labi. Napasinghap pa siya ng maramdaman ang paghalik sa kanya ni Lucas. Paano ba naman, ito ang first kiss niya! Wala pa ni isang lalake ang nagtangang halikan siya. Si Lucas palang. At hindi niya alam kung bakit wala siyang naging ibang pakiramdam ng mga oras na iyon kung hindi kaba at kilig!Kaba dahil nag-aalala siyang baka may makakita sa kanila lalo na si Roland at isumbong siya nito sa Daddy niya. Kilig dahil gusto niya ang kakaibang pakiramdam na dulot ng ginagawa nitong paghalik sa kanya. Banayad ito na tila dinadama ng mabuti ang bawat sandali na naglalandas ang mga labi nito sa maninipis niyang labi. It was totally sweet and fascinating kiss! Para tuloy siyang naliliyo at napakapit na lang siya sa kuwelyo ng damit ni Lucas habang ang isang kamay nito ay matibay na nakahawak sa kanyang likuran dahilan kung bakit ang katawan nila ay halos wala ng pagitan. Dama pa niya ang matigas nitong dibdib sa kanyang harapan.
Ilang segundo rin ang naging tagal ng ginawa nitong paghalik sa kanya ng tuluyang na siya nitong bitawan mula sa pagkakahawak nito sa braso at batok niya.
At pareho silang tulala ng matapos ang sandaling iyon…
“Maxine….” untag sa kanya ni Lucas.Una itong nakabawi sa kabiglaan pagkatapos ng halik nila."Sorry…hindi ko gusto na biglain ka,” nag-aalala ang tinig ni Lucas ng sabihin iyon.
“O-okay lang…ako.” sagot niya dito. Ano ba ang hitsura niya? Namumutla ba, o nanginginig ang katawan niya? Haizt!
“Sorry, hindi ko sinasadya na…” Hindi naituloy ni Lucas ang sasabihin niya at dahil doon ay parang gusto niyang maiyak. Hindi yata at parang napilitan lang ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya? What the!
“It’s okay…may kasalanan din naman ako,” agap niyang sagot dito. And she bit her lower lip to suppress her feelings. Bakit may kirot sa puso niya nang marinig niyang parang hindi naman ginusto ni Lucas ang nangyari sa kanila kanina lamang?
“I mean it and I love kissing you, Maxine.” Bigla ay napalingon siya sa direksyon ni Lucas.
Tama ba ang narinig niya? O, nabingi lang siya!?
“Lucas…” Siya naman ang natameme ng hawakan nito muli ang mga kamay niya dahilan kung bakit napaharap na siya ng mabuti dito.
“Mahal kita, Maxine.” Pag-amin nito sa kanya na ikinagulat niya muli.
Hindi agad mahanap ni Maxine ang tama niyang gawin at isipin, knowing na nasa harap lang niya si Lucas. And he even confesses his feelings for her.
Muli naisip naman niya kanyang Daddy. What will happen if he will find out their relationship? At paano naman si Lucas kung hindi niya ito masasagot ng maaayos tungkol sa feelings nito sa kanya? Ayaw naman din niyang saktan ito at alam niya sa sarili niyang mahal niya ito…