Chapter 6

1104 Words
Mataas na ang araw ng magising si Maxine. Dulot siguro ito ng pagkapuyat niya kagabi. Ang sabi niya ay maaga siyang uuwi pero hindi iyon nangyari. Pagkatapos nilang mag-usap ni Lucas kagabi ay saglit pa silang tumambay sa party at doon siya nakita ni Roland na halos lasing na rin. Panigurado ay tumawag na lang ito sa Daddy nito para magpadala ng driver para sunduin ito sa party. At dahil doon ay hindi na siya nito napilit na sumabay umuwi. Tiyak na hindi rin naman siya papayagan ni Lucas na sumabay dito lalo na at sinagot na niya ito. Yes! They are officially in a relationship now… Bigla tuloy siyang napangiti ng maalala niya kung paano ang ginawang pagsigaw at pagyakap sa kanya ni Lucas ng sabihin niyang sinasagot na niya ito. Napatawa na lang din siya at sa huli ay ginawaran siya nito ng isang masuyong halik sa noo bago pumasok sa function hall ng university kung saan ginanap ang party nila kagabi. Akma siyang hahakbang paalis ng kama ng bigla ay sumagi sa isip niya ang problemang kinakaharap ng Daddy niya. Alam niyang may mali at hindi magandang nangyayari sa negosyo nila at hindi ito gustong sabihin sa kanya ng Daddy niya. Kaya siya na lang ang kusang lalapit at magtatanong dito kung ano talaga ang problema at baka may maitulong siya dito. Ayaw niyang nakikitang nalulungkot at nahihirapan ang Daddy niya lalo na at wala na siyang mommy. Pagkapanganak pa lang sa kanya ay namatay na ang Mommy niya dahil na cardiac arrest. Ito nangyari pagkatapos ng operasyong pinagdaan nito para lang maipanganak siya ng maayos. May sakit ito sa puso at hindi nito kinaya ang pagbubuntis at pagluluwal sa kanya kaya namatay ito. Ganon pa man, hindi nagkulang ang Daddy niya sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya. They seems to be friends, to the point na parang kapatid din ang tingin nila sa isat isa. Lahat ng mga ginagawa niya at gustong gawin palagi siyang nagpapaalam dito dahil alam niya kung gaano ito ka protective sa kanya. Kaya ganoon na lang ang lungot niya ng maglihim siya tungkol sa pagiging magkaibigan nila ni Lucas at ngayon nga ay ang pagiging boyfriend nila. Ayaw niyang maglihim dito pero tiyak na hindi ito papayag sa gusto nilang mangyari ni Lucas. That made her feel like she’s keeping a secret that eventually explodes into their own faces one of these days. Mabilis siyang kumilos papunta ng banyo. Pagkatapos niyang maligo ay hindi niya nakakalimutang iblower ang maganda niyang buhok para mapatiyo niya ito ng maayos.Hindi siya komportable na lumalabas ng bahay na hindi mabango at maayos ang kanyang buhok. Agad niyang tinungo ang study room ng kanyang Daddy para hanapin ito. Pero hindi niya ito nadatnan doon. At laking gulat niya ng makita itong naghahanda ng kanilang umagahan sa kanilang kusina. Nasan sila Manang Mercy? Bakit ang Daddy niya ang siyang nagluluto ng pagkain nila? “Dad…” tawag niya dito at mabilis naman itong lumingon pagkarinig sa tawag niya. “Oh, hija…Maxine. Gising kana pala. Halika na, kumain na tayo ng umagahan.” Yaya nito sa kanya, sakto namang iniligay na nito ang uling hotdog na pinirito nito sa isang plato sa mesa. “Bakit ikaw po ang nagluluto ng umagahan natin, Dad? Nasaan sila Manang Mercy?” Luminga-linga pa ako para hanapin sa paligid ang isa sa mga katulong namin sa bahay. Hindi siya agad sinagot ng kanyang Daddy at parang tinitimbang pa nito ang mga isasagot sa kanya. Pagkatapos nitong ilagay ang iniluto nitong ulam sa mesa ay naupo ito sa upuang palagi nitong inuupuan sa tuwing kumakain silang dalawa. “W-wala na sila anak,” matamlay na sagot nito sa kanya. Nagulat siya pagkarinig sa sagot nito. Parang kinabahan siya sa maaaring susunod na sasabihin nito. "Bakit po Daddy? Saan sila nagpunta? Nagbakasyon ba?” Umiling ito. Pagdaka ay naihilamos nito ang dalawang kamay nito sa mukha papunta sa batok. “Umalis na sila dahil….hindi ko na sila kayang bayaran.” Parang unti-unti ay nabubuo ang hinala niya sa totoong problema ng kanilang pamilya. “Dad, anong ibig nyo pong sabihin?” “Nalugi ang trucking business natin anak.Yung mga truck na hindi ko nababayaran dahil hindi nakakabiyahe ay tuluyan nang kinuha ng financing.” Malungot nitong paliwanag sa kanya. “Panong hindi nakabiyahe Dad? Hindi ba dire-diretcho naman ang business transaction niyo sa Manila?” Yung ang pagkakaalam niya at nagulat talaga siya ng sabihin nito na nalusaw na ang negosyo na naipundar nito kasama ang Mommy niya noong nagsisimula pa lang ang mga ito bilang mag-asawa. “Nagka problema sa customs ang mga produkto na biniyahe namin, yung iba nating mga truck ay naka impound. I need millions para makuha at mabawi ko ang mga nakuha nila sa akin. ” “Baka naman mayroon pa tayong magagawa, Dad. Yung mga lupa nating sa Batangas baka puwedeng ibenta yun para mabawi natin yung mga truck at mabayaran natin yung mga utang natin?” “Hindi ganoon kadali anak na ibenta ang mga lupa natin doon. Lalo na at di naman residential area yun. At kung mabenta naman natin ang mga yun, I doubt kung magkasya ang perang pagbibilhan noon para makabangon tayo anak.” Tila isang bomba iyon na sumabog sa harapan niya ng marinig ang tinuran ng kanyang Daddy. Ganoon ba ka grabe ang nangyari sa negosyo nila at bigla ay pinanghinaan ng loob ang Daddy niya? “Paano na ang gagawin natin ngayon Dad?” Hindi ko napigilan na itanong sa kanya dahil alam kung may iba pang mga bagay ang kadugtong ng nangyari sa kanila. Domino effect yun kung tawagin! “Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa college. Hindi ka hihinto. Gagawa ako ng paraan para masolusyunan natin ang problema natin ngayon anak.” Parang napanatag ng bahagya ang pakiramdam niya ng marinig niya sa kanyang Daddy na hindi siya hihinto ng pag-aaral. Dahil yun na lang ang paraan para makatulong siya sa Daddy niya kung tutuusin. Pagkatapos niya ng pag-aaral ay hahanap agad siya ng makukuhang trabaho para maging maayos muli ang kalagayan nilang mag ama. Mahirap mang isipin kung papaano pero alam niyang malalagpasan nila ang mga problema na pinagdadaanan nila ngayon. It’s just a matter of time. Binalikan niya ng tingin ang ngayon ay nakayukong ama niya. Malayo ito sa mga imahe na dati niyang nakagisnan sa tuwing maghaharap sila hapag-kainan. My powerful father suddenly became weakened by those unexpected problems. And I felt that he was totally wasted because of that. Kung may magagawa lang ako para maibsan ang sakit at problema na pinagdadaanan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD