Gusto mang hindi pumasok ni Maxine sa school para samahan ang Daddy niya at makapag-isip sila ng puwedeng gawin para masolusyunan ang problema nila ay hindi naman pumayag ang Daddy niya na umabsent siya sa school.
Matamlay ang awra niya ng pumasok siya sa una niyang klase at napansin ito agad ng kanyang mga kaibigan.
“What’s wrong Maxine?”
Hindi pa siya agad nakasagot dahil parang lutang pa rin ang isip niya kung papaano niya matutulungan ang Daddy niya sa kinakaharap nilang problema na mag-ama tungkol sa negosyo nila.
"Hah? Okay lang ako…” Tipid niyang sagot kay Cath na mukhang hindi binili ang kanyang sagot.
“Are you sure? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo d'yan ha?” tanong na naman ni Maricris sa akin.
Mukhang kilalang-kilala na siya talaga ng kanyang mga kaibigan. Maski anong paliwanag at tanggi niya sa mga ito na wala siyang problema at okay lang siya, hindi naman naniniwala ang mga ito.
“Okay. ..” Umayos siya ng upo at saka siya huminga ng malalim,tanda na sumuko na siya at hindi na niya kayang magtago ng mga problema sa mga ito. “May problema nga ako.” Pag-amin niya sa mga kaibigan.
“What’s that? Baka makatulong kami,”agad ay tanong muli ni Cath sa kanya.
“It’s about our business. Nagkakaproblema kasi si Daddy sa negosyo namin ngayon. And I don’t know how can I help him to solve that problem.”
Halos bakas sa boses niya ang pagkalungkot dahil sa nangyayari sa kanilang mag Daddy ngayon, at the same time…parang gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit nangyayari sa kanilang mag ama ang mga bagay na'yun ngayon. Masyado ba siyang naging insensitive at hindi man lang niya naramdaman ang pinagdadaanan ng Daddy niya? To the point na humantong pa sa ganitong sitwasyon bago niya nalaman ang totoong nangyayari sa Daddy niya at sa negosyo nila?
“Oh my gosh! What happened in your business?”
Nakita niya ang pagiging concern ng mga kaibigan niya ng lahat ng mga mata nito ay nakatuon lang sa kanya at naghihintay sa kanyang sasabihin.
“Nalugi na ang trucking business namin.Tapos may kailangan pa kaming bayaran na mga utang," kuwento niya sa mga ito.
“Wala namang ibang way para makabawi kayo? What if…mangutang sa bangko?”
Naisip na nilang mag ama iyon, kaya lang ay kapag nangutang naman sila sa bangko at tiyak na manghihingi ito ng mga collateral. At wala naman silang maibibigay sa bangko na mga asset nila dahil naibenta na pala ng Daddy niya ang iba nilang naipundar para lang masolusyunan ang naunang naging pagkalugi nila. Kaya ang natitira na lang nilang mga ari-arian ay ang mga lupa nila sa La Union at Batangas. At alam nilang hindi kakasya yun kung sakaling mangungutang sila ng million sa bangko.
Isang iling na lang ang naisagot niya sa mga kaibigan at halatang nanglumo rin ang mga ito para sa sitwasyon nilang mag ama.
“Kakausapin ko sila Papa, baka may maitulong sila sa inyo Maxine.”
“Okay lang, Cath.”
Ayaw naman niyang pati ang mga ito ay mamoblema para sa kanya. Sila na lamang ang gagawa ng paraan na mag- ama. Kahit papaano naman siguro ay makakaraos sila.
“Are you sure, Maxine?” tanong uli sa kanya ni Cath.
Hindi pa siya nakakasagot sa tanong ni Cath ng biglang sumilip si Lucas sa pinto ng kanilang classroom.
Patay! Nakalimutan pala niya na may usapan silang mag lu-lunch sila ni Lucas at binilinan siya nitong sa tabi na lang ng registrar sila magkita dahil madadaanan naman ito papunta sa canteen.
Nagtinginan ang mga kaibigan niya ng makita ang guwapo niyang boyfriend at tila hinihintay ang pagtayo niya sa kinauupuang silya.
“Oh ayan na pala ang sundo mo,” tudyo ng mga ito sa kanya.
Hindi na niya naikukuwento sa mga ito ang nangyari sa kanila ni Lucas noong gabi ng party at lalo na ang pagsagot niya dito bilang boyfriend niya.
“Alis lang kami saglit,” paalam niya sa mga ito. Alam naman ng mga ito na nangliligaw si Lucas sa kanya kaya hindi na nagtanong ang mga ito ng yayain siya ni Lucas para kumain.
At kinuha niya ang kanyang bag at mga gamit na nasa armchair at saka tinungo ang ang pinto kung saan naghihintay si Lucas.
Hindi naman ito galit pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa nararamdaman nito lalo na at di man lang niya ito naalalang itext kahit kaninang umaga dahil sa mga iniisip niya.
“Sorry, nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo.” Hingi niya ng paumanhin dito. Napatingin siya sa mga hawak niyang libro na hindi nagtagal ay kinuha rin ni Lucas sa kanya at ito ang nagdala.
“Okay lang, katatapos lang din naman ng klase namin.” Nakangiting sagot nito sa kanya.
Medyo nabawasan ang guilt sa puso niya ng ngumiti si Lucas sa kanya kahit na sa unang araw nila bilang mag boyfriend ay nakalimutan pa niya ang pagkain nila ng tanghalian.
Nagpatuloy silang lumakad papunta ng canteen at tahimik pa rin sila at hindi nagkikibuan.
Hanggang sa makarating sila sa canteen at katulad ng dati ay ito na naman ang pumili ng pagkain nila ng tanungin siya nito sa kung ano ang gusto niyang kainin ay sinabi niyang ito na ang bahalang pumili.
She’s still busy thinking about their financial problem when Lucas suddenly appears with a tray full of foods for their lunch.
Palagi niyang sinisiguro na maayos silang nakakaina everytime na niyaya siya nitong kumain sa canteen o sa labas man ng school. Which is she finds it thoughtful and ofcourse…sweet. Sana hindi magbago si Lucas kahit na medyo hindi niya ito minsan nabibigyan ng importansya.
Habang binababa nito ang mga inorder na pagkain nila ay hindi nito hinihiwalay ang mga mata nito sa kanya. And because of that, she felt conscious and the same time, blushing!
Nang makaupo na ito sa upuang katapat niya ay agad itong nagtanong.
“Maxine, may problema ba?” May pag-aalala ang tinig nito.
Katulad kanina, hindi rin siya agad nakapagsalita ng tanungin siya ni Lucas. Hesitation is there. Madami na itong pinoproblema at ginagawa lalo na sa school at trabaho nito, hindi ba nakakahiya na pati problema niya ay ipapaintindi pa niya dito?
“Maxine…” untag ni Lucas sa kanya.
“H-ha? Ano ulit sinasabi mo Lucas?” nagkunwari siyang hindi niya ito narinig.
“Ang sabi ko, may problem ka ba at kanina ka pa hindi kumikibo d'yan.” Ulit nito sa kanya.
“Wala…anong magiging problema ko?” Pagkukunwari niya dito. Mas pinili na lang niyang hindi sabihin dito para hindi na rin ito mag-alala sa kalagayan niya.
He gave deep sighed. At halatang hindi ito naniwala sa sinabi niya.
“Okay sige, kumain na tayo. Pero kung may problem ka, sabihin mo sa akin agad. Is that clear, Maxine?”
Nagulat siya sa sinabi ni Lucas pero naintindihan naman niya ito lalo na at boyfriend na niya ito, at dahil doon dapat ay nalalaman din nito ang mga nangyayari sa buhay niya.
"Opo…huwag na po kayong mag-alala Mr. boyfriend at magsasabi agad ako kung may problema.” Dinaan na lang niya sa biro ang pagsagot niya dito upang pagaanin ang ambiance nila ng mga oras na iyon.
At hindi naman siya nabigo at nakita niyang napangiti niya si Lucas and all of a sudden he pouted something using his alluring lips, I Love You….sabay hawak sa isa niyang kamay na nakapatong sa mesa.
Para naman siyang nagayuma sa angkin nitong karisma, kaya imbes na mahiya ay sinagot din niya ang pagka sweet nito,and she also pouted her lips and say, I love You too! At napahalakhak na naman niya si Lucas this time sabay sandal sa back rest ng upuan at hinalukipkip ang mga braso nito upang itago ang pagka amuse sa kanya.