Mainit na dampi sa leeg at balikat ang nagpagising kay Maxine. Medyo naliliho pa siya. At pilit niyang dinadama ang bawat halik na unti-unting nagpapagising sa kamalayan niya. Napaungol siya ng bahagya niyang naramdaman ang pagkagat sa kanyang batok. “Hmmmm.” “Honey…” Bulong ni Lucas sa kanya. Nang dahil sa isang salitang iyon ay tuluyan ng idinilat ni Maxine ang kanyang mga mata. Nagulat pa siya ng makita itong nakadantay ang mukha nito sa kanyang leeg habang hinahalik-halikan ang kanyang balikat. Napatingin siya sa kuwartong kinaroroonan nila at doon siya napabalikwas ng bangon ng maalala ang mga nangyari kagabi. Maging si Lucas ay nagulat din sa ginawa niyang biglaang pagbangon. Agad niyang ibinalabal ang kumot na ginamit nila sa kanyang katawan at laking gulat niya ng tumambad a

