Col’s POV “Col dalian mo! Tapos na yung intro magsisimula na yung movie!” sigaw ni Danica na agad kong ikinasimangot. Inutusan kasi ako ni Danica na ako na daw muna ang maghanda ng mga kakainin dahil may pag-uusapan daw sila ni Frances. At yung usapan nila? Parang nararamdaman ko na kung ano, paano ko nasabi? Titignan lang naman ako ni Danica na parang ewan tapos matatawang ewan samantalang nakangiting tango ng tango si Frances. Tingin ko sinabi na nya kay Danica kung anong nangyari kanina at kung hindi naman? Edi wala na akong idea kung anuman ang pinag-uusapan nila na kung saan ay ako ang topic dahil sa kakaibang tingin na binibigay nila sakin. “Papunta na.” sagot ko na lang at isa isang hinatid yung mga bowl ng popcorns, chips pati na yung mga pinamili na juice ni Danica kanina. P

