Col’s POV Mabilis kong sinuot ang coat na pinahiram sakin ni Danica at palabas na ng kwarto. Nagtext kasi si Danica na pauwi na sya at didiretso na kami ng lab. Hindi ko isasama si Frances kaya hayaan na sya dyan na maligo at lumabas ng banyo na walang naaabutan. Isasara ko na sana ang pinto ng may humawak sa kamay ko. “Wag mong sabihing iiwan nyo ako dito?” magkasalubong na kilay na tanong nya. “Malamang, alanangan namang isama ka namin don? Bawal ang bata don.” Sabi ko sa kanya na hindi nakatangin. What the heck?! Sigurado ba syang lumabas ng banyo na nakatowel lang at ngayon ay pinipigilan pa akong umalis? Damn it! “Pwede bang magbihis ka na Frances?! Gosh, hinarap mo pa ako sayo ng nakatowel ka lang.” inis na sabi ko at tinalikuran na sya pero hinatak nya ang kamay ko. “Ano naman

