Chapter 10

1364 Words
Col’s POV “Anong masasabi mo? Ang ganda ng view dito sa office ko noh?” pagmamalaki ni France sakin habang nakatayo kaming dalawa dito sa office nya at nakatanaw sa view ng city dahil ang office nya ay narito sa pinakangtuktok. “Wala ka na bang ibang maisip na design at talagang glass? Common na ang ganitong office France.” Comment ko na agad nyang ikinasimangot. Tinanaw ko ang view dito sa office nya. Aaminin ko, maganda ang view all in all pero masyado ng cliché talaga ang ganitong design eh. Pero wala akong masabi dahil sa ganda ng city tapos mula dito ay matatanaw mo pa ang dagat sa may kalayuan and that is good for me because water calms my system. “Napakasungit mo talaga. Anyway, dito ka mag-ooffice soon.” Sabi nya na ikinatango tango ko. “Yeah, at hindi ko ipatatanggal ang kahit ano dito lalo na ang painting ni Miss Francesca.” Sabi ko pa tapos nagsmirk sa kanya. “Oy may hidden desire ka ba sa asawa ko? Uyy di ako ipagpapalit non! Mahal nya ako!” “Siguro pero sino bang tatanggi sa isang Colleen MacGrath lalo kung ako ang unang kikilos?” tapos ngitian ko pa sya. “Sabi ko nga.” Tumango tango naman ako pero agad akong napatingin sa kanya ng magsalita sya. “Sa una lang pero habang tumatagal nakakaboring ka na HAHAHAHAHA!” napasimangot ako kaya agad syang napahalkhak ng wagas. “Tigilan mo nga yan France, mamaya ikamatay mo pa yan at makasuhan ako ng murder dahil sayo.” Masungit na sabi ko sa kanya. “Luh, murder agad?” parang teenager na sabi nya. Napahawak naman ako sa nose bridge ko. “Malamang! May sira ka ba sa utak!? Madaling araw na at tayong dalawa na lang ang nandito maliban sa security na nasa paligid. Sino sa tingin mo ang unang pagbibintangan!?” “Alam ko, alam ko! Easy ka lang kasi! Di ko naman gugustuhin na ikamatay ko ang pag tawa noh. Mamaya pag nalaman ng anak ko na ang pagtawa ang ikinamatay ko mamaya hindi na yon tumawa.” “Ano ba yan. Yang anak mo na isa pang mahina ang utak ang isininsingit mo nanaman sa usapan natin eh.” Reklamo ko sa kanya ng i-singit nanaman nya ang anak nya. Nakakarindi kaya! “Hoy! Grabe ka makalait saming mag ama ha! May talent kaya sya!” “Ang kumanta? Nasabi mo na yan France, pwede ba.” Defeated na sabi ko sabay gulo ng buhok. “Hindi lang yon.” Napalingon ako sa kanya ng biglang sumeryoso ang boses nya. “What do you mean?” “May talent pa ang anak ko na sa tingin ko ay di nya pa narerealize.” “Para kang tanga. Nakakainis! Kung tinutuloy mo kaya ang kwento mo at di mo binibitin diba?” naiinis na sabi ko sa kanya kaya agad nyang itinaas ang mga kamay nya. “Easy lang kasi! Eto na nga oh, huminga lang ako. Bawal? Bawal?” “France.” “Okay eto na nga. So yun nga, yung talent nya na nadiscover ko is magaling syang makiramdam sa tao. Yung para bang ang lakas ng instinct nya lalo kapag nagsisinungaling yung tao. Wag ka, kahit anong subok kong magsinungaling nabubuking ako.” “Talaga lang ha? May ganon talaga syang talent?” “Oo nga!”     Tignan nga natin kung makikita ng anak nyang isa ding may sira sa utak kung may nagsisinungaling. Ang board meeting na ito ay ipinatawag lang ang mga available na makakapunta dito. So basically, wala dito yung tatlong kapatid ni France na mas bata sa kanya lalo na yung kapatid nya sa labas na nagpunta sa bahay. Dahil ang mga Clark na magkakapatid ay may sari-sariling kumpanya pero magkakapartner pa rin sila sa business maliban don sa kapatid nila sa labas na nagtatrabaho under dito sa kumpanya ni France. Pero dahil asset din yon ay may business trip sya kaya wala sya dito ngayon. “At ayon nga po ang nangyayari sa kasalukuyan kaya po nagpatawag po agad ako ng emergency meeting. Nawawala po ang three hundred million pesos dito sa company.” Matapos sabihin ng financer yun ay agad na umugong ang bulungan sa paligid. Tinignan ko silang lahat at huli kong tinignan ang reaction ng anak ni France. Napasmirk ako ng makitang attentive syang nakikinig at nakatitig sa nakatayo ngayon sa harap na nagdidiscuss ng report tungkol sa nawawalang pera. Tignan nga natin kung tama si France. “Silence please.” Tumahimik naman agad sila kaya tinignan ko agad ang financer. “Kailan mo nalaman na may nawawalang pera?” “Kanina lang po matapos ko pong i-check ang lahat ay nakita kong kulang ang pera.” Diretsong sagot nya kaya tumango ako. “Paanong may nawala? Eh diba dapat bantay mo ang lahat ng pera base sa posisyon mo?” “O-opo. Pero.. pero hindi ko alam. Baka may.. baka may naghack sa company at agad agad na pinuslit ang pera. Hindi ko masabi dahil kakapasok ko lang din kanina.” Tumango tango naman ako sa sinabi nya. “Okay, that’s enough. Ipapatawag ko na lang kayo sa susunod. Magsibalik na kayo sa mga trabaho nyo.” Sabi ko na agad nilang ikinalingon sakin na nagtataka. “Excuse me? That is a big amount of money and you already want to adjourn this meeting?” maarteng tanong ng isang babae na member ng board. Napataas naman ang kilay ko. “Bakit? Gusto mo bang sama sama pa tayong mag-iimbistiga? Ano ‘to, group project? Mas maraming masasayang kung di pa tayo magtatrabaho. Tapos na ang meeting na ‘to. Ang huling lumabas sa kanya ko ibibigay ang trabaho.” Masungit na pagkakasabi ko. Nagsitayuan naman silang lahat at dali daling lumabas habang bitbit nila ang mga gamit nila. Swerte nila dahil nagkasya silang dalawa ng sabay sa pintuan kundi ipapahawak ko talaga sa mahuhuli itong imbestigasyon. “Kaasar. Kwestyunin daw ba ako? Kakasabi ko lang na tapos na ang meeting.” Inis na sabi ko pero naagaw agad ang atensyon ko ng mag-fake cough ang anak ni France. “Napakasungit mo talaga. Akala ko sakin ka lang masungit.” “Anong tingin mo? Espesyal ka?” pambabara ko sa kanya na agad nyang ikinasimangot. Sasagot pa sana sya kaso may isa nanamang nag-fake couch. “Miss Coleen I – “ “Secretary, bakit nagpahuli ka? Gusto mo bang ikaw na ang humawak ng trabaho?” tanong ko sa kanya na agad nyang ikinailing. “Then leave.” Sabi ko kaya agad syang nagbow at nagsorry tapos umalis na. Nilock ko naman agad ang pintuan at agad na naupo sa isang upuan sa bandang kanan. “Ganon lang ba ang meeting?” inoseteng tanong nya na ikinalingon ko sa kanya. “Depende sa kakayahan kong makinig.” Tipid na sagot ko sa kanya na agad na ikinataas ng kilay nya. “So ganon? Kapag bored ka na tapos na ang meeting?” Tumango tango naman ako. “Ibang klase.” Di makapaniwalang sabi nya. Nilingon ko sya at tinignan sa mata. Napakunot noo naman agad sya. “Ano sa tingin mo? Nagsisinungaling ba yung nagreport tungkol sa nawawalang three hundred million?” seryosong tanong ko sa kanya. Pinigilan kong mapangiti ng makitang sumeryoso sya na parang ina-analize talaga ang lahat. Maya maya ay umiling sya tapos humawak sa chin nya. “Sa tingin ko, nagsasabi sya ng totoo.” “Talaga? Eh utal utal nga sya kanina.” “Hindi naman basehan ang pagiging utal utal para masabi mong nagsisinungaling na sya. Maybe kinakabahan lang.” paliwanag nya pa tapos nilagay nya sa isang side ang buhok nya kaya ngayon kitang kita ko ang leeg nya. Fuck. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at agad ng tumayo. “Uwi na tayo.” “Akala ko ba mag-iimbestiga pa?” “Oh sige mag-imbestiga ka mag-isa mo at ako ay matutulog na. Magpahatid ka na lang sa company driver.” Sabi ko at agad syang iniwan. “Hey! Nagtatanong lang naman eh! Hintayin mo ako!” I think your right France.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD