Chapter 9

1095 Words
Col’s POV Tahimik lang ang paligid habang nagdadrive ako kaso may nagsalita naman. “Pansin ko lang ah. Lagi na lang sasakyan sa garahe ang gamit mo. Wala ka bang naipon pangbili ng sasakyan?” “May sasakyan ako. Pero tinatamad pa akong kunin dahil malayo ang bahay ko mula sa mansyon nyo.” Sagot ko sa kanya tapos lumiko na ako sa kanan. “Ahh ganon ba.” Tapos tumango pa sya pero nagsalubong agad ang kilay ko ng makita syang humarap sakin at tinitigan pa talaga ako. “May problema ka ba sa pag-iisip?” masungit na tanong ko sa kanya. “Sobra ka na ah! Dati mahina utak, tapos ngayon may pro – Dahan dahan pwede?!” bigla ko kasing hininto ang sasakyan not minding her. Ang daldal masyado! “Baba na dito na tayo kumain.” Sabi ko tapos bumaba na agad. Napa-cross arms naman ako ng nakaikot na ako lahat lahat ay di pa din sya bumababa. Lumapit ako sa bintana nya sabay taas ng kilay ko. Bumaba naman ang bintana ng sasakyan, at ayan nanaman ang leeg nya! “Pwede bang maglugay ka? Ang panget mo sa ponytail.” Masungit na pagkakasabi ko sa kanya na agad nyang ikinasimangot. Gladly dahil tinanggal nya nga ang tali nya tapos naglugay na. “Ang sama mo talaga noh?” “Ano? Hindi ka pa ba lalabas ng sasakyan?” naiinip na tanong ko pero wow ang galing! Talagang sumandal pa sya! “Base sa pagkaka-alam ko, ang mga mommy daw ay pinagbubuksan ang mga anak nila ng sasakyan. Bakit kaya di mo na gawin?” tapos ngumiti pa sya. “And as far as I know, I am not your mother. So kung di ka pa lalabas dyan, ilolock ko na ang sasakyan at dyan ka mismo sa bintana lumabas ha? One .. “ Kakabilang ko palang pero agad agad syang lumabas ng sasakyan at nakapamewang na hinarap ako. “Ang bad mo talaga nakakainis ka!” sigaw nya tapos itinaas na nya ang bintana at padabog na sinara ang pinto. So what? Sasakyan kaya nila yan, duh! /// May ikukunot pa ba ang noo ko at mas may isasalubong pa ba ang kilay ko? Bwisit kong tinitigan lahat ng mga pagkain na inilalapag ng waiter base sa inorder nya. Nag-order lang ako ng isang pasta bolognese then small pan pizza at isang drink tapos sya? Large pan pizza, isang pasta bolognese at isang carbonara, bottomless na drink, vegetable salad tapos banana split na iseserve mamaya. “What the hell?” agad kong sabi ng makaalis na ang waiter. “May pinapakain ka bang nabubuhay na alaga sa tyan mo?” tanong ko pa sa kanya habang nakatingin sa lahat ng inorder nya. “Haha funny! Mukha bang may alaga ang tyan ko?” tapos inirapan pa ako, nagsmirk naman ako sa kanya. “Yup, sabi arf daw.” “Wow pano mo nalaman na aso pala ang alaga sa tyan ko?” tanong nya pa kaya tumaas agad ang kilay ko. “Bakit? Sinabi ko bang aso?” “Arf diba? So ano pa bang hayop ang mag-a-arf?” “Pusa. Kumain na lang tayo ang panget mong kausap.” Sabi ko sa kanya at agad ng sumubo. “Parang ang ganda mong kausap ah? By the way, since ito ang unang beses mong inilibre ako. Sinulit ko lang kaya.” Tapos ngumiti pa sya sakin ng matamis pero inirapan ko lang sya. Tingin nya ba mabubutas ang wallet ko dahil sa orders nya? Hawak ko kaya ang family business nyo! Tsk! /// “Wait.” “Ano?!” inis na sabi ko ng bigla nya akong hawakan sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad. Di nya ba alam na ang hirap bumalanse sa ganitong kataas na heels?! “Diba ano, company ‘to ni daddy?” tanong nya tapos inilibot ang paningin nya dito sa lobby. “Oo. May problema ka ba?” tanong ko sabay alis ng kamay nya dahan dahan sa braso ko. Alam kong di ko trip ang nakikisalamuha, pero hindi naman ako bayolenteng tao kaya di din ako nananakit sa kahit anong physical na pamamaraan. Pwede pa kung emotional. Umiling sya tapos tumingin na sakin kaya agad kong sinalubong ang tingin nya. “Wala naman akong problema pero nagtataka lang ako, bakit mo ako sinama dito?” tanong nya pa. Napahaplos naman ako sa buhok ko. “Pwede wag na maraming tanong? Hindi kita pagtratrabahuhin dito.” Sabi ko pa sa kanya kaya agad syang napangiti ng malaki tapos parang nagtwinkle pa yung mata nya. “Talaga? Step – “ “Diba sabi ko, Col ang itawag mo sakin? Paulit ulit tayo.” Masungit na sabi ko sa kanya. Yung totoo? Kaya ba sya bothered kanina pa dahil akala nya aalilain ko sya dito sa company? What an imagination. “Miss MacGrath.” Agad kaming napalingon dahil sa tumawag ng pangalan ko. Ano bang pangalan ng babaeng ito? “Speak.” Maawtoridad na sabi ko. “Hinitintay na po kayo sa conference room. Kumpleto na po ang lahat.” Magalang na sabi nya tapos nagbow pa. Yeah, the meeting. “Hey, tara na nalate pa ako ng dahil sa dami ng tanong mo.” Sabi ko sa kanya at agad ng naglakad. Nakita ko namang lumakad din sya at talagang sinabayan pa ako. “Wow! Eh kung sinabi mo na lang kaya na magmemeeting diba? Andami mo pang segway eh.” At dahil wala ako sa trip na patulan pa ang madaldal na ‘to. Tumahimik na lang ako at sumakay sa elevator na exclusive lang para sa VIP ng company na ito. “This way Miss.” Magalang na sabi ng secretary at binuksan pa ang pinto. “Thank you.” Sabi ko naman sa kanya at agad ng pumasok. Nilingon kami ng lahat ng member ng board at sabay sabay silang tumayo. “Maupo ka sa gitna.” Utos ko sa batang ito na agad naman nyang sinunod ng tahimik habang inililibot nya ang mata nya sa paligid. Sumenyas naman ako sa lahat na maupo na. “Please start.” Sabi ko at tumayo na sa gilid ng anak ni France. “Hey, okay lang ba ‘to? Na ako ang nakaupo dito?” napakunot noo naman ako sa bulong nya sakin. “Bakit? May umangal na ba? Wala diba? Edi okay lang.” pilosopong sagot ko sa kanya na agad nyang ikinasimangot. Tsk. Napaka obvious naman kasi ng tanong. Wala namang umangal sa board at pinapalayas sya sa kinauupuan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD